KABANATA 39

5.1K 259 17
                                    

Dumating daw si Daddy, pero madaling-araw na. I don't want to see him at this point  kaya niyaya ko na si Jasmine pauwi, bago pa man mag-ala sais ng umaga. Nag-iwan na lang ako ng note kay Mommy and then texted Jaimie; hoping na maintindihan nila why I have to leave.

"Are you going back to work tomorrow?" habang nag-a-unpack ako ng mga damit ko sa kwarto ko sa apartment

"Nope. I still have at least three official vacation days plus Saturday and Sunday so, I'm still yours for five days."

"Ok." Hindi man ito magsalita, naramdaman ko na tila nay gusto itong sabihin.

"C'mon baby. Say it." I smiled at her.

"S-say what?" Tila nagulat ito.

"Say wat you want to say."

"H-ha?"

"C'mon..." Nilapitan ko ito at hinawakan sa baywang.  "It's all over your face.  May gusto ka bang gawin?"

"Eh...k-kung ok lang?"

I knew it!  "Ano ba 'yun?"

"Gusto ko sanang makipagkita kay Jessica."

"Kailan?"

"P-pwede ba today? Tinatanong niya kasi kagabi kung pwede siyang makipagkita sa atin mamayang hapon.  Mga bandang alas tres, sa address na ibinigay niya."

"Alas tres pa? Hmmm...so, I guess pwede muna nating gawin ang ibang errands."

"Ano bang plano natin today?"

"Una, punta muna tayo sa munisipyo to get a schedule, after that, we'll drop by the jewelry store. I need your help on choosing our wedding bands. After that, I'll see if I can meet up with one of my staffs for the copies of Sindak Horror Series. If not, we'll probably just grab one of each sa bookstore. Then maybe we also could grab a bite. And then, we'll meet up with Jessica. How does that sound?"

Humagikhik s'ya, "Sounds like a very busy day for us."

***

"Is this really happening?"  Nakatitig si Jasmine sa kamay n'ya, at sa four carat diamond ring isinuot ko sa kanya while were were still in the jewelry store a while ago.

Good news. Kagagaling lang namin sa munisipyo and we were able to get a Friday morning appointment with the City Mayor.

Bad news.  We're caught in a traffic on our way to the mall--where Don agreed to meet up with me one hour from now. Medyo uminit rin ang ulo ko nang siningitan ako ng isang Jeep at gamuntik na nitong mabangga ang kotse ko.

"I'm sorry if I didn't give you the kind of marriage proposal you usually read in romance novels."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Nilingon n'ya ako. "Jeff...why do you have to apologize?"

"I'm sorry kung hindi ako romantic at ma-gimmick."

"Stop apologizing, Jeff."

"I just thought you deserve better. Kaso minalas ka, boring ang mapapangasawa mo." I laughed.

"I love you just the way you are, Je--"

Nagulat kami ni Jasmine, nang may bumagsak sa bubungan ng Jeep na nasa unahan namin. Kasabay noon ang pagtalsik ng mga dugong nagmantsa sa windshield sa harapan ng kotse ko.

Agad naming binuksan ang mga bintana ng kotse to see what's going on outside. Sumalubog sa amin ang pinaghalo-halong sigawan ng mga tao, busina at tunog ng makina ng mga sasakyan. Wala kaming makita sa harapan dahil sa mantsa ng dugo. Hindi kami nakatiis, bumaba na kami para makita kung ano ang nangyayari sa paligid.

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon