Chapter 1

375K 6.1K 757
                                    


SOBRANG init! And I'm lucky dahil wala akong payong. Great. Idagdag pa na sobrang sakit na rin ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito. Nasaan na ba kasi yung lugar na 'yun?!          

Bigla namang may lumabas na babae galing sa tinititigan kong bahay. Mabuti pa't magtanong na lang ako. Wala naman akong mapapala kung magpapagala-gala lang ako rito at masunog sa sikat ng araw nang hindi man lang nalalaman kung saan ba ako pupunta.

"Uhm, excuse me po Ma'am." Nginitian ko siya. "Alam n'yo po ba kung saan 'yung mga apartment na pinapaupahan ni Mrs. Gonzales?"

"Ahh, ako si Mrs. Gonzales. Mag-iinquire ka ba?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa wakas ay nahanap ko na si Mrs. Gonzales. Dito lang pala 'yun? Kung saan ako mismo nakaharap? Tapos ang napagtanungan ko pa ay 'yung mismong may-ari. Sana pala naghintay na lang ako rito kanina imbes na paikut-ikot pa ako sa buong campus.

Nginitian ko na lang ulit si Mrs. Gonzales at tinanong ko sa kanya ang pakay ko rito.

"Opo. Magkano po ba per month?" Sana mura lang, please?

"Three thousand pesos per month. Pero malaki naman 'yung room. Gusto mong makita?" Agad-agad naman akong tumango.

Nag-tour naman kami doon sa mga apartment. In fairness, malaki nga para sa isang tao! Kinuha ko 'yung number 7 na nasa second floor dahil dalawa na lang 'yung bakante. Yung isa nasa pinakadulo, ayoko naman nun dahil nakakatakot kapag nasa dulo ka. Nagbigay ako sa kanya ng deposit at saka advance payment after kong mag-agree sa mga sinabi niyang rules and regulations at pwede na raw akong lumipat next week dahil mabilis namang ayusin 'yung unit na nakuha ko.

Dahil tanghali na nung makaalis ako doon sa apartment, kumain muna ako sa Jollibee tapos bumiyahe na rin pauwi. Natulog lang ako buong byahe. After 2 hours ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, tumakbo agad ako sa kusina dahil nandoon sya at nagluluto.

"Hoy kuya! Nandito na ako!" Talagang sumigaw ako at napatigil naman siya sa ginagawa niya, sabay tingin sa akin.

"Oh? Kamusta biyahe? May nahanap ka ng apartment?"

"Ahh, oo—"

"Magkano? Kailan ka lilipat? Malaki ba?"

"Pwede na—"

"Malapit lang ba sa campus? Maganda ba? Anong—"

"KUYA ANO BA!"

Sinigawan ko talaga siya dahil paranoid na naman siya. Pero natawa ako nung gulat na gulat ang expression niya at talagang nanlaki pa ang mga mata niya. Akala mo nakakita ng multo eh!

"Hindi ka naman masyadong excited magtanong 'no? Ang dami eh! Nagmamadali? Nagmamadali?" Tinawanan naman nya ako. Sinikmuraan ko nga.

"Aray! Ang sakit nun ha! Pinagbabawal na bang tumawa ngayon? Pasalamat ka di ako nananakit ng babae." Aba! Di raw nananakit? Wala nga siyang dugo ng pagiging mabait eh!

"Sus! Talaga lang ha? Eh kung isa-isahin ko kaya lahat ng karahasan mo ha? Pinalo mo nga ako nung grade 1 ako eh, tapos binalot mo pa ako sa kumot nung grade 4 dahil kinain ko 'yung cake mo! Pinalo mo rin ako nung—"

"Oy, ibang kaso naman yun!" sabay inom niya ng tubig na para bang napahiya. Guilty!

"Kahit na no? Nanakit ka pa rin. Di raw nananakit? Five thousand nga pala yun per month. Next week na ako lilipat."

Buti talaga malayo ako sa kanya, kundi shower time talaga 'yun para sa akin. Ibuga daw ba yung tubig na iniinom niya?! Tinapik-tapik ko naman yung likod nya nang malakas.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon