"Ganyan ka ba talagang kumain?" Kantiyaw ko sa instant weekend date ko. Katulad kasi ng dati, sunod-sunod ang pagsubo nito.
Natigilan ito sandali para sulyapan ako, "Pasensya ka na. Gutom lang."
"Gutom? Bakit ba parati ka na lang gutom? Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" I'm all smiles.
Binato niya ako ng isang pirasong french fries. "Alam mo ikaw, kababati pa lang natin inaaway mo na naman ako! Ikaw ba? Bakit ka rin ba ganyan?"
"Bakit? Ano ba ako?"
"Presko. Alaskador!"
Humalakhak ako. "Eh sa ganito na ako eh. Anong magagawa mo?"
"Ako, walang magagawa, pero ikaw, meron! Baguhin mo nga 'yang pag-uugali mo para magka-love life ka naman. Sa sangsang ng pag-uugali mo, natu-turn-off ang mga babae sa 'yo eh."
Pinalipad ko ang isang piraso ng paper tissue sa direksyon n'ya. Nag-landing ito sa kanyang mukha, nakakatawa ang hitsura n'ya kaya't tinawanan ko ito. Tinanggal naman n'ya 'yun agad at nakasimangot na sinaksak ako ng matatalim na tingin.
"Eh ano naman kasi ang alam mo sa love life ko?" Nakabungisngis ako.
"Wala kang love life." Nagdire-diretso lang siyang muli sa pagkain.
"At pa'no mo nalaman 'yun aber? Ano ka ba, manghuhula?"
May laman pa ang bibig niya nang sinabi niyang, "Alam mo 'yung mga taong may love life, hindi basta-basta nayayaya sa galaan at pagsisine 'no. Unless na lang na natural kang pilandot at kaliwete."
Natatawa ako sa hitsura ng pagmumukha n'ya. Walang kasi itong ka-poise-poise. Mukhang ewan!
"Ano bang gusto mong panoorin? H'wag mong sabihing Romance?!"
"Siyempre Romance. Alangan namang horror. Pang-horror na nga ang pagmumukha ng ka-date ko, horror pa rin ba ang panonoorin ko?"
"Date? Date ba 'to? Teka...maka-uwi na nga." Umakmang tatayo na ako para kunwari'y aalis na ako.
Hinawakan n'ya ako sa braso, "Hep, sa'n ka pupunta?"
Bumalik ako sa pagkakaupo. "Excuse me hindi date 'to no? Peace offering lang." Kunwari'y nakasimangot ako. "Mataas 'yata ang standards ko sa mga date ko!"
Muli n'ya akong sinaksak ng matatalim na tingin, "Standards?"
"Oo, standards." I folded and crossed my arms on top of the table.
"At ano naman ang standards mo?"
"Unang-una, dapat maganda." Natigilan s'ya; sandali ring tiningnan ang suot n'ya, "Lady like..." Umayos s'ya sa pagkakaupo; inihinto ang pagkain. "Mabango..." Natawa ako nang pasimpleng inamoy n'ya ang kaniyang sarili. "Charming..." Dinilaan n'ya ang kanyang mga mga labi habang iniipit ang kanyang excess hair sa likod ng kaniyang magkabilang tenga. Inipit ko naman sandali ang aking mga labi para pigilan ang pagtawa. She's cracking me up. "Confident..." Tumikhim s'ya at nag-chin-up. "At higit sa lahat..." Sandyang binitin ko. Napapanganga ito sa paghihintay sa susunod na mamumutawi sa aking bibig. "Hindi trying hard." Muli n'ya akong sinimangutan. Humagalpak na ako ng tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/27753910-288-k909359.jpg)
BINABASA MO ANG
Sindak
ÜbernatürlichesStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...