Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay simula Book 1 (Love, Stranger) hanggang dito sa Book 2 (Dear Stranger).
May mga concern ang ibang readers na gusto kong i-address. Naisip kong dito ilagay kasi hindi naman ata binabalikan ng iba ang mga reply ko sa comments nila.
1. Bakit puro Ray at Rome lang ang POV? Or bakit majority ay kay Ray?
A: Simple. They're both the narrator of the story. Story nila ito, hindi story ng ibang characters na kasama nila. At bakit majority kay Ray? I know some of you gustong malaman ang nangyayari kay Rome lalo na kung ano ang status nila ni Gel at ano ba talaga si Ray kay Rome, but here's the thing... Kung malalaman niyo ang lahat wala ng story, wala ng mystery, at hindi na kayo mag-iisip. Masasagot lahat ng tanong niyo sa tamang panahon.
2. Bakit ang arte-arte / pakipot si Ray.
A: Ikaw ba naman saktan at maloko ng isang tao ng dalawang beses hindi ka mag-iinarte? Magtitiwala ka kaagad? Porket mahal mo at nagagwapuhan ka go na agad? Tanga ka ba? The thing is yung nagsasabi nito, hindi kasi kayo si Ray. Hindi kayo ako kaya hindi niyo naiintindihan. (joke! XD) Hahaha!
Seryoso na... Yung ibang readers ay nag-jujudge as it is base sa nangyayari, but let me tell you something – look beyond the words, look within the character. Kasi kahit kayo mismo, hindi niyo pa kilala si Ray (pati si Rome). They're STRANGER (yan yung title di ba?) hindi lang sa isa't-isa kundi pati sa inyong mga readers (OO PATI KAYONG MGA NAGBABASA STRANGER PA RIN SILA SA INYO!). Makikilala nila ang isa't-isa at kayo rin makikilala niyo kung sino sila SOON. At pag sinabi kong soon, totoong malapit na.
3. Bitin... Maiksi...
A: Kung hindi bitin, eh di ibig sabihin hindi niyo na aabangan. Tapos na ang story. Hahaha! XD Maiksi? Oo siguro para sa blog or online readers maiksi siya. Pero since gagawin kong book ito, tama lang ang haba ng bawat chapter. Well may naisip na akong solution para dito at sa mga ma-rereklamo.
SA MSOB: I will update 2 chapters in one day. (4k-5k words combined) Fair enough?
SA WATTPAD: Since karamihan ang readers dito ay tama lang ang sa kanila ang isang chapter, mas mauuna kong i-update ang isang chapter ng isang araw habang finafinalize ko ang kasunod. The following day or day after tomorrow (sana kayanin ng sched) mag-uupdate ako sa MSOB ng sabay habang sa wattpad yung kasunod.Example:
WATTPAD: Chapter X1 (Wednesday / Thursday) , Chapter X2 (Friday)
MSOB: Chapter X1 & X2 (Friday)As much as I want to update ng sabay, hindi ko kakayanin. May buhay din naman ako at hindi puro sulat lang. Since walang reklamo na maiksi sa wattpad, iuupdate ko na agad ang natapos ko doon. Then to follow yung isa, kasabay ng usual update sa MSOB para wala na ako marinig na maiksi. Nakakawalang gana lang eh sa totoo lang.
(KUNG MAY VIOLENT REACTION. GO! PUT YOUR NAME HERE AND WE'LL TALK OR ADD ME SA FACEBOOK. MABAIT AKO AT PAKIKIHARAPAN KO BILANG TAO. PARA RIN MAGKAINTINDIHAN TAYO AT MAGING FRIENDS. HAHAHA! XD )
4. Suggestions and feedback are all welcome?
A: Totoo ito. Welcome naman talaga. I'm pertaining to the quality and the story itself. Kung may gusto kayong i-suggest para mas maging maganda, why not? Kung may napansin kayong pwedeng iimprove sa way of writing ko, why not? Go lang. Mas gusto ko 'yun at discussion na ganoon kesa nanghuhula ako sa kung ano ba ang dapat kong ayusin.
5. Anong saysay ng mga objects (Bracelet particularly) or topic na inintroduce mo noon sa Book 1 at early Book 2?
A: Hintay lang... Wala pa tayo sa 2nd half ng Book 2. Marami pa mangyayari. Oo mabagal ang phase ng Book 2, pero once pumasok tayo sa 2nd half (hint: after ng field trip nila), bibilis na ito. Dito niyo rin marerealize ang importance ng mga bagay-bagay. Lahat ng nababasa niyo noon at ngayon ay build-up o preparation kung baga sa mangyayari sa hinaharap. Para sa nagtatanong sa Bracelet, hindi ko ito nakakalimutan. Importante ito since it is the symbol of their love na hindi natuloy noon.
Gusto ko na tapusin sa totoo lang. Kasi excited akong makilala niyo ng buong-buo si Ray at Rome. Excited ako sa last few parts. At excited ako lalo na sa ending. Pero sabi ko nga, wala pa tayo sa 2nd half. And hindi pwede madaliin ang mga bagay (lalo na yung status ni Ray at Rome), lahat iyan may proseso, may build-up. Ni-hindi pa nga nila nakikilala isa't-isa eh gusto niyo na agad may mangyari (marami nagrerequest na sana nag-sex si Rome at Ray last chapter). Yung totoo? So patience please?
Salamat po sa pagbabasa, pagboto (sa wattpad) at sa pagbibigay ng comments. Kaming mga writers ginaganahan kaming magsulat pag maraming nagcocomment at naramdaman naming naaappreciate ang mga gawa namin.
Hopefully tomorrow matapos ko Chapter 11 at ma-post na. Nagreresearch kasi ako ngayon tungkol sa field trip nila. Gusto ko maayos pagkakasulat ko.
Have a good day! God Bless! ^_^
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."