Napahinto si Jasmine sa pagbabasa. Itinunghay ko ang mukha nito at nakitang umiiyak ito.
"Si Ate?" anito.
I pulled her close to comfort her. Masakit man ang kaliwang braso ko, kinuha ko ang notebook gamit ang kaliwang kamay ko.
"Do you want me to continue reading?"
Natagalan man, marahan itong tumango. Walang hinto ang kanyang pag-iyak.
***
Sa kabila ng pananakot ni Senyorita Janelle, hindi na nagtungo pa sa mansyon ang matandang lalaki. Lalong napuno ng poot ang puso ng ate mo. Ipinalaglag n'ya ang bata, at si Nana Azon mismo ang gumawa nito do'n sa basement. Noon ko rin nadiskubreng bukod sa mangkukulam ay isang hilot pala si Nana Azon. Ito rin ang nag-abort sa unang sanggol ni Senyorita Janelle. Ito rin ang nag-preserve sa mga naagas, sa dalawang magkabukod na garapon. Inilagay nila ang mga ito sa harapan ng nakakubling altar sa basement, kasama ng sari-saring rebulto, simbulo, isang aklat na may tatlong mata sa pamagat at mga itim na kandila. Nagdarasal silang dalawa ro'n tuwing madaling-araw ng huwebes...nagbibigay pugay at sumasamba sa mga diyos-diyosang hindi ko kilala.
"Papatayin ko si Jasmine." sabi ng ate mo kay Nana Azon isang madaling-araw. "At papatayin ko rin ang panganay na anak ni Roldan sa walang kuwenta n'yang asawa. Tulungan mo akong mahanap ang mga ito." Tumango si Nana Azon, bago nito inusalan ng dasal ang sumpa ng ate mo.
Simula noon, binabantayan na kita Senyorita. Lalo na kapag nasa malapit lang ang ate mo. Pero dahil dito, may nais sana akong ikumpisal sa 'yo na sana'y mapatawad mo ako. Isa ito sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa 'yo ng harapan kaya...isinulat ko na lang bago ako nagpakalayo-layo.
Senyorita...ako po. Ako po ang pumatay kay Senyorita Janelle. Nakita ko po kasing palihim na nilagyan n'ya ng lason ang pagkain at inumin mo sa hapag-kainan. Sa pangamba na magtagumpay s'yang kitlin ang inyong buhay...pinagpalit ko po ang pagkain n'yo. Kalahating oras bago tumalab ang lason sa kanya na ubod pala nang bagsik. Naroon ako sa kanyang silid nang bumula ang kanyang bibig. Humingi s'ya ng tulong sa'kin. Pilit n'yang inaabot ang aking kamay pero pinanood ko lang ito hanggang sa malagutan ito ng hininga. Patawarin mo ako Senyorita. Alam ko pong mahal na mahal mo si Senyorita Janelle kaya sana, mapatawad mo ako sa nagawa ko. Gusto ko lang po kayong mailigtas, dahil naging napakabuti n'yo po sa aming lahat. Mas deserving n'yo po ang mabuhay kaysa sa kanya. Ayoko lang pong napahamak kayo. Lalo na sa kamay ng mga taong dapat sana'y nagmamahal at nagmamalasakit sa inyo. Sorry po...sorry po sa nagawa ko. Ayoko pong makulong kaya magapapakalayo-layo na lang po ako. Hindi po ako masamang tao. Hindi rin po ako mamatay tao. Nagawa ko lang 'yun dahil wala akong ibang mapagpipilian. Sana po, 'wag kang magagalit sa akin...patawad po. Patawad...
***
Lalong tumindi ang paghagulhol ni Jasmine kaya itinigil ko muna ang pagbabasa.
"Galit ka ba kay Jessica?"
Umiling lang si Jasmine. Hindi na ito nakapagsalita sa pag-iyak.
"Shhh..." I consoled her.
"H-hindi ko lang akalain na magagawa sa akin 'yun ni Ate Janelle..."
"Guess what? That's pretty close to how I feel about my parents."
There were few seconds of silence.
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...