Hindi ako makagalaw sa sobrang takot. Who the heck is this woman? Is she a ghost? Bakit alam niya ang pangalan ko? Bakit alam niya kung saan ako nakatira?
"J-Jeff?"
I can feel her chin on top of my neck as she began to hug me from behind. Hindi ko namalayan ang unti-unti kong panginginig.
"A-Anna, help me." I stretched my right hand to Anna na unti-unti na namang lumalayo sa akin. She's shaking her head in fear. Umaatras ito hanggang sa mapasukdol na ang likuran nito sa katapat na pader sa hallway.
Napatingin ako sa mga brasong nakapulupot sa aking baywang, "Fuck!" Hiyaw ko, nang may naglabasang matatabang uod mula sa kanyang balat.
"J-Jeff" Bulong nito malapit sa tenga ko.
I can now feel her rotten lip slowly kissing the back of my neck.
"Anna!" Muling pagsigaw ko kaya Anna, na kumakaripas na ng takbo papalayo.
"H'wag kang mag-alala, Jeff. Hindi kita iiwanan." I can now smell the stench of her rotting flesh. "Nandito lang lagi ako para sa 'yo." I can also feel some maggots on the traces of my jawline; crawling towards my ear. I screamed when I felt the maggots entered my ear.
"J-Jeff." Patuloy akong hinahalikan ng naagnas na babae, habang iginagapang nito ang kanang kamay nito sa aking harapan; sa ilalim ng aking pantalon. "Angkinin mo ako, Jeff."
Walang hinto ang paghiyaw ko sa takot, na tila ikinagalit naman sa akin ng naagnas na babae.
"Akin ka!" Nakapangingilabot na sigaw niya--na halos kasabay ng buong p'wersang pagtulak nito sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tumalsik agad ako sa isang tulak lang nito. Tumama ang aking likuran sa pader sa loob ng aking apartment bago ako bumagsak nang padapa sa sahig.
"Akin ka!" Muling hiyaw nito--na maihahalintulad na sa hiyaw ng isang demonyo.
Hinila niya ako nang pabulagta sa mas maluwag na parte ng sahig. Hinaklit nito ang harapan ng aking pantalon at saka pasaklang na pumaibabaw sa akin.
Naisuka ko na ang lahat ng aking kinain sa kalagitnaan ng paggiling n'ya sa aking ibabaw; at halos mawalan na rin ako ng ulirat nang magsimula nang magsigapangan ang mga uod na nagmumula sa kanya, sa iba't ibang parte ng aking katawan--at mukha.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
I screamed nonstop until countless maggots entered both of my ears and my nose. Napatahimik lamang ako nang mapuno na rin ng mga gumagapang na uod ang aking bibig.
***
I woke up screaming.
"Jeff?!" I have a blurry vision of Anna. She's looking down on me while I am lying on the floor; in my apartment's living room.
"What the f--?" Habang bumabangon ako nang paupo; holding and shaking my head.
"Are you ok?"
"W--what happened?"
"I have the same question. What happened to you?" Tinulungan n'ya akong makatayo para makaupo sa sofa. "I came here to prepare our dinner tonight, but then I saw you lying on the floor the moment I got in."
What in the flipping fucked up galaxy just happened to me?! Did I just have a very bad dream?
Sa pag-alog ko sa ulo ko, napatingin ako sa isang librong nakabuklat nang pataob sa sahig.
"What the heck is that?" Itinuro ko ang libro.
"Ewan ko sa 'yo. Nand'yan na 'yan nang makita kitang nakabulagta rito eh."
Tumayo ako para kunin ito; bumalik din naman ako kaagad sa inupuan ko matapos kong damputin ito. It's a hardbound book na may abstract embossed creepy designs. It looks like a tome na may nakaukit na simbolo ng tatlong dilat na mata sa harapan.
"What the fuck is this?" Bulong ko.
Pinagbali-baliktad ko ang libro, binuklat ang first few pages para hanapin ang pangalan ng author, but I found none.
"Where the heck did this come from?" Kunot noong binuklat ako ang libro. Makapal 'yun at may nakasulat sa lenggwaheng hindi pamilyar sa akin. Sa bawat pahina'y may nakasulat na mga pangungusap, gamit ang sinaunang estilo ng longhand. "And how the fuck did I get here?"
Tiningnan ako ni Anna na tila nagtataka. "Nagtataka nga ako nandito ka na, 'di ba dapat nasa trabaho ka pa ng mga ganitong oras?" Tumayo na ito pupunta sa may bandang kusina.
Abot-tanaw naman sa living room ang kusina kaya nakikita ko pa rin naman si Anna. Binubuklat nito ang mga paper bag na dala n'ya mula sa grocery store. Nakahilera ang mga ito sa ibabaw ng island sa kusina. Tipikal na ito kay Anna, ang mamili ng mga rekado para maipagluto n'ya ako paminsan-minsan.
"Saan mo ba huling naaalang naro'n ka?" Aniya, habang abala sa paggagayat
"Sa..." Napasimangot ako. "Sa..."
"Huwag mong sabihing hindi mo naaalala?"
Napaisip ako. Pilit hinahagilap at hinahalukay ang pinakahuling memorya ko sa mga pinanggalingan ko ngayong araw na ito. It took a while, until everything dawned in my mind...
[Itutuloy]
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...