Mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito, anak." Malambing na sabi sa akin ni Mama; kumakain kami ng hapunan. "Alam kong natatawagan mo naman kami sa 'telefono' pero iba pa rin naman ang pisikal ka naming nakikita ng Papa't kapatid mo."
"Anong nangyari sa inyo ni Anna?" Pagsabat naman ni Papa. "Bakit kayo naghiwalay?"
"Mahabang kuwento, Pa. I'd rather not talk about her if that's ok with you."
"Hay nako, mabuti na nga 'yung naghiwalay sila 'no?" Pagsabat ng nakababatang kapatid kong babae na si Jamie. Nakatingin ito kay Papa. "Matagal ko nang sinasabi sa inyo na may pagkalukaret ang babaeng 'yon. Hindi n'yo ba nabalitaan na naglaslas na naman daw ito ng pulso?"
Napatingin ako kay Jamie. Nagtatanong. Hindi ko kasi alam 'yun. Wala na kasi akong balita kay Anna simula nang maghiwalay kami.
"Don't worry kuya, I don't think it's because of you. I think dahil 'yun sa bago niyang boyfriend na babaero."
Nakahinga ako ng maluwag.
"Pa'no mo naman nalaman?" Tanong ni Papa sa kaniya.
"Sa kabarkada ko. Pinsan kasi niya 'yung lalaki. Akalain niyong lima-lima pala kung mag-girlfriend 'yun, sabay-sabay--"
I kind of zoned-out kaya't hindi ko na masyado maintindihan ang mga sumunod na kuwento ng kapatid ko. My sister is just like that. Mahilig sa tsismis; mahilig ding magkwento ng mga nasasagap niya. Kaya naman bagay talaga sa kaniya ang kurso n'yang Journalism. I can almost bet that she'll be a good journalist someday. Pero mas madalas talaga na hindi ko na pinakikinggan ang lahat ng mga k'wento niya. Siguro nga, dahil 'yun sa ganun nga talaga ang personalidad ko...anti-social; walang pakialam sa mundo.
***
"Kuya, buti naisipan mong dalawin 'tong kuwarto mo." Tatawa-tawang kantiyaw sa akin ng kapatid ko, matapos n'yang pasukin ang kuwarto ko. "Malapit na kasing pamahayan ng mga multo." Humahalakhak ito habang umaakyat sa kama ko para maglulundag doon.
"Jeez, Jamie. Stop that! You're 19 not 8!" Hinihila ko ito para bumaba sa kama. Tumigil naman ito at umupo na lang sa gilid nito.
"Ang killjoy mo pa rin kuya, alam mo 'yun? No wonder walang tumatagal sa 'yo."
"Whatever." Umupo na rin ako sa tabi n'ya.
"Subukan mo kayang maging sociable at romantiko once in a while para sumaya ka naman."
"Ano naman ang alam mo sa mga bagay na ganyan ha? May boyfriend ka na ba?"
Humagikhik siya, "Meron."
"What?!"
"Joke lang kuya." Humalakhak siya, "May nanliligaw lang."
"Sino?"
"Taga-d'yan lang sa kapitbahay. Huwag kang mag-alala, kilala naman s'ya nina Mama at Papa. Nililigawan naman n'ya ako nang maayos dito sa bahay."
Kapitbahay? Bigla kong naalala si Janelle.
"Marami ka bang kakilala rito sa 'tin?"
"Hindi naman masyado." Sagot niya. "Alam mo naman dito sa lugar natin, kaniya-kaniyang buhay. Walang pakialamanan. Bakit mo naman naitanong?"
![](https://img.wattpad.com/cover/27753910-288-k909359.jpg)
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...