Nauna akong pumasok sa apartment. Nasa may salas na ako nang mapansin kong hindi pala nakasunod sa akin si Jasmine. Bumalik ako sa may pintuan, at nakita ko itong nakatayo pa rin sa labas. Pinapasadahan nito ng tingin ang bungad ng loob ng apartment ko, na para bang, nag-aalinlangan itong pumasok.
"Bakit?"
"Tatlo." Aniya. Patuloy pa rin ito sa pagpasada ng tingin.
Nangunot ako "Tatlong ano?"
Sinubukan nitong ihakbang muna ang kaniyang isang paa sa loob. Marahan ito, bago ang ikalawa. Inabot ko naman kaliwang kamay n'ya at inalalayan ito papasok.
"Tatlong kaluluwa ang hindi makaalis sa loob ng bahay na ito." Bulong n'ya sa akin.
"Ha?" Napatingin ako sa paligid. "N-nakikita mo ba sila?"
Hindi siya nagsalita; patuloy na nakikiramdam.
"Hey..." Bulong ko sa kan'ya nang makarating kami sa may salas. "What's going on?" Tinitingnan n'ya ang bawat sulok, bawat pader at kesame.
"Gaano ka na katagal dito, Jeff?" tumingala muna ito sa kesame bago nito ako tiningnan. "Sa 'yo ba 'to?"
"Hindi pa naman katagalan. Two to three years. Inuupahan ko lang 'to. Nag-iisa pa lang naman ako kaya mas practical na mangupahan na lang muna. Bakit ba?" Medyo kinakabahan na rin kasi ako sa ikinikilos n'ya.
"H-hindi ko pa sigurado Jeff, pero may nararamdaman akong tatlong kaluluwa na gustong makalabas sa bahay na 'to pero hindi naman makalabas sa hindi ko pa malamang dahilan. Ga'no mo kakilala ang may-ari nito?"
"Hindi ko siya personal na kakilala. 'Yung katiwala lang nito ang pinaka-land lady ko rito. Nakatira raw kasi ang may-ari nito sa ibang bansa."
"Wala bang nagpaparamdam sa 'yo rito?"
Napatawa ako.
"What's funny?" She seems upset. "H'wag mong sabihin na hanggang ngayon, kahit napasakamay mo na ang libro noon, hindi ka pa rin naniniwala na may mga bagay na hindi natin nakikit--"
"I'm sorry, Jasmine. I-I do, I do. I just don't really want to talk about it this early dahil baka hindi ka mag-stay dito with me." Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko. Alam kong namumula ito.
"Sure ka ba talaga na gusto mo akong makasama rito?"
"Gusto kitang makasama kahit saan." Nagulat din ako sa nasabi ko; hindi ko lang ito ipinahalata.
Ngumiti muna ito sa akin bago umiwas ng tingin. Nahuli kong namumula rin ang mukha nito. Daig pa namin tuloy ang mga teen agers na nagkakahiyaan pa.
***
"Sinong nagturo sa 'yong magluto?" pinanonood ko ang kaniyang maghahanda ng aming hapunan. Ayaw kasi nitong magpatulong, umupo na lang daw ako't maghintay.
"'Yung mga ka-vibes kong kusinera sa bahay namin." Tinapos na nito ang paghahayin at umupo na sa kan'yang pwesto, "Wala naman kasi akong ibang libangan doon sa sa bahay namin kundi ang makihalubilo sa mga tauhan namin sa bahay. Nakikilinis, nakikiwalis, nakikilaba, nakikiplantsa, nakikitanim sa garden, nanonood at nakikialam sa kusina. Pero sikreto lang 'yun siyempre. Ayaw kasi ng Mama na nakikipagkaibigan ako sa mga kasambahay. Suplada kasi 'yun eh. O heto na ang kanin." Iniabot n'ya sa akin ang bulusan ng kanin. Kinuha ko naman 'yun, naglagay ng kanin sa aking plato at saka ko ito muling ibinalik sa kanya.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Pero, akala ko ba sabi ng yaya mo, madrasta mo lang ang nanakit sa 'yo sa inyo. 'Yung tinatawag mo bang Mama ay 'yung Madrasta mo?"

BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...