Chapter Five

1.2K 84 18
                                    

AUTHOR'S NOTE

Sabay kong ipopost ang Chapter 4 and 5. Maiksi lang talaga kasi ang sakop nito pero sinabay ko na para walang magreklamo na maiksi.


MARAMING SALAMAT PO!


MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)


======================================================

BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER FIVE

RAY:

Naglalaro sa tenga ko ang soft music ng VIP Room ng restaurant. Inikot ko ang mga mata ko, kaunti ang mga tao ngayon pero rinig ng tenga ko ang kanilang boses. Kanina pa kasi walang nagsasalita sa amin ni Bae. Matulis ko siyang tiningnan, nakayuko ito.

"Why did you do that!?" gigil kong sabi kay Bae na ngayon ay naka-upo sa kaninang inuupuan ni Rome.

"Hindi mo ba gustong wala siya rito?"

"Gusto ko rin naman siyang makausap."

"For what Ray!?" bakas sa boses niya ang inis. "Sasaktan ka lang niya uli!"

Hindi ako nakakibo. Tama si Bae, pero gusto ko kasing makausap si Rome, hindi ko rin alam kung bakit pero gusto ko talaga siyang makausap.

"Yes I hate him, but I can't deny that I still love him. He's a stranger, but I want to see the stranger behind his face. I want to dicover the real man behind his name." Sigaw ko sa isip ko na hindi ko masabi kay Bae.

"May mga gagawin pa ako Bae." Sabi ko sabay tayo, tinumbok ko ang kulay brown na double door. Hinawakan ko ang bakal na doorknob, tinulak ko ito at lumabas ng VIP Room ng restaurant. Hindi na niya ako sinundan pa. 


***


RAY:

Tumunog ang elevator, ito ang gumising sa tuliro kong utak. Isang oras ang nakalipas pero lutang pa rin ako. Kaka-check ko lang ng schedule ni Chichi, pero bukas pa ulit ang appointment niya kay Rome. Bumukas ang elevator, naglakad ako palabas. Binaybay ko ang kahabaan ng malawak na hallway. Narinig ko ang halik ng swelas ng sapatos ko sa carpet na linalakaran ko. Ang hallway na binabaybay ko ay may napakataas na celing na nasa 20-30 feet at may mga mamahalin at magagandang artworks na nakasabit sa magkabilang dingding. Ilang saglit pa'y narating ko ang front desk.

"Sumimasen." Sabi ko sabay patong ng dalawang braso ko sa desk na gawa sa marble. Lumapit ang hotel staff. Tinanong ko kung saan naka-check in si Rome. Bumalik ito sa kinatatayuan niya kanina at nag-umpisang kalikutin ang computer sa kanyang harapan.

Inikot ko ang mata ko, linibang ko ang sarili ko habang naghihintay. Malawak ang hotel lobby, may mga sofa rito na kulay itim at puti habang may mga granite namang naka-attach sa ilang parte ng dingding na nagbibigay ganda sa lugar. Sa 'di kalayuan ay may paikot at mataas na staircase, kadalasang ginagamit ito pag may party o 'di kaya ay pictorial ng isang event na ginaganap sa hotel, sa gitna ng staircase ay may nakasabit na malaki at maliwanag na chandelier siyang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

Nasa ganoon akong pagtingin nang maagaw ng atensyon ko ang isang lalaking naka-upo sa labas ng hotel. Nakita ko ito dahil sa malaking window glass pane sa 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Tumayo ang lalaki, bahagya kong nakita ang gilid ng kanyang mukha, si Rome ito! Napansin ko ang isang babaeng palapit sa kanya.

Tinitigan ko ang babae, nagtanggal ito ng shades. Natigilan ako. Bumigat ang paghinga ko. Nabalot ng kadiliman ang puso ko, kasabay nito ang panginginig ng buong kalamnan ko. Napansin ko na lang na naka-sarado ang magkabilang kamao ko, nanginginig ito, gusto kong sapakin ang babaeng nakita ko. Simula nang magpakilala sa akin si Rome sa sulat noon sa Tokyo isang taon na ang nakalipas, muling naging malinaw sa utak ko ang lahat, pati ang mukha ng babaeng iyon. Ever since that day, hindi ko na rin nalimutan ang mukha ng hayup na babaeng iyon. Kahit pangalan niya ay kinasusuklaman ko, ang babaeng ito ay si Gel.

Nakita kong nagsalita si Gel. Hindi nagtagal ay kitang-kita kong hinalikan ni Rome ang babaeng iyon. Nadurog ang mundo ko kasama ang pagkatao ko.

Hindi ko kinaya ang nakita ko. Tumalikod ako at tumakbo ako pabalik ng elevator, pinindot ko ang switch, agad na bumukas ito at pumasok ako. Pinindot ko ang palapag kung saan ang kwarto ko. Sumarado ang elevator.

Hinilig ko ang likod ko sa salamin na siyang dingding ng elevator. Sa puntong ito, naalala ko ang lahat-lahat. Naging sariwa sa isip ko ang bawat sampal, sabunot, sipa, at mura ng babaeng iyon. Nagmakaawa ako, lumuhod, umiyak, pero hindi siya nakinig, kaibigan niya ako pero hindi man lang siya naawa sa akin. Bagkus ay lalo pa niyang inapakan ang pagkatao ko, pinahiya niya ako ng sobra-sobra na noong oras na iyon ay gusto ko na lang mawala na parang bula. Kaunting awa ang hiningi ko, pero hindi niya binigay sa akin. Wala siyang awa. Kahit konting respeto ay wala siyang tinira sa akin.

Isang boses ang umecho sa utak ko. "Stop it Gel! He's... He's just a stranger!" sigaw ni Jerome sa kanya noong inaawat niya ito.

Isang mahinang hagulgol ang pinakawalan ko. Pumikit ako. Napa-upo ako, hindi ko napigilang akapin ang sarili ko.

It's seven fucking years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Akala ko okay na ako, pero hindi pa pala, hanggang ngayon masakit pa rin. Iyon ang unang beses akong namatay, noong tinakwil ako ni Jerome sa harap ng maraming tao, ngayon para na naman akong namatay. Ang sugat na naghilom sa puso ko ay muling nabuklat, walang tigil ang pagdudugo, sagad sa buto. Hindi ko mawari kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Ray! What happen?" isang sigaw ang gumising sa patay kong pagkatao. Nakabukas na pala ang elevator. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses, nakita ko si Bae, tinatamaan ng dilaw na liwanag mula sa ceiling ang kanyang mukha. Nakaluhod siya sa harap ko.

Hindi ako makapagsalita, puro hagulgol ang lumabas sa bibig ko. Yinakap ako ni Bae. Hinilig niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Dito ko linabas ang lahat ng galit sa puso ko.

"Ang sakit pa rin... Ang sakit-sakit pa rin..." pautal-utal kong sabi habang hinahabol ang paghinga. Dumiin ang pagkakayakap ko kay Bae, napansin kong bumaon ang kuko ko sa kanyang likuran. I can't help it, the pain is too much. "Tangina nila!" sigaw ko.

"Ray. I'm here, I won't leave you." Bulong niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.

"Matatanggap ko pa kung yung babaeng iyon lang eh. Pero pati siya, pati siya pinagkanulo ako. Hayup sila! Tangina nila!" Wala na akong ibang nagawa kundi magsisisigaw at humagulgol. Sobrang tindi ang sumasabog sa dibdib ko, para akong kinakain unti-unti hanggang sa wala nang matira sa akin. Hindi na ako makahinga. Dumilim ang paningin ko.


ITUTULOY

SPECIAL NOTE: If you enjoy this story, please vote for it. YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. COUNTED PO ANG BAWAT VOTES. :-)









Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon