"Jeff?!" sa pagka-pick-up ko pa lang sa tawag mula sa cellphone ko. Alas dos na ng gabi. "Jeff! Si Tita Amalia 'to!"
Tita Amalia is John's Mom.
"T-Tita, bakit po?"
"Jeff! Ang kaibigan mo!" Humahagulhol na ito.
Napabangon na ako. Nagising rin naman si Jasmine sa tabi ko.
"Bakit po? Ano pong nangyari?"
Pinapupunta n'ya ako sa bahay nila--ng pare nts ni John; doon din ito sa subdivision kung saan nakatira ang parents ko--at ni Jasmine; magkaiba lang ng kalye. Hindi na ako nagdalawang-isip. Pagkatapos naming mag-usap nagbihis na ako ng kahit anong shirt at cargo shorts na mahagip ko. Hindi ko na pinasama si Jasmine; pumayag naman ito.
***
Nakaabang na si Tita Amalia sa labas ng gate nang dumating ako. Bakas sa mukha nito ang pinaghalong pag-aalala at pangamba. Dumiretso agad kami sa dating silid ni John no'ng doon pa ito nakatira. Sa pagpasok namin wala akong nagawa kundi ang mapanganga.
Tadtad ng nakadikit na mga pahina ng mga libro at sari-saring clippings ang mga pader at kesame. May mga bahaging may mantsa ng itim na pintura, drawing ng sari-saring simbulo, at mga tilamsik ng--sa wari ko'y--dugo at mga berdeng hindi ko matukoy kung plema, pintura o dagta.
Sa isang sulok, nakita ko si John. Nakaupo ito sa isang victorian chair. Nakagapos ito sa mismong upuan mula balikat hanggang paa. Nakaharap ito sa pader--sa tabi mismo ng kama n'ya. Gulo-gulo ang buhok nito at tila wala sa sariling katinuan. Nagsasalita ito nang mahina ngunit paulit-ulit:
Diabolus est mecum. Diabolus enim cum ea.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Ano pong nangyari kay John?"
"Hindi rin namin alam, Jeff. Basta nakatanggap na lang ako ng tawag mula sa manager ng condo building nila last week. Dumarami na raw ang nagrereklamo sa kalapit unit nitong kaibigan mo, dahil sa mga ingay at kalabog na naririnig nila mula sa unit nito. Pinauwi na lang muna namin s'ya rito, kaso, parati itong nakakulong dito. Ayaw lumabas, pinagbababasag din n'ya ang mga ilaw..."
I guess I wasn't paying attention when I got in. No'n ko lang din kasi napansin na isang lampshade lang ang may ilaw sa loob. Basag na pala ang kapares nito na nasa side table na mas malapit sa kinauupuan ni John. Basag na rin ang florescent lights sa kesame.
"...nakakatiis pa naman kami sa kanya nitong nakakaraang araw," pagpapatuloy ni Tita Amelia, "ang kaso, bigla na lang itong nagwala kaninang hapon. Tatlo sa mga tauhan at katulong namin ang nasa ospital ngayon dahil sa pag-awat sa kanya. Nasa ospital din ngayon ang Tito mo dahil sa ilang sugat na tinamo n'ya kanina. Kinailangan pa nga namin ng limang tao para maigapos namin si John d'yan kani-kanina lang. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaibigan mo. Pinatingnan namin ito sa psychiatrist two days ago, ang problema, normal naman siya kapag kaharap ito, pero tila nanadya lang na bigla na lang nagbago ng demeanor n'ya matapos s'yang ma-clear for psychological disorder. M-may alam ka ba sa nangyayari rito sa kaibigan mo?"
"Matagal-tagal na po kaming hindi nagkakausap ni John, Tita. Nag-message nga po ako sa Facebook n'ya kahapon pero na-seen lang po n'ya ako."
"Facebook?"
"Opo?"
"How can he do that kung wala naman siyang access sa internet since he got here?"
"Wala po ba s'yang cellphone?"
"His cellphone is missing. He doesn't have one since dinala namin s'ya rito last week."
***
Tita Amelia pulled me privately and asked me to watch John's recordings in three blank DVDs...all by myself. She insisted that I watch them alone in their AVR para hindi raw maging biased ang reaction ko. She forwarned me that the recordings are really disturbing, and that she intended to keep those from the authorities to protect her son. 'I trust you, Jeff.' Sabi n'ya. 'I'll show this to you dahil alam kong hindi mo ipagkakanulo ang kaibigan mo. But please...please don't tell this to anyone. Nakikiusap ako.' I felt miserably pressured to tell you frankly. Most especially after I've watched the first two disks.
The first disk was a video of him setting up the hidden camera which quickly transitioned to him and Hazel skimming a familiar book--the creepy book--in John's living room. Everything seems normal--even if it did capture their intimate moments making out on the sofa, until they have decided to take it to the next level in the very same place.
The video transitioned to John's bedroom dated three days after the first. He was alone, naka-upo next to his study, typing something on his laptop; yet unsuspecting of a shadowy figure right behind him. It gave me the creeps almost instantly. I rubbed my arms dahil sa pangingilabot.
The video transitioned again to four days after the preceding clip. It was still recorded in his bedroom, but he was with somebody. Malabo ang kuha, pero halata naman na babae 'yung kasama n'ya. They had s*x; a wild and violent one in my opinion. Yet when the girl sat on the edge of the bed to lit a cigarette right after their last, John wrapped his arms around her but only to stab her with a hunter's knife right to her chest. I was shocked but only to realize soon enough that I haven't seen anything yet.
I loaded the second disk. It was recorded three days after the end of disk one. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa unang frame pa lang. Naka-focus sa mas malinaw na video ang pugot na ulo ni Hazel. Nakapatong ito sa ibabaw ng wooden book shelf--na may limang bakanteng levels. Nakahilera ito along with three more decapitated heads ng dalawang babae at isang lalaki. John turned the camera towards him. I don't know where he was, but the place looks like a kitchen with pristine tiled walls. John was all smiles; totally devoid of any remorse. He's wearing a chef's outfit, holding a cleaver na ipinantsa-chop n'ya sa katawan ng mga tao. Isa-isa n'yang inilalagay ang bawat piraso sa grinder.
He shifted the camera to face the stove where two stainless bain-marie pots are on. Binuksan n'ya ang takip nung isa, mukhang kumukulo na ito dahil sa paraan ng pagbuga ng usok mula rito upon lifting the lid. Halos kasabay nito ang pagdampot n'ya sa sandok para haluin kung ano man ang iniluluto n'ya ro'n. I hate to entertain the idea na laman ng tao ang niluluto n'ya, but I guess it has already become inevitable considering his surrounding circumstances in the video. Sumandok ito at inilagay nito ang sinandok n'ya sa isang maliit na puting bowl.
"This is my favorite part!" Aniya, sabay pakita sa camera kung ano 'yung sinandok n'ya. Isang pares into ng mga mata ng tao. Hinihipan n'ya ang mga ito para lumamig, at nang lumamig na, saka nito kinamay ang isa sa mga mata, isinubo sa bibig at saka nginuya.
Agaran ang pagsama ng pakiramdam ko. Kahit anong pigil ko, nauwi rin ito sa paghangos ko sa maliit na banyo sa loob ng AVR, dahil sa tuluyang pagbaliktad ng sikmura ko.
"F*ck!" Bulong ko; nakasubsob ako sa lababo. "John! What happened to you?" I began to weep like a child.
It took me almost twenty minutes bago ko napakalma ang sarili ko. But I don't think I have enough psychological strength anymore to watch the third disk. I'm still in great shock and disbelief. I've got to admit that I'm still in denial at this point. Hindi ko matanggap ang nagyari sa matalik kong kaibigan.
Dahil kaya ito sa libro?
Speaking of that darn evil book...nasaan na kaya ito?
[Itutuloy]
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...