"Where in the world did you get these stories?" Ani John, habang binubuklat ang first official issue namin ng 'Sindak'. I gave him a copy, just so I can hear what he think about it, since...isa lang kasi ro'n ang nabasa ko.
"From one of our writers, why? Do they suck?" Nginisian ko ito bago ako himigop ng kape.
"No, pare. These are..." He's still scanning the pages
"What?!"
"Fucking crazy!"
"Is that a good thing or... not?"
Tiningnan ako nito. "Are these really 'true' stories?"
"Yes, why?"
"Wow! I wonder where your writer got all these good stuff. Para kasing pamilyar 'yung ibang k'wento..." Napaisip ito, "Oo, tama! Parang nabasa ko na 'yung mga k'wento sa totoong headlines sa diyaryo at telebis--"Natulala ito at tiningnan ako nang matalim.
"O, bakit ganyan ka makatingin?"
"Baka naman gawa-gawa n'yo lang 'to para gawan ng fictional horror version ang mga istorya sa mga totoong balita, ha?"
"I can assure you na hindi."
Natawa siya, "At pa'no ka naman nakasisiguro? Ikaw pa? Hindi ka naman mapaniwalain sa mga kababalaghan."
"Basta!" Humigop ako ng kape.
"Anong basta?"
"You don't really want to know."
"Know what?"
"Know how my writer got those true horror stories."
"Why not?"
"Why should you?"
"I am an aspiring horror writer, remember? If there's anything I can possibly do to get these kind of horror stories, I will do it! Para naman hindi ko na kailangan pang gawin ang mga--" Halatang natigilan ito, para isalba ang sarili nito sa sariling kadaldalan.
"Mga ano?" Muli ko itong nginisian, just to let him know that I caught him holding himself up.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Namutla ito; halatang pinipigilan ang biglaang pagkataranta, "W-wala...w-wala."
"C'mon, Man. Spit it out. Ano na naman ba ang kabalbalang pinasok mo para makakuha ng orihinal na k'wento?"
Muli itong 'yumuko at nagpanggap na nagbabasa. Bigla tuloy akong nagduda at na-curious kung ano na naman kaya ang pinasok nito para lang mabuo nito ang isinusulat nitong nobela.
"Hoy! Are you seriously not going to tell me anything?"
"There's nothing to tell." Nagpapanggap pa rin itong abala sa pagbabasa.
Tumahimik ako sandali. Matama ko itong pinagmasdan habang humihigop ako ng kape. He's obviously keeping something from me. Whatever it is--big or small, hindi ako sanay na naglilihim sa akin si John. Batid ko sa sarili ko na kailangan ko itong pigain kahit papa'no.
Tumikhim ako; hindi pa rin ito tumingin, "Kamusta na nga pala ang paghahanap mo kay Charisse." Nakayuko man, nahalata kong natigilan ito sandali. Bumalik din naman ito pagbabasa. "C'mon, man, are you not going to tell me? Natuloy ka ba ulit sa Siquijor?"
Sinulyapan ako nito. Bakas pa rin sa mukha nito ang pamumutla. "Hindi na." Mahina nitong tugon bago muling yumuko.
"Bakit naman? Akala ko ba gusto mong balikan si Charisse do'n?"
![](https://img.wattpad.com/cover/27753910-288-k909359.jpg)
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...