AUTHOR'S NOTE (BASAHIN! UTANG NA LOOB!)
Sinagot ko na lahat ng tanong at concern sa INTERLUDE. Kaya kung nasagot ko na iyan, pasensya hindi ako magrereply para ulit-ulitin ko ito. Matutong magbasa please.
BTW, aminado ako na kulang sa detalye ang lugar na naka-feature sa Chapter na ito. Aayusin ko ito pagdating sa eBook version dahil I have enough time to improve that.
Sorry sa delay. May mga inasikaso akong importante.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER TWELVE
RAY:
Umupo kami sa pinakadulong parte ng train. We're in Sagano Romantic Train Ride. Ewan ko ba kung bakit ito nasama sa itinerary na sinend ni Chichi sa amin, ang iniisip ko na lang ay siguro gusto niyang makita ni Rome ang ganda ng nature ng Japan. Hindi ko rin alam kung bakit romantic ang tawag dito, ewan ko. I don't find it romantic.
"Bakit pala romantic ang tawag dito?" tanong ni Rome sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
"Ewan ko. Itanong mo sa Nihonjin." Tukoy ko sa hapon na nasa may likuran namin na naka-suot ng guard uniform.
"Siguro romantic kasi pang-dalawang tao lang ito?" tukoy niya sa inuupuan naming gawa sa kahoy, talaga namang magkadikit na magkadikit kami sa isa't-isa. Tsk.
Ilang saglit pa'y umandar na ang train. Parang lumang disenyo ang train na sinasakyan namin, wala itong aircon ngunit langhap na langhap mo ang malamig at sariwang hangin. Ang gaan sa pakiramdam. Dumaan kami sa ilang hilera ng puno, walang sanga ang iba rito habang ang iba naman ay kulay brown, senyales na halos tapos na ang winter at papasok na ang spring.
"Buti pa ang mga bata walang problema ano?" bigla niyang sabi sabay turo sa bata sa harap namin. Nakangiti ito habang enjoy na enjoy sa scenery.
Tumango ako.
"Problem lang nila ay school."
"Ako rin noon. 'Di kaya ako matalino o magaling. May mga bagsak nga ako noon." Sabi ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mata.
"Ako hindi naman bagsak. Science muntik na. Mababa lang yung iba, pero isang subject sa akin ang hindi bumababa."
"Math?"
"Paano mo nalaman!?" gulat kong tanong sa kanya.
"Kilala ka kaya noon na malupit sa Math. Tinatalo mo pa nga yung valedictorian natin sa Math eh."
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."