KABANATA 29

8K 435 48
                                    

"A-anong nangyari?" Humingal na tanong sa akin ni Jasmine. Nalaglag kasi ako sa kama sa kalagitnaan ng mga pangyayari. Nawala rin namang bigla 'yung babae matapos nito kaming lukuban ng hilakbot at panlalamig.

Sinuyod ko ng paningin ang bawat sulok ng buong k'warto habang bumabalik ako sa pwesto ko sa tabi ni Jasmine. Wala na naman akong napapansing senyales na naroro'n pa ito.

"I have no idea..." Palinga-linga pa rin ako habang muli kong inaakbayan si Jasmine. Magkasabay kaming humiga.

"Kamukha talaga ito ng Mama ko." Mangiyak-ngiyak ito; pilit sumisiksik sa aking tagiliran. Pero pa'nong mangyayari 'yun? Ang alam ko buhay pa ang Mama ko, at kung Mama ko nga 'yun, bakit ito naka traje de bod--" Natigilan ito. Tila may pinakikiramdaman.

"O, bakit?"

"May naalala kasi ako."

"Anong naaalala mo?"

"Ngayon ko lang kasi naalala 'yung madalas sabihin sa akin ng ate ko ilang linggo bago ito namatay?"

"Ano 'yun?"

"M-may nagpapakita raw sa kanyang babaeng nakapangkasal. Sinasakal din daw s'ya nito habang natutulog. Pag nagigising naman daw s'ya, bigla naman itong nawawala."

"'Yun din ba ang napanaginipan mo kaninang hapon?"

Tumingala ito sa mukha ko, "O-Oo."

"Simula kailan?"

"Simula no'ng--" Umiwas ito ng tingin; nag-isip sandali, "S-simula ng..."

"Ng?"

"Simula ng araw nang makilala kita. N-nung araw na ipinasa ko sa 'yo ang libro. Kinagabihan no'n napapanaginipan ko na rin ito, naka-traje de boda rin ito, pero walang mukha. Kailan ko na lang nakita ang mukha nito. Naaninag ko lang ito no'ng gabi na nagpakita ito sa apartment mo."

Natahimik ako. Muli ako nitong tiningala nang mapansin n'ya ito.

"O, ba't natahimik ka?"

"Wala lang. Naisip ko lang. Noong mga panahon na 'yun din kasi unang nagparamdam at nagpakita sa 'kin ang babaeng 'yun sa 'kin. Noong una, tila umiiyak ito, nang maglaon, tila galit na ito sa 'kin. Hindi ko maintindihan, nalilito ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mapapaniwalain sa mga ganito no'ng una. Nito na lang. Simula nang ma-experience ko na mismo. Thanks to you, at sa librong ipanasa mo sa 'kin."

Tinapik n'ya ang dibdib ko, "Sorry na, medyo desperado lang kasi akong magkabalikan kami no'ng ex ko noon. Pina--"

"Stop."

"Huh?"

"I said stop."

"Stop what?"

"Stop mentioning him and what he did to you in any of our conversations from now on. I don't want to hear anything about him anymore, unless you want me to find and kill him with my bare hands. Pero kung gusto mo ko akong maging kriminal, sige, magk'wento ka pa ulit tungkol sa kanya at sa lahat kagaguhang ginawa n'ya sa 'yo. I will kill him. Hindi ako nagbibiro. I will kill him nice and slow."

"Sobra ka naman..."

"Sobra? Anong sobra ro'n?!"

"Wait nga!" Pinisil nito ang ilong ko. "Cool ka nga lang d'yan. Sige na...para hindi ka na maging kriminal, hindi ko na s'ya babanggitin kahit kailan."

"Good."

"Si John na lang ang pag-usapan natin." Nakabungisngis ito.

Sinamaan ko ito nang tingin. "What about John? 'Wag mong sabihin na type mo rin s'ya?"

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon