PROLOGO

24.8K 706 68
                                    

Kaalinsabay ng paghagibis ng maalinsangang hanging habagat, ang nakakubling pagtangis ng isang pusong mas nangungulimlim pa sa kulay abong alapaap.

Anong pait ng pagsintang bigo, na animo'y awiting nilapatan ng saliw ng musikang malamlam pa sa nagdidilim na kapalaran?

Anong hapdi ng pusong basta lamang niyurakan ng isang taong labis-labis n'yang minahal?

Anong sakit ng pagdaluyong ng mga pangakong walang pakundangang isinadlak sa walang katiyakang kadiliman?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved

Anong bigat ng bawat hakbang papalapit sa altar, na disin sana'y s'yang kinatatayuan ng kanyang kinabukasang hindi naman pala naghihintay sa kanyang pagdalo?

Nakakubli sa manipis na lambong, at sa traje de bodang simputi ng niyebe sa hilaga, ang pagdadalamhati ng isang kaluluwang hindi na muling matatahimik pa.

Ang kanyang pagtangis na hindi na muling mapatatahan. Ang kanyang mga sugat na hindi na muling maghihilom. At ang kanyang poot na hindi na mahuhupa pa.

[Itutuloy]

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon