KABANATA 30

6.8K 393 25
                                    

Isa sa pinakaayaw ko talaga sa lahat ang naglilipat ng bahay, lalo na kung kailangan ko na ring pumasok kinabukasan. Ayoko nang humingi ng extension, since I will really need to save up my remaining vacation days para masamahan ko si Jasmine sa Siquijor.

Our new apartment is awesome. Mabuti na lang talaga at maayos naman sa bahay si Jasmine. She's a huge help, lalo na sa tiyaga niya sa pag-a-unpack. Maingat siya and very organized, to think na hindi naman sa kanya ang mga gamit na inaayos n'ya.

"I'll get the smallest room sa tatlo" Anito, habang inaayos ang mga in-unpack naming mga kagamitan sa kusina. "Sa 'yo na 'yung dalawang mas malaki para sa bedroom mo and your home office. Tutal, nakikitira lang ako rito. Don't worry, kapag nagkatrabaho na ako, makakapag-share din ako."

"The smallest room? Eh halos wala ka nang magalawan ro'n ah." Sagot ko, "Do'n ka na lang sa pinakamaki. At least may sarili 'yung bathroom. And I kind of know how women would like to dominate their own bathrooms." Ipinapatas ko na isa-isa ang mga can goods sa cupboard. "And don't worry about your share, ako na ang bahala sa 'yo. Just make sure..."

Natigilan ako. I really don't have any intentions to say anything more pero nadulas na naman ako kaya...

"Just make sure what?" she asked.

Huminto muna ako sa ginagawa ko, bago ako lumapit at sumandal sa gilid ng lababong malapit sa kinaroroonan n'ya. "Just make sure nandito ka sa pag-uwi ko araw-araw." I smiled at her.

Tumingin ito sa akin, namula at saka umiwas ng tingin. Kunwari'y abala ito sa kanyang ginagawa. "Para namang palamunin ang dating ko no'n Jeff. Gusto kong makapaghanap ng trabaho, para naman makatulong ako sa 'yo sa gastusin."

Natawa ako, "At ano naman ang trabahong papasukin mo aber? Nakapagtapos ka ba ng college?"

Natingilan ito at ngumuso. "Hindi. Hanggang highschool lang, homeschooled pa. Pero smart naman ako 'no, marami akong alam. Marami akong librong nabasa."

"Eh ano nga ang papasukin mong trabaho kung hindi ka college graduate?"

Nag-isip siya, "Secretary?"

"Kailangan graduate ka rin kapag Secretary, at least Secretarial course."

Muli siyang nag-isip. "Officie Assistant?"

Natawa ako. "Lalo na 'yun."

Napaisip itong muli, "Ano nga ba ang pwedeng pasukin ng highschool graduate lang?"

"Sa ibang bansa, marami, pero rito sa Pilipinas? 'Yung college graduate nga nahihirapang makahanap ng trabaho, 'yun pa kayang hindi?"

Napasimangot ito, "So, ano pala ang pwede kong gawin? Ayoko talagang maging pabigat sa 'yo."

"Eh hindi ka naman kasi pabigat."

"Basta, I really need something to do."

"Ano ba ang hilig mong gawin?"

Muli itong napaisip, "I like reading, writing... painting. Pero gutom naman lalo ang aabutin ko kung magpapaka-starving artist ako."

Napangiti ako, "Why don't you work on your Romance novel instead, who knows, it might be the next big hit. Sa writing, hindi kailangan ang degree, ang kailangan mo lang talaga, talent and good command in any language you'll use."

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon