KABANATA 9

9.5K 383 13
                                    

It's hard to pretend to be ignorant when you're not. Mahirap ring magpanggap na ayos ka lang, when you're actually hurting deep inside. Hindi rin madaling pakawalan ang isang bagay na akala mo'y sa 'yo na; at lalong hindi madaling isipin na anumang oras ay mawawala na s'ya.

Mabuti na lang, hindi gano'n naging masyadong malalim ang pagmamahal ko sa kanya, kung hindi, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanila. Ikaw kaya ang makahuli sa sarili mong nobyang ikinakama ng iba, ewan ko lang kung hindi ka mabaliw habang pinakikinggan mo ang bawat langitngit ng kamang pinagmimilagruhan nila.

It took several days bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipaalam na sa kanya kung ano ang aking nalalaman. At sadyang itinaon kong mahuhuli ko sila sa akto para wala nang pali-paliwanag na magaganap. Para wala nang diskusyon; kung ano man ang mangyari, 'yun na 'yun.

No drama, no explanation needed. We're done; the wedding is off. I don't need to see her ever again.

Dammit.

Now I'm back to square one, when I will be forced by my carnal needs to go out once in a while, hoping to get laid when I need "it". It's the old routine I don't really want to go back to; but would rather do, than be tied up in a marriage with a cheating wife.

Here's to the proverbial frustrations of a single person seeking for a more constant company... it sucks. Lalo na kung may nakaka-date kang iba-iba ang topak na hindi mo masakyan. It doesn't help kung may nararanasan ka pang kababalaghan sa hindi mo inaasahang oras at pagkakataon; it's even worse kung bigla ka na lang dinadalaw ng mga pangitain at panaginip, anumang oras, sa araw-araw, lalo't higit kung nasa kalagitnaan ka ng pakikipagtalik.

Ang resulta, I never finished; not even once. Lalo lang tuloy lumala ang frustrations ko. At ang masama, nakapagdadamay pa ako ng ibang tao.

Ilang beses na akong nasampal at nasikmuraan ng mga babaeng nabibitin ko, pero ano bang magagawa ko kung hindi ko ma-take ang makitang may nagmamasid sa aming mga multo o nilalang na basta na lamang sumusulpot. At kung minsan, may tumatabi pa; may iba pa ngang nakikisali pa.

Kapansin-pansing habang tumatagal, nadaragdagan lang sila. May babae, may lalaki, na parang do'n na sa apartment ko nakatira. Nagpatuloy lang ang kanilang pagdami, hanggang sa nagdaan na ang dalawang linggong saan man ako tumingin, meron at mayro'n akong makikita.

"What the--" Habang nanonood ako ng balita sa telebisiyon. Isa kasi sa ibinabalitang natagpuang patay sa isang kanal ay s'ya rin mismong babaeng nakatayo nang patagilid sa aking anggulo--sa tabi mismo ng telebisyon. Umiiyak ito, puno ng putik ang kanyang buong katawan. May mga bakas din ng sugat ang kanyang paanan, na para bang, may nanadiyang hiwain o lagariin ang kanyang bandang bukong-bukong.

Lumingon ako sa aking kaliwa. May ibang nakaupo sa tabi ko. Lumingon ako sa kanan, meron din. Lahat sila'y nakatingin sa akin, na para bang, may inaasahan silang dapat kong gawin.

This is it. I simply have enough. Hindi ko na kaya ang mamuhay nang ganito, kahit na sabihin pang, nakakasanayan ko na ito. I need to find that damn woman who gave me that creepy book. Na kada na lamang napapanaginipan kong binabasa ko ito'y nagkakaro'n din ako ng pangitain ng isang babaeng naka-traje de bodang sumasabay sa aking pagbabasa.

Kapag nakita ko ang babaeng nagpasa sa akin ng sinumpang librong 'yun, malilintikan talaga 'yun sa 'kin. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naisasauli sa kanya, ang dapat naman talaga'y sa kanya. Bukod do'n, pagbabayarin ko rin s'ya sa sunod-sunod na kamalasang inabot ko. Sisiguraduhin kong mararamdaman din niya ang lupit ng galit ko.

***

"Sir, may mga nakuha na po kaming mga ghost stories." Sabi ni Monna, isa sa tatlong bagong hire na editors.

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon