"Pare, may mga bagay na hindi nakukuha sa research." Ani John sa akin bago muling humigop ng kanyang kape, "Ano ba ang ibig sabihin ng research? Hindi ba't 'yun ay 'yung mga nakatala nang mga bagay na nadiskubre na ng ibang tao before us? Kaya nga re-search 'yun di ba? Ni-re-search lang natin 'yung nauna nang na-search ng ibang tao? So pa'no tayo makaka-discover ng mga bagong bagay, kung ang mindset ng bawat tao'y mag-research na lang lahat?"
He had a point, so I nodded. "Kunsabagay."
"Pakinggan mo 'to, Jeff." Pagtutuloy n'ya, "Sa kinatagal-tagal na ng existence ng mundo, alam mo bang marami pa ring mga bagay ang hindi pa rin talaga nadidiskubre ng mga tao? Sabi nga do'n sa isang article na nabasa ko. According to biologists, 1.7 million species na ang na-classify ng tao as of this century, pero ang totoo, there are still over 5 million species out there that is yet to be discovered. So pa'no mag-i-improve ang statistics ng newly discovered things for the next generation, kung puro research lang ang gagawin ng mga tao ngayon?..."
He was still talking when someone, caught my attention. Isa itong napakagandang modernong babae na nakaupo sa karatig lamesa. Mahaba ang buhok nito, maputi ang balat, balingkinitan ang katawan at may makapal na kolorete sa mukha. Napansin ko ring nakapulang strapless na bestida ito na medyo hapit sa kaniyang katawan. Nakaupo ito nang paharap sa aking anggulo kaya napansin ko agad na nakatitig ito sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Pilit ibinaling ang aking atensiyon kay John. "So anong plano mo?"
"I want to make a difference. Ayokong umasa sa research lang."
"Kaya pupunta ka sa Siquijor?"
Hindi sinasadyang napatingin akong muli sa babae. Nakangisi na ito sa akin sa paraang tila pinagtatawanan n'ya ang pagkataranta ko sa kanyang pagtitig sa akin.
"Kaya pupunta ako sa kahit anong lugar kung saan ako makakahanap ng mga bagay na kakaiba." Sabi naman ni John--na bahagya ko na lamang narinig dahil sumabay ito sa pagkagat ng babae sa kanyang ibabang labi, na para bang sadyang inaakit nito ako.
Muli kong pilit iniiwas ang aking tingin.
"I-I'm sorry talaga pare, kung hindi kita masasamahan. Tambak lang talaga ang trabaho ko sa opisina at kulang ako sa tao. I can't even afford to skip half a day dahil sa extra project na dumagdag sa mga binubuno ko this quarter."
Nagbuntong-hininga ito, "Alright..." Napatitig ito sa akin. Mukhang napansin na nito na may sinusulyapan ako sa kan'yang bandang likuran.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
Lumingon ito sandali, bago nakangising bumaling sa akin. Umiiling-iling, "Iba talaga ang kamandag mo sa chicks pare." Bulong nito. "Ang ganda no'n ah!" Muli itong lumingon bago muling bumaling sa akin, "Patusin mo na pare. Mukhang L na L sa 'yo eh." Tumatawa s'ya, "Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Anna. Sayang naman ang gandang lalaki mo kung isang babae lang ang makikinabang sa 'yo."
"Tarantado ka talaga." Pabulong kong sabi sa kanya. Nakangiti naman ako. " Umalis ka na nga!"
Humagikhik siya. "Kung ako sa 'yo, papatusin ko na 'yan at yayain sa biglang liko."
Lalo akong napatawa. "Siraulo ka talaga. Hoy, huwag mong dadalhin ang kamanyakan mong 'yan sa Siquijor ha? Baka mamaya may matisod kang mangkukulam do'n, yari ka pare."
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...