AUTHOR'S NOTE
Pasensya na po sa delay. Something happened, medyo personal so pasensya na hindi ko mai-share sa inyo ang main reason kung bakit nagkaroon ng delay. Yung ibang rason ay dahil sa naging sobra naman akong busy sa class, may exams kami at may mga inasikaso ang requirements na kailangan sa (possible) work sa future.
Anyway, sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito. Ito na siguro ang piiiinakamahirap na chapter na sinulat ko. "A" for the effort ako dito. Hahaha! Sana lang napanindigan ko. :)
Sa mga sumusubaybay sa story na ito, maraming salamat dahil nandyan pa rin kayo. Heto na ang continuation. Hahaha! ^_^
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepalBLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER THIRTY-THREE
RAY
Paulit-ulit nakita ng aking utak ang nangyari. Ang paghingi ng tulong ni Gel, ang tumutulong dugo sa kanyang binti, ang pagtangis ng isang ina sa takot na mawalan ng isang anak. Naramdaman ko ang mainit na luha sa aking pisngi mula sa aking mga mata. Sana ay maayos ang kalagayan ni Gel, higit sa lahat, sana mabuti ang kalagayan ng bata.
Napabuntong hininga ako. Mula sa pagkakayuko ay itinaas ko ang aking ulo, tinamaan ng puting liwanag mula sa poste ang aking mukha. Naglakad ako palayo sa poste, hanggang sa nabalot ang katawan ko ng dilim. Wala akong makitang bituin sa langit, lagi ko silang nakikita, sila na gabay ko sa madilim na parte ng aking buhay, ngunit nasaan sila ngayon? Iniwan na ba nila ako dahil sa nagawa kong kasalanan? Napapikit ako sa bigat ng nakabalot sa tumitibok at nanghihina kong puso.
Naglakad ako pabalik sa ilalim ng posteng maliwanag. Ilang segundo ang lumipas at natanaw ko sa malayo ang silhouette ng isang lalaki. Unti-unti ko siyang naaninag nang makalapit siya sa poste sa harap ko, nakita ko ang pinakamamahal ko. Nakayuko man ay kitang-kita ko ang walang emosyon niyang mukha. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin, siya na posibleng ama ng batang napahamak dahil sa away namin ng ina nito.
Limang metro ang layo namin sa isa't-isa nang tumigil siya sa paglalakad. Wala pang limang segundo ay patuloy siyang naglakad at linampasan ako. Naramdaman ko ang napakalamig na ihip ng hangin na humalik sa aking braso't pisngi. Alam ko napansin niya ako. Lumingon ako sa kanya.
"Rome." Tawag ko. Hindi siya kumibo. Tumakbo ako at hinabol siya. "Rome!" sabay hawak sa braso niya. Hindi siya kumibo. Tumigil siya sa paglalakad. "Kamusta si Gel? Kamusta ang baby niya?"
Dahan-dahang lumingon si Rome, hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Ang lakas ng loob mong magtanong." Bulong niyang may diin. Para akong naging estatwa. Gusto kong maglaho na parang bula o di kaya ay kainin ng lupa sa salitang binitiwan niya.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."