KABANATA 10

5.5K 295 22
                                    

Ang lintik na babae, tumakbo papasok sa women's restroom. Pero mas determinado akong mahuli siya, kaya kahit nag-aalala ako sa mga gamit ko sa coffee shop, hinintay ko siya sa labas. Tutal, nando'n naman si John. Alam kong hindi naman niya basta-basta iiwanan do'n ang aking mga kagamitan.

Isang oras na at natapos na ang aking lunch hour, hindi pa rin lumalabas ang babae. Kaya naman nang mapakiramdaman kong wala nang tao ro'n kundi siya, pinasok ko na ito at saka ko ikinandado ang pinto.

Tahimik sa loob. Pero malakas ang pakiramdam ko na naroro'n lang siya sa isa sa tatlong mga cubicle. Pinuntahan ko ito isa-isa, sinisilip ko muna ang ilalim bago ko pabiglang binubuksan ang pinto.

Walang tao sa una, wala rin sa pangalawa, kaya't 'yung huli na lang ang bet ko, na nagiisa namang nakakandado.

"Alam kong nandyan ka!" Sabi ko. "Huwag ka nang magtago dahil huli na kita. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka lumalabas d'yan."

Hindi siya sumagot bagama't naririnig ko ang kanyang paghinga.

Mahigit kalahating oras din akong naghintay, bago ko narinig ang tunog ng pagbubukas ng kandado.

And there she was. Pawis na pawis at gulong-gulo buhok. Hila-hila nito ang kanyang bag na punong-puno ng mga libro. Taliwas ang hitsura niya sa unang beses ko siyang nakita. Kung gaano siya kaglamorosa noon, siya namang tila naluging nerd s'ya ngayon.

Naka t-shirt, pantalon at sneakers lamang ito. May makapal na salamin at walang bahid ng make-up sa mukha. Tila maiiyak na ito nang makita n'ya ang aking mukha, at pagkatapos ay nakayuko itong tumayo sa akin harapan.

"You know what that book is all about don't you?" Nanggigigil na bungad ko sa kanya. "Kailangang ipasa mo 'yun at ako ang napili mo. Bakit, ha? Saan mo ba nakuha ang libro na 'yun? Mangkukulam ka 'no?!"

Tumunghay s'ya; nakasimangot s'ya, "Oy hindi ah."

"Eh ano? Sumasamba ka sa demonyo 'no?"

"Hoy sobra ka, hindi 'no." Sambakol ang kanyang mukha.

"Eh ano ka, at bakit nasa 'yo ang librong 'yon? Bakit sa akin mo ipinasa? Bakit--?"

"Wait lang!" Iniharang niya saglit ang kanyang palad sa aking mukha. "P'wedeng isa-isa lang? Una, hindi ako mangkukulam. Pangalawa, hindi ako sumasamba sa demonyo. Isa lamang akong hamak na book collector at aspiring writer. Ipanasa lang sa akin 'yan no'ng manlolokong ka-blind date ko." Parang maiiyak na ito, "Ang sabi niya, gusto n'ya ako. Ako namang si tanga nagpabola naman ako. 'Yun daw ang unang regalo niya sa akin dahil book collector ako. Ang kaso, lagi naman akong binabangungot simula nang mapasakin ang librong 'yun! Parati kong napapanaginipan ang kung ano-anong nakakatakot na bagay bago pa man mangyari ang mga ito."

"Kaya ka nang-aakit para makaisa ka rin?"

"Oy hindi ha."

"Oh eh bakit pusturang-pustura ka no'ng una kitang nakita?"

Hindi s'ya makapagsalita.

"Ano?!" Singhal ko; napaiktad ito.

"Nagbihis lang ako para makipagkita sa ex ko." Muli s'yang yumuko. "Pero hindi naman n'ya ako sinipot kaya nagpunta na lang ako sa coffee shop. Tapos 'yun, nakita ko kayo no'ng friend mo at narinig ko ang pinag-uusapan n'yo."

"So, naisipan mong ako ang biktimahin?"

Nagbuntong-hininga siya. "Hindi naman sa gano'n. Naisip ko lang na baka mas kailangan mo 'yung libro. Naghahanap ka kamo ng true horror stories pero wala kang time humanap di ba? So 'yun, naisip ko na mas kailangan mo 'yun."

Napaisip ako. Pilit inaalala ang sinabi n'ya sa akin kanina.

"Totoo ba 'yun?" Tanong ko.

"Totoo ang alin?"

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon