Ibinigay ko ang libro; tinanggap naman niya ito. Simula no'n, nawala na ang masasamang pangitain at panaginip ko. Nagbalik na rin ang dati kong sigla; nagagawa ko na rin nang maayos ang trabaho ko. Ang hindi ko lang malaman ngayon, ano na kaya ang nangyari kay Janelle? Mag-iisang linggo na kasi simula nang huli kaming nangkita nito.
Tinawagan ko ito sa numerong ibinigay nito sa akin, pero parating sa voicemail lang tumatapon ang mga tawag ko. Kahit ang mga texts ko, hindi rin n'ya sinasagot, hindi rin s'ya nakarating sa dalawang araw na dapat sana, magtatagpo kami sa coffeeshop.
"Pare. Kailangan ko na talagang bumalik sa Siquijor. Nag-aalala na talaga 'ko kay Charisse. Hinanap ko na ang pamilya n'ya rito sa Maynila, pero wala ring s'werte, pare. Ang nakausap ko lang, 'yung ang dati nilang kapitbahay. Sila ang nagsabi sa 'kin na matagal na palang umalis ang pamilya nila sa lugar na 'yon."
"Baka naman sadyang ayaw na n'yang hanapin mo pa s'ya."
"Pero bakit? Wala nam--"
"That's enough pare. You've already done your part. Tama na 'yun. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa kanya 'di ba? Hindi mo rin naman 'yun ginusto. Give yourself a break. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo. Ilang araw ka na bang hindi nakakatulog?!"
"Pare, napahamak s'ya dahil sa 'kin. Kung hindi n'ya 'ko sinamahan, hindi s'ya mapapahamak. kung hindi dahil sa 'kin, hindi sana kami magagawi sa lugar na 'yun."
"Pero ano bang magagawa mo kung hindi mo nga s'ya makita? Ginawa mo na naman lahat 'di ba? Hinanap mo pa kamo ang kanyang mga kapamilya, 'di ba?"
"Hindi pa rin kasi ako mapalagay pare eh. Ilang beses ko nang sinubakang kalimutan na lang ang mga nangyari pero hindi ko talaga magawa. Parati ko pa rin s'yang naaalala."
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved
"Alam mo pare ganito na lang. Bakit hindi mo na lang gamiting inspirasyon ang experience mo sa isinusalat mong nobela? Take something good out of a very bad situation."
"I don't know if I can do that either pero...susubukan ko."
***
I'm already wrapping things up in the office nang makatanggap akong text message from Janelle. Magkita raw kami bandang ala cinco y media sa bookstore kung saan kami nagpunta no'ng araw na ibingay n'ya sa akin ang libro. Tumingin ako sa wrist watch ko, ala-singko na pala, pero dahil malapit lang ang mall na kinaroroonan ng bookstore sa office, nakarating din naman ako sa oras.
Sa malayo pa lang, natanaw ko na siyang nakasubsob sa maliit na round table na may nakapatas na mga libro sa ibabaw; kasama na ro'n ang nakabuklat na librong kinasusubsuban niya.
"Janelle?"
Pupungas-pungas itong tumunghay; papaupo naman ako sa stool na nasa kanyang tapat.
"Jeff?" Kinukusot-kusot nito ang kanyang mga mata. "Mabuti naman at nakarating ka." She looks tired; medyo namumutla rin ito.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang hitsura mo?"
Nagbuntong-hininga muna ito, "Don't ask for something you already know, dork!"
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...