Chapter Eighteen

1.2K 72 65
                                    

AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)  

Nasa open and closed parenthesis po ng bawat line ang translation. 

Credits to Roj Sawada para picture na nandito. Kahit ayaw ko ay pilit siyang nagpresinta at naghanap ng picture ng mga characters ng "Dear Stranger".

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com

CHAPTER EIGHTEEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER EIGHTEEN

RAY: 

"Sono utsukushī kao kara shikamettsura o miru ga kirai shitte imasyo" Sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I haven't heard that familiar voice for a long time! Hindi lang ang boses niya kundi ang linya niyang iyon na lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nalulungkot ako.

Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko. Nakita ko siya, isang nakangiting gwapong lalaki na naging parte ng nakaraan ko. Ang lalaki na minsa'y tumanggap at nagmahal sa akin. Ang lalaki na minsa'y naging dahilan ng ngiti sa labi ko. Ang lalaking minsan akong yinakap. Ang lalaking kasama kong bumuo ng pangarap. Ang lalaking tinitibok ng puso ko noon... pero mali ata ako, kasi muli itong tumibok ngayong nakita ko siya ulit. Si Kojima Kazuki. 

Umupo siya sa katabi kong stool, umorder siya ng sake. Isang ala-ala mula sa nakaraan ang kumain sa akin, ang una naming pagkikita na nangyari five years ago.


Halos ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang dumating ako sa Japan. Stress sa trabaho, yan ang masasabi ko kasi talagang sagaran at halos walang pahinga, ganyan ang ugaling hapon. Mas katanggap tanggap pa sa kanila ang makatulog ka sa trabaho kesa naman ang lumiban ka sa trabaho. Maiintindihan nila yun na nakatulog ka dahil indikasyon yun sa kanila na pagod ka sa sobrang sipag mo mag trabaho. Pero kahit na ganun pa man ay hindi ko ginawang matulog sa trabaho dahil gusto ko ipakita na kaya kong makipag sabayan sa mga hapon at kahit na sa ibang mga lahi, kahit pa baguhan lang ako. Another thing is, gusto ko ng promotion o di kaya ay mas malaking sahod. Oo mukha akong pera at kailangan ko ng pera, marami akong gustong gawin at pangarap sa buhay ko.

Nandito ako ngayon sa isang bar malapit sa tinutuluyan kong apartment, nagpapalipas ng oras para naman kahit papanu ay ma-enjoy ko rin naman ang mga pinaghirapan ko rito sa japan. Katulad ng mga bar sa Pilipinas ay halos ganoon din naman dito, ang tanging kaibahan lang ay ang disiplina ng mga customer. Eto ngang katabi kong hapon ay kahit na halatang lasing na lasing na, tahimik pa rin siyang umiinom.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon