KABANATA 36

5.6K 268 20
                                    

"Jessica! Hello Jessica!" Ginamit ni Jasmine ang phone ko. We are on the rooftop of the hotel dahil medyo erratic ang signal sa location ng napili naming hotel. "Ano bang nangyayari? Bakit sabi ni Nana Azon pinalayas siya at namatay ka na? Naguguluhan na ako!"

Nag-uusap pa sila nang ikinalat ko ang paningin ko sa maaliwalas dagat.  Sinasamyo ko ang hangin, bago napukaw ng mga tinig ng ilang kababaihan ang atensiyon ko.  Nilingon ko ang mga ito sa isang umbrella shed malapit sa aming kinatatayuan. May apat na kababaihan ang naroon.

"Sabi nila, marami raw aswang at mangkukulam dito."  Sabi ng isa sa kanila, "Parang wala naman. 'Yun pa naman sana ang dinayo ko rito."

"Ewan ko ba naman kasi sa mga Pilipino, bukod sa mahihilig sa chismis, ang hilig pa sa mga kwentong sinauna. Kathang isip lang ang mga ganyan. Hindi totoo yan!" Sabat ng ikalawa.

"Hoy, totoo kaya 'yun. Taga rito ang friend ko at siya mismo ang nagsabi sa akin na maraming manggagaway at mambabarang dito. Meron ding mga aswang at maligno." Sabi naman ng ikatlo.

"Meron 'yan, " Sabi ng ika-apat. "Hindi lang halata dahil mukha lang naman silang ordinaryong tao sa araw."

"At talagang pinagtulungan niyo ako ha?" Napapatawang wika ng ikalawa sa apat. "Ah basta ako, I don't believe blah...blah...blah.."

"Jeff!" Sabay hawak ni Jasmine sa braso ko.  Nagulat ako. Masyado kasi akong napa-focus sa pinag-uusapan ng mga babae.

"Oh, nakausap mo na?"

Tumango ito.

"So, kamusta? Anong sabi niya?"

"Hindi raw totoo ang sinabi sa akin ni Nana Azon. Ang totoo raw, tumakas si Jessica sa takot kay Nana Azon dahil nahuli niya raw itong nag-o-orasyon sa isang lihim na silid sa likod ng mansyon. Nakita raw niya ang litrato ni Mama, ng kakambal nito at naming dalawa ng ate.  Nakakita rin daw siya ng isang garapon na may patay na sanggol na deformed ang mukha. Nakababad daw ito sa formalin."

"Sanggol? Pero kaninong sanggol?

"Hindi raw niya alam."

"May iba pa ba siyang sinabi."

"Nagmamadali siya pero paulit-ulit niyang sinabi na iwasan ko na si Nana Azon. Umalis na raw tayo rito. Malakas daw ang pakiramdam niya na may masama itong balak sa akin. May nakita raw siyang isang photo album na gusto niyang ako mismo ang tumingin. Natakot daw kasi siya sa mga larawan doon na nagpalakas naman sa hinala niya na may kinalaman si Nana Azon sa pagkawala at pagkamatay ng mga babae sa pamilya namin. Kinuha raw niya ito kay Nana Azon nung araw na tumakas siya. Inilagay raw muna niya ito sa isang ligtas na lugar. Ibibigay na lang daw niya sa akin ito kapag nagkita kami ng personal sa Maynila."

"So anong balak mo, gusto mo ba bang lumuwas pabalik sa Maynila?"

"Oo sana, Jeff, pero hiyang-hiya ako sa 'yo. Wala pa tayong dalawang araw rito parang sinayang ko lang ang oras at perang ipinamasahe mo. I'm sorry talaga." Yumakap ito sa akin.

Niyakap ko naman ito pabalik, "Ano ka ba?"  Bulong ko sa tenga niyang nakalapat na sa mga labi ko.  "Paanong magiging sayang kung magkasama naman tayo. Ok lang 'yan. May napala naman tayo sa ipinunta natin dito."

"Jeff," Kumalas ito sa akin at iniharap nito ang kanyang mukha na halos nakadikit na sa akin. "ang gulo ng pamilya ko. Sana hindi ka pa natu-turn off sa akin."

Inayos ko ang excess hair niya sa likod ng kanyang magkabilang tenga, "Bakit naman ako matu-turn off sa 'yo sa mga bagay na wala ka namang kasalanan?"

"Wala lang, natatakot din lang ako na mawala ka sa 'kin. Ikaw na nga lang ang natitira sa akin."

Kinilig ako kaya napabungisngis ako.

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon