She's not supposed to matter to me. Why should she? We're not even friends. Kung si Anna nga na matagal ko nang kakilala, at kahit pa'no, naging mahalaga, hindi ko ininda ang pagkawala, siya pa kaya. Sino ba s'ya?
Sino nga ba siya?
Bakit nga ba tatlong linggo na simula nang matanggap ko ang huling email nito, parati ko pa rin itong naaalala? Bakit kahit anong distractions ang pagbalingan ko, hindi ko pa rin matanggal-tanggal ang babaeng 'yun sa isipan ko; kahit na may ginagawa ako...lalo na kapag humihinto ako.
I constantly check may email. Hoping to receive something from her. Gano'n din sa texts inbox ko kahit na alam kong..,wala na naman akong dapat asahang mensahe mula sa kanya.
I think I am really losing it, dahil kahit wala nang nagpaparamdam sa 'kin sa bahay, napupuyat pa rin ako sa pagtitig sa kesame. Ang resulta? Wala ring pagkakaiba kung may kababalaghang nagyayari sa akin o wala. Puyat pa rin ako at lulugo-lugo sa pagpasok sa trabaho kinabukasan.
"Excellent, Job, Jeff." Papuri sa akin ni boss matapos mai-present ni Don ang resulta ng project namin; that was after one week of sampling to the mass market.
Napasulyap ako kay Jen. Nakasimangot ito. Dahil sa kabila ng laki ng following nila online, mas tinangkilik ng mga tao ang sample issue namin.
"I want to give all the credit to Don and Monna, Sir." Tiningnan ko ang dalawa--na biglang nagliwanag ang mga mukha. Hindi siguro nila inaasahan ang pag-recognize ko sa kanila. "Ako lang ang kumuha raw manuscripts, but the rest of all the efforts are all theirs."
"Good Job then." Nakangiting sabi sa kanila ng aming boss. Bakas naman sa mukha ng dalawa ang tuwa--kahit halatang nahihiya. "Sindak!" Pagbasa nito sa title ng sample issue namin. "Sino ang nakaisip ng title?" Nakatingin ito sa akin.
"Silang dalawa rin po." Sagot ko. Kinindatan ko ang dalawa. Ngumiti naman ang mga ito pabalik sa akin.
"Good, good. I like this. Let's release the first official issue then. Approved na 'to sa 'kin."
Halos mapalundag sa tuwa si Monna at si Don; pati na rin si Patty at Sharon.
"I'd really recommend to officially put the both of them in charge, Sir." Sabi ko, "Para maka-concentrate ako sa iba pa nating major projects."
"Ok."
"P-pero S-sir! P-pa'no po kam--" Pagsabat ni Jen.
"You have two options." Sagot ng boss namin dito "You go back to your former duties as Jeff's immediate assistant, or help these two..."Itinuturo nito si Don at Monna, "With our new horror series."
"What do you mean by 'help them?' Para ano? Para maging assistant nila?" Nakasimangot si Jen.
"Yes." Our boss said plainly.
"No way." Tumayo Jen; umiiling-iling.
"What do you mean no way?" Nangunot si boss sa naging asal nito.
Sa halip na sumagot, nag-walkout na lang si Jen. At bagama't hindi naman sumama sa pag-alis nito si Jerrick, sumunod naman dito si Clara. Tough I was hoping that Jen actually quits, I only found myself disappointed, dahil nagpalipas lang pala ito ng inis. She and Clara stayed after all; to help Don and Monna. Inasahan ko na 'yun. Dahil sa tindi ng inis ni Jen sa 'kin, I'm pretty sure she'd rather not directly work with me.
***
I'm dead tired. Pero kailangan ko nang tapusin ang huling manuscript for tomorrow's deadline. Sa paisa-isang pamamaalam ng mga editorial assistants ko--na hindi ko na halos matingnan as they went, hindi ko na namalayan, na ako na lang pala ang nasa opisina. Tiningnan ko ang oras sa lower right corner ng desktop ko. It's already eight o' clock in the evening. No wonder I'm starving, lalo pa't maging ang pagkain ng lunch kanina, hindi ko na nagawa.
I'm on the very last page of the manuscript, when the time seems to crawl a little bit slower. I know the time never actually change its pace, it's just that, I am really desperate to finish what I am supposed to. Masakit na ang batok ko, at tila mas mabigat na rin ang bagsak ng aking mga balikat. Masakit na ang mga mata ko sa maghapong pagsuyod sa mga letra sa computer screen; masakit na rin ang ulo ko dahil sa pinaghalong gutom at stress dahil sa dami ng mga binasa ko ngayong araw. My assistants call our common pain, migraine; but I'd rather call it 'the' occupational hazard.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Hindi madaling magbasa, kung hindi naman lahat ng binabasa mo, gusto mong basahin. Sa linya ng trabaho ko, isa na siguro sa source ng sakit ng ulo ko, ang pagbabasa ng mga manuscripts na walang katorya-torya. Ang maghanap ng sense sa mga akdang walang kadating-dating. Ang hirap pa kung ang writer na sumulat, feeling magaling, na kapag nakwistiyon mo lang ng kaunti ang gawa nito, ikaw pa ang lalabas na masama?
I'm on the very last paragraph. Pakiramdam ko, mas lalong bumagal ang mga sandali. Ito 'yung pagkakataon na, halos pumikit na ang mata ko sa sobrang strain; pero kailan kong tungkuran ang mga talukap nito para hindi tuluyang sumara. Gustuhin ko mang kumuha ng isa pang tasa ng kape, pero sinsisikmura na ako. Buong araw na kasing ito lang ang laman ng tiyan ko, to the point na, pakiramdam ko, kape na rin ang dumadaloy sa mga ugat ko.
"C'mon...c'mon..." Bulong ko habang sinusuyod ko ang dalawang pinakahuling pangungusap. "You're almost there, Jeff..." Mas tinutukan ko ang pagtingin sa aking monitor.
Nasa huling sentence na ako nang may napansin ako sa gilid ng flat screen. Pakiramdam ko, may nakatayo nang pasubsob sa likod ng aking monitor. Nahapyawan ng mga mata ko ang silhouette ng itim na espunghadong buhok; bahagyang nakakubli ito sa likod ng monitor ng desktop ko.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa katapusan ng manuscript. I edited a wrong punctuatuon, saved it and then closed the document file immediately. Pero sa kabila nito, hindi ko magawang umalis sa aking kinauupuan. Naroro'n pa rin kasi ang kung sino man--o ano man, ang nasa likod ng aking desktop monitor.
Nanginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko, nagsitayuan na rin ang lahat ng balahibo sa aking buong katawan. Someone--or something, is really there. At naroro'n ako sa kalagitnaan ng matinding kaba, na baka bigla na lamang nito akong bulagain anumang oras.
I went stiff; literally holding my breath for so long, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang security guard na nakatokang magbantay sa opisina buong gabi. Akala ko, aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat. Pagkagulat na nagdulot ng pagdagundong ng tibok ng puso ko sa loob ng aking dibdib. I was literally panting; my face maybe pale. Bagay na I am hoping na hindi nahalata ng security guard.
"Sir Jeff, narito pa po pala kayo." Anito.
Sa halip na sumagot agad, lumingon ako sa desktop ko at lakas loob na sinilip ang likod ng monitor; wala na ro'n ang nakita at naramdaman ko kanina. Nakahinga ako ng maluwag.
"O-oo. P-pero paalis na rin ako. H-hintayin mo na ako, para mapatay mo na ang mga ilaw rito sa loob."
[Itutuloy]
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...