KABANATA 4

10.9K 456 35
                                    

" I know exactly what you need to do, Jeff." Ani John, in our usual coffeeshop routine.

"What?"  Walang gana kong sagot.  Hindi ako nakatingin sa kan'ya.  Nagpatuloy lang ako sa pagta-type sa laptop ko.

"You should come with me."

Sinipat ko s'ya on the top of the rim of my eyeglasses, "Where?"

"Sa Central Visayas."

"Sa'n do'n?"

"Sa Siquijor."

Nangunot ako, "Ano naman ang gagawin natin do'n?"

"Do'n nakatira 'yung i-interview-hin ko tungkol do'n sa main character ng nobela ko."

"Hindi ka pa rin ba sumusuko diyan sa nobela mo?  Ang layo-layo no'n dito sa Maynila, bakit hindi ka na lang mag-research online?"

"Hindi naman available online ang istorya n'ya. Kung saka-sakali, ako pa lang ang unang makapagsusulat ng k'wento tungkol sa kan'ya.

"Tsss... eh hindi naman pala kilala 'yan, bakit ba pagkakaabalahan mo pang puntahan?"

"Basta! Ano? Sasamahan mo ba ako?"

"Hindi p'wede pare eh. Marami akong ginagawa ngayon.  Kulang ako sa tao at malapit na ang deadline namin.  Kita mo nga, kahit breaktime ko, nagta-trabaho ako, 'di ba?"

"Sige na pare, minsan lang naman ako humiling sa 'yo eh."

"John, I'm sorry pare. Hindi talaga ko p'wede."

***

"Pupunta s'ya sa Siquijor?  Bakit?"  Tanong ni Anna, matapos kong ik'wento sa kan'ya ang pagyaya sa akin ni John.  Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan sa apartment ko.

"Mahabang istorya.  But it has something to do with the Novel he's working on." Umiiling-iling ako, "Wala akong masabi, ang lakas talaga ng fighting spirit."

"I'd rather call that determination."

Napatawa ako. "Alam mo, kung hindi ko pa alam na hindi boto sa 'yo si John for me, baka iniisip ko na ngayon s'ya ang gusto mo at hindi ako."

Tumawa s'ya, "Loko." Tinapik n'ya ako nang bahagya sa braso.  "Oo nga pala..." Pag-iiba n'ya ng usapan. Nakatutok ito ng tingin sa kan'yang pagkain, "May tumawag dito kanina."

"Sino?'

"Pakinggan mo sa voicemail.  Baka sakaling makilala mo ang boses.  Medyo malabo kasi 'yung pagkakasabi n'ya ng pangalan n'ya eh. "

"Babae o Lalake?"

"Parang lalaki, pero hindi ko sure."  Tumawa s'ya.

Tumayo na ako, tinungo ang side table na kinalalagyan ng landline.  I saw 2 voice messages on record.  I played the first one... it was John, asking me to check what he sent via email.  The second one is from... I paused because I hear nothing but static.  Napatingin ako kay Anna, na tila napanganga rin sa narinig ni'ya.

"I swear there was somebody speaking when that message was recorded. "  An'ya, habang lumalapit na ito sa kinaroroonan ko.  "Busy ako sa paghahanda ng dinner kaya hindi ko nasagot."

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon