AUTHOR'S NOTE
Pasensya na po sa delay. Biglang nagstart ang class namin at naging busy kami ng bongga. :-(
Salamat kay PeterJDC at Roj Sawada sa pagbasa sa draft ng chapter na ito. Hahaha!
Baka mabitin pa at mawala na naman ang internet so heto na di ko na patatagalin!
Maraming salamat sa pagbabasa! Kapit lang! ^_^
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.comCHAPTER THIRTY-ONE
RAY
"またね!" text ni Kazuki.
(See you!)Tinago ko ang cellphone ko sa bag. Tumingin ako sa salamin. Sinarado ko ang butones ng damit ko, I left the two upper buttons.
Naglakad ako palabas ng aking villa. Sinalubong ako ng presko at napakalinis na simoy ng hangin ng El Nido. Ramdam ko ang pagsayaw ng buhok ko sa bawat buga ng malakas na hangin galing direksyon ng dagat. Inikot ko ang aking mga mata, nagbigay kalma sa mabigat kong dibdib ang kulay green na dahon ng mga puno. Naunahan akong lumabas ni haring araw ngayon, paano ba naman eh halos hindi ako nakatulog kagabi. Muli ko siyang naalala, huminga ako ng malalim.
"Good morning." Bungad ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan, bigla kumirot ang puso ko. Umaakyat siya paakyat ng villa ko.
"Morning." Sagot ko sabay lakad palayo sa kanya. Mabilis niya akong hinarang.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Pasigaw niyang tanong. "Makikipagdate ka lang kay Kazuki ngayong araw ay ganyan ka na manamit! Halos makita na ang lahat sa katawan mo! Tingnan mo nga yang makinis mong dibdib expose na expose na!" Gigil na gigil niyang sabi sabay sarado sa dalawang butones ng puti kong beach attire. Matulis ko siyang tiningnan.
"Hindi iyon date! Sasamahan niya lang ako mamili ng mga pasalubong." Sabay tabig sa kamay niya. "At tsaka ano bang pakialam mo kung nakikita ang dibdib ko?" Sigaw ko.
"Ayokong nasisilipan ka ng iba! Lalo na yung gurang na hapon yun at kasama mo pa! Baka kung ano gawin sa iyo ng manyakis na tigang na iyon!" Namumula ang mukha niya sa inis.
"Parang kang bata na nagmamaktol na wala sa lugar!"
"Pinag-iingat lang kita!"
"Kaya ko ang sarili ko! At isa pa, ikaw ang manyakis! Hinubaran mo ako noong may sakit ako, tapos naghubad ka rin at inakap ako habang nakadikit sa likod ko yang ahas mo!" Sabay turo sa ano niya. "Ngayon, kanino ako dapat mag-ingat?" sabay cross-arm.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."