"You have to let her parents know that she's here, anak."
Three hours after I called, my Mom arrived with my sister Jaimie. Dinalahan nila ako ng damit at pagkain sa Ospital. We are all seated on the benches outside Jasmine's room.
"I can't." Sagot ko.
"Why not?" nagsalubong ang mga kilay n'ya.
"Besides that Jasmine will not like it...I really don't know them."
"You mean hindi mo pa gaano kakilala?"
Nagkibit-balikat ako, "I mean, I've never met them at all. I don't know their names and have not seen how and what they look like."
"What?! Akala ko ba ikakasal na kayo ni Jasmine?"
"Oo nga."
"Magpapakasal ka sa babaeng hindi mo pa kilala kung sino ang mga magulang?"
Napapikit ako. Aminado naman akong nasa mali ako. I guess...I'm only in self denial. P'wede ring...I just don't really care where she came from. We're together and we love each other. That's all that matters to me.
"Alam mo man lang ba kung saan s'ya nakatira?" follow-up n'ya.
Oh boy...should I tell her?
"I can't tell you." Mababa ang tono ko; halos pabulong.
Tumayo si Mommy, "Why not? Saan ba talaga nanggaling ang batang 'to?" Inginunguso nito ang nakaratay na si Jasmine.
I did not respond. Umiwas ako rito ng tingin.
"You are making me really anxious about this, son." When she realized na wala akong balak magsalita, "If you're not going to tell me, I'm going to turn to social media to find her parents." Kinuhanan nito ng litrato si Jasmine. She's already typing a Facebook post with Jasmine's photo.
I grabbed her cellphone. "Stop it, Mom!"
"You can't stop me." This time, kinuha naman n'ya ang tablet sa handbag n'ya. "The picture I took is already in the cloud drive. I can still post the photo." She's beginning to type.
"Stop it, Mom!" I tried to grab it as well pero naiiwas n'ya ito sa akin. "Fine! I'll tell you what I know, but please...stop!"
Ibinalik na n'ya ang tablet sa handbag n'ya habang muli itong umuupo. "Tell me."
"Her family lives in Acacia Drive, ok?"
Her brows furrowed, "S-saan sa Acacia Drive?"
"Doon din subdivision natin."
Nagulat s'ya, "S-saan sila ro'n?"
Nagbuntong-hininga ako. "Sa 2390 Acacia Drive..."
Namilog muna saglit ang kanyang mga mata bago ito muling tumayo upang magparoo't parito.
"Imposible." She looks really fidgety.
"What do you mean?"
"Impossible dahil matagal nang abandonado ang mansyon na 'yun. Walang nakatira ro'n at wala ring gustong bumili."
"'Yan naman ang imposible dahil nakapasok na ako ro'n sa loob. May mga tao sa loob. May mga katulong. May sasakyang pumapasok at lumalabas."
Extreme confusion is all over her face. "Nakapasok ka tapos hindi mo na-meet ang parents n'ya. Hindi ka man lang ba nagtaka?" Hinampas ako nito sa braso. "Who are you? Why are you stupid? What did you do to my son?" Muli ako nitong hinampas. Mas malakas.
"Aw!" Lumayo ako sa kanya. "I guess, it's like mother; like son! Why am I so stupid with relationships?" Tatawa-tawa ako, "Maybe it's in the gene pool! On my mother's side!" Hinabol ulit ako nito ng hampas, pero nakailag ako.
"Hindi biro 'to, Jeff!" Hahampasin sana ako nitong muli nang...
"Kuya! Mommy!" Biglang pagtawag ni Jaimie. Magkasabay naman kaming napalingon ni Mommy sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan. "Gising na si ate Jasmine!"
***
"Pasensya ka na, hija. I'm a parent. If something happens to my son, gusto ko ako ang unang makakaalam. We need to let your parents know you're here. Where can we contact your parents?"
I did my best to stop her; but she still made it through. Wala na akong nagawa kundi ang hawakan na lang ang kamay ni Jasmine. Napatingin muna ito sa akin bago ito muling bumaling kay Mommy, "Ang Mama ko po, hindi ko po alam kung nasaan. According po sa Papa ko, she..." Muli itong sumulyap sa akin, "Left with another man."
"Ang Papa mo? P'wede ko bang nakausap ang Papa mo?"
"P-po? P-parati po kasing nasa biyahe 'yun. Hindi po pumipirmi 'yun simula ng maghiwalay sila ng Mama ko. I-I have a step mother po pero..."
"But she abused Jasmine" Pagsingit ko. "Ikinukulong sa basement, hindi pinakakain at minamaltrato. Ganung tao ba ang gusto n'yong kausapin? Ganun ba ang tipo ng taong magmamalasakit sa kalagayan n'ya?"
"What?!" Hindi makapaniwala si Mommy. "And your father allowed her to do that to you? Eh kapatid, meron ka?!"
"Mom!' Singhal ko kay Mommy, "Stop that! Now!"
"Parati po kasi s'yang wala sa bahay. Wala na po akong kapatid. P-pumanaw na po."
"Who will attend on your side of the family kung nagpapakasal kayo ng anak ko?"
Jasmine's face twitched. Tila pinipigilan ang pag-iyak. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay n'ya.
"You don't need to answer that." Bulong ko sa kanya.
Pumatak na ang luha ni Jasmine. Pinunasan ko naman agad ito. "K-kung gusto n'yo po." Nakatingin ito kay Mommy, "ibibigay ko po s a inyo ang numero ng Papa ko po. Pero ako na po ang hihingi ng despensa kung hindi n'ya kayo kakausapin tungkol sa akin."
Lumapit na si Mommy sa kabilang side ng kama para hawakan ang kabilang kamay ni Jasmine. "Pero bakit mo naman nasabi 'yun?"
"Nakakalungkot man pong tanggapin, isang araw matapos po kaming iwan ng aming Mama, nawalan na rin po ng pakialam sa amin ng ate ko ang Papa namin. Paborito niya noon ang ate ko, pero maging sa kanya nagbago ito. Pumanaw na at lahat ang ate ko pero ni sa kasal, burol at libing, hindi po ito dumalo."
"Pero bakit?"
Lalong umiyak si Jasmine. Napapasulyap sa akin. Tila nang-aalinlangan sa nais n'yang sabihin.
"Hindi ko rin po alam kung totoo. Wala naman po kasing nagsabi sa akin nang deretsahan. Pero marami na po akong narinig at natuklasan habang lumalaki po ako. Na kapag pinagtatagni-tagni ko isa-isa, may isa pong pinakamalinaw na sagot ang pumapasok sa isipan ko."
"At ano naman ito?"
"Na hindi po s'ya ang tunay naming ama."
"Paano mo naman nasabi 'yun?" pagsingit ko.
"Minsan ko na pong nahuli ang Mama ko noon na may kausap na lalaki sa backyard namin. Sa tema ng usapan nila, tila nag-aaway sila nito. 'hindi ko na kayang itago,' sabi ng Mama ko doon sa lalaki, 'malapit na n'yang malaman na ikaw at hindi s'ya ang ama ng mga anak ko! Itakas mo na ako...magsama na tayo!' Pero tumanggi 'yung lalaki dahil pamilyado rin ito. Hindi ko ito kilala pero naalala ko pa ang kanyang mukha."
"A-ano bang pangalan ng Mama mo?"
"Isabella po. Maria Isabella Dominguez-Romualdo po."
Namutla si Mommy. Bumitaw ito sa kamay ni Jasmine. "Ikaw ba ang nakababatang kapatid ni Janelle?"
Namilog ang mga mata ni Jasmine, "Kilala n'yo po ang ate ko?"
Sa halip na sumagot umiiyak na tumakbo palabas si Mommy. Hinabol ko ito at inabutan sa gitna ng hallway. "Mom...bakit?" Niyakap ko ito. Humihikbing Sumubsob naman ito sa dibdib ko.
"Sila..." bulong nito.
"Anong sila? Sila ang ano?"
"Sila ang dalawa sa mga anak ng Daddy mo sa labas."
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Sindak
FantastiqueStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...