KABANATA 14

7.9K 390 39
                                    

"Hey!" I rushed behind her. "I'm sorry, ok."

Hindi niya ako pinapansin; mas lalo lamang n'yang binilisan ang paglalakad. Hinabol ko s'ya, hanggang sa maabutan ko ito at maunahan.

"What else do you want?!" Bulyaw n'ya sa mukha ko. Humihikbi. "Ibinigay ko na ang kailangan mo 'di ba?! Huwag kang mag-alala, I'll email you na lang para sa iba!"

"I'm sorry..." sabi ko sa mababang tono.

"What are you sorry for?" Tuluyan na siyang umiyak.

"For what I've just said."

"Ganyan ka ba talaga?" Pinipilit n'yang kumalma.

"What do you mean?"

"Walang pakialam sa damdamin ng iba?! Bastos...mayabang! Akala mo kung sino!" Sinapak niya ako sa dibdib, "Makasarili..." Isa pang tampal sa dibdib. Medyo masakit kaya napangibit ako. "Manhid, walang pakiramdam..." Itinulak n'ya ako. "Umalis ka nga sa harapan ko!" Tinabig n'ya ako para makaraan s'ya. Nahila ko naman ang braso nito bago pa ito nakalayo.

Napalakas ang paghila ko kaya't napasubsob s'ya sa dibdib ko. Naitulak naman n'ya ako agad.

"I admit, ok. I'm all that, I accept. Idagdag mo pa ng opinionated, presko, suplado at walang pakialam sa mundo. But that's just the way I am."

Pinunasan muna niya ng likuran ng kan'yang kanang kamay ang mga luha sa kanyang pisngi, bago n'ya ako nginisian. "It's good to know that you know. Now you better stay away from me." Dinuro niya ako, bago nito ako tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papalayo. Lululugo-lugo ito; umuubo-ubo. She looks horrible if you will ask me. Halatang walang tulog at tila may dinaramdam.

It may sound a little crazy--and creepy. But I followed her. I had my car parked in the mall's parking lot pero mas pinili ko na lang ang mag-taxi para masundan ko kung saan ito dinala ng taxi-ng sinakyan n'ya. Pumasok  ang sinasakyan n'ya sa isang high-end subdivision, which was surprisingly, the very same subdivision my family resides. Mukhang mas malapit nga lamang ang kinatatayuan ng malaking bahay ng mga aking magulang, dahil nalagpasan na namin ito, hindi pa rin humihinto ang sinasakyan n'ya.  Pero dahil sa pagkakatanaw ko sa bahay ng mga magulang ko, bigla ko rin tuloy naalala na may katagalan na rin pala akong hindi nakauuwi.

Mga tatlong bloke makalampas sa bahay ng paryentes ko, lumiko na ang sinasakyang taxi ni Janelle sa kanan. Sinabihan ko naman ang taxi driver ng aking sinasakyan na sundan ito. Makalampas ang apat na bahay, huminto na ang sinasakyan ni Janelle. Timigil na rin naman kami sa di kalayuan--kung saan ko natanaw si Janelle na bumaba ng Taxi, bago nito tinungo ang gate ng isang malaking bahay kung saan ito pumasok.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved. 

"Mama, pakibaba niyo po ako sa tapat ng bahay na 'yon." Itinuturo ko ang bahay na pinasukan ni Janelle.

Tumango lang naman ang Taxi driver at walang salitang sinunod ako nito.

"Salamat po." Sabi ko sa driver nang makababa na ako. Binigyan ko ito ng bayad na mas higit pa sa metro.

"Salamat din po." Sagot nito, bago ito tuluyang umalis.

Pagkaalis ng taxi ay tiningala ko na ang mataas na gate nina Janelle. Inisip ko rin naman muna sandali ang sasabihin ko, bago ko pinindot ang doorbell.

'What the fuck are you doing, Jeff?' Sabi ko sa sarili ko. I don't actually know the answer to my own question. Bakit nga ba ako naroro'n? Bakit ko ba s'ya sinundan gayung...naibigay na naman niya ang pakay ko sa kanya? Nakuha ko na ang gusto ko, ano pa ba ang kailangan ko sa kaniya?

"Sino po sila?" Bungad sa akin ng isang katulong na naka-unipormeng asul.

"Ahm... Ako po si Jeff. P'wede ko po bang makausap si Janelle?"

Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"B-bakit niyo po hinahanap si Senyorita Janelle?"

Senyorita? Hmmm.

"Actually, kasama ko lang siya kanina. May nakalimutan lang po akong sabihin."

"N-naku. Papa'no naman pong mangyayari 'yun?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ang ibig ko lang pong sabihin.. papa'nong magkakasama kayo ni Senyorita Janelle samatalang..."

"Samantalang ano po?"

"Matagal na po siya patay."

Daig ko pa ang binuhusan ng tubig sa aking mga narinig. Patay? Paanong patay na siya samantalang kanina lang, magkasama kami?

"Pero... kapapasok nga lang po niya kanina rit--" Napahinto ako sa pagsasalita, dahil sa pagbusina ng isang itim na BMW sa aking likuran.

"Naku, nariyan na po ang amo ko." Natatarantang sabi ng katulong sa akin. "Please lang po. Umalis na po kayo."

Tumabi ako habang binubuksan ng katulong ang gate. Unti-unti namang pumasok ang kotse pagkabukas nito. May tint ang windshield kaya hindi ko gaanong maaninag kung sino at ano ang hitsura ng nasa loob; bagama't naramdaman ko naman na tila tiningnan ako ng nasa loob nito. Huminto kasi muna ito sandali, at matapos tumapat ang bintana ng driver's side nito sa akin,  saka lang ito tuluyang pumasok.

Sinilip ko ang loob ng kanilang bakuran bago ito tuluyang isinara ng katulong. It looks dull and lifeless inside. Medyo may kalumaan na rin ang mansyon na 'yon, which somehow gave me the creeps.

[Itutuloy]

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon