Isang gabi pa ang nakalipas at halos hindi na ako pinatutulog ng iba't-ibang pangitain. At sa kakaunting oras na naitutulog ko, walang humpay rin naman akong dinadalaw ng mga kakilakilabot na panaginip. Nadaragdagan na rin ang mga kaluluwa ng taong umaaligid sa akin; hindi lamang sa bahay, pati na rin kung saan man ako magpunta. Tulad na lang nung nagpunta ako ang sa banyo para maghilamos kaninang umaga. Sandaling tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Yumuko lamang ako para hilamusan ang aking mukha, pero sa pagtunghay at pagmulat ko ng aking mga mata, ginulantang na ako ng isang maputlang babaeng nakatayo sa aking likuran. Lumingon ako, pero wala naman akong nakita, at sa biglang pagharap kong muli sa salamin, naging tatlo na sila.
"Shit!" Bulalas ko. Napahagunot palabas ng banyo.
***
"Sir, ok lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni Sharon. Ang ikatlo sa mga bago kong staff.
"H-ha?!" Nagulantang ako. Ito kasi ang pumutol sa pagkatulala ko sa harapan ng aking desktop sa opisina. "O-oo..." Kunwari'y nagsimula na akong muli sa pagta-type. Tumingin ako sa kalendaryong nasa ibabaw ng kaliwang gilid ng aking desk, Miyerkules na; tiningnan ko ang aking wristwatch, lunchtime na pala, and I am definitely looking forward see Janelle in the coffee shop. "Ahm, take your break na." Anunsyo ko sa apat kong staff. Lumingon ang mga ito sa akin, "I might be out for a couple of hours. I have to meet up with a writer. Call me na when you need something, ok?"
"Ok po Sir Jeff." Magkakasabay nilang tugon.
***
John came and stayed to chat for half an hour. Mukhang problemado ito at desidido pa ring bumalik sa Siquijor. He's still trying to convince me to come with him dahil Saturday and Sunday lang naman daw kami ro'n; I'm actually tempted to, but then I told him that I still need to think about it.
Nakaalis na si John, hindi pa rin dumarating si Janelle. Natapos na ang regular lunch hour ko, pero wala pa rin ito. Ilang saglit pa, until unti-unti ko nang natatanggap na mas malamang, hindi na ito sisipot. I was hoping, but I didn't take it against her. Hindi naman kasi ito nangakong makararating siya no'ng huli kaming nagkita.
Dalawang oras lang ang sinabi ko sa aking mga staff, kaya mas minabuti ko nang pumunta na isang fastfood chain para umorder ng lunch for take-out. 'Yun naman kasi ang usual routine ko every day. I usually spend my lunch hour at the coffee shop, either to work or read, while enjoying my favorite frappuccino and then just grab something 'to go,' na sa office ko na kinakain to keep me awake for the whole languid afternoon.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved
"Here's your order, Sir." Sabi sa akin ng take-out crew. Iniabot nito sa akin ang paperbag na kinalalagyan ng inorder kong combo meal.
"Thank you." Sagot ko rito; naghanda na ako sa pag-alis.
I'm on my way to the mall exit nang napalingon ako sa hallway kung saan naro'n ang restrooms. I saw people coming in and out, well as... Janelle--kasama ang isang lalaking tila dinuduro-duro ito. Nakayuko si Janelle habang binubulyawan ito ng lalaki, which made me curious enough to walk closer to where they are.
"Ilang beses ko bang ipaiintindi sa 'yo na ayoko na sa 'yo!" Nanggigigil na sabi sa kanya ng lalaki--na bagama't halos pabulong ay may diin ang pagsasalita nito. Napapatingin sa kanila ang bawat taong dumadaan papunta at papalabas ng restroom. "Will you please stop stalking me?! May girlfriend na ako, siya talaga ang mahal ko. Don't you dare ruin my life only because you can't move on."

BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...