Nakakainis. Nakakainis. Bakit ba ganito ang lalaking 'to? Sabi ko pipigilan ko na ang feelings ko sa kanya para wala nang problema, eh, tapos ngayon biglang bibigyan niya pa ako ng rason para umasa na naman? Anak ng tokwa.
Hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad kami paakyat sa unit namin. Buti na lang at tuluy-tuloy lang siyang naglalakad at 'di siya lumingon kahit isang beses dahil baka makita niya kung gaano kapula ang mukha ko. Hindi ko rin maipinta ang expression ko dahil sa halu-halong nararamdaman ko ngayon.
"Iniwan mo pa yung susi mo," biglang sabi niya at saka siya lumingon kaya nag-poker face ako. "Tapos hindi ka naman pala uuwi. 'Di man lang nagsasabi. Buti sana kung walang naghihintay sa'yo."
Sisigawan ko na sana siya dahil nanisi pa pero nang marinig ko ang huli niyang sinabi ay hindi ko na naituloy. He was waiting for me?
"O? Ano na namang nangyari sayo d'yan? Pasok na sa loob," sabay hatak niya sa akin papasok kaya nawala na naman ako sa sarili ko.
Pagpasok namin ay agad sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Sigurado akong 'yon din ang nasa isip niya dahil noong tumingin siya sa akin ay nag-iwas siya ng tingin. Nakatayo lang kami ro'n habang hawak niya pa rin ang kamay ko. The tension was suffocating and my lungs were about to burst. I couldn't breathe properly anymore.
Buti sana kung mutual ang feelings namin sa isa't isa, eh. Sana masaya ako at 'di ko kailangang pigilan ang kilig ko pero hindi. He likes someone and that's not me.
Si Mei ang nagmamay-ari ng puso niya.
"Oo nga pala, kaka nakakalimutan mo? Duty mo ngayon," bigla niyang sabi. "Aba sumosobra ka na ha. Lagi ka na lang na kay James. Di mo na nagagawa responsibilidad mo rito."
Ay, wow. So kaya niya ba ako hinatak pabalik dito ay dahil do'n? Akala ko pa naman . . .
Tama na nga. Marami ang namamatay sa maling akala kaya kailangan ko nang umayos. Pero nakakainis pa rin. Bakit kasi siya pa? Bakit sa lahat ng pwedeng magustuhan, siya pa? Dahil ba nasa iisang unit kami? Ang hirap naman nito, lalo na't magkasama pa rin kami hanggang ngayon.
Binitiwan niya naman ang kamay ko at nakita kong nakatingin siya sa phone niya. He has a worried expression and somehow, I think I know why.
"B-bakit?" tanong ko. Heto na naman ang pagka-pakialamera ko, umandar na naman. Napatingin siya sa akin pero bumalik ang tingin niya sa phone.
"Si Mei," he muttered. I knew it. "Ayaw sagutin ang mga tawag ko. Pati text ko, 'di nirereplyan. Kanina pa ako nag-aalala."
Para namang lumubog ang puso ko sa sinabi niya. Mahal niya talaga si Mei, ano? Iba kasi ang pag-aalala niya para sa kanya. Nakakatuwa na nakakainggit. Sa totoo lang, kung hindi ko siya kilala, aakalain kong siya ang tipo ng lalaki na mag-aastang playboy dahil sa itsura at personality niya. Pero 'pag nakilala mo siya, malalaman mong siya 'yong tipo na sobra kung magmahal to the point na gagawin niya ang lahat para sa babaeng 'yon.
Para kay Mei.
Ang swerte ni Mei kasi mahal siya nina Dylan at James higit pa sa isang kaibigan. Ako naman, malas, kasi 'yong taong gusto ko na nasa harapan ko ngayon, nag-aalala para sa taong mahal niya.
"Dylan?" tawag ko at tumingin naman siya sa akin.
"Hmm?"
"Yiiee, boyfriend na boyfriend ang datingan, ah?" pang-aasar ko sa kanya habang nakangiti. "Masyado mo namang mahal si Mei."
Pagkasabi ko no'n ay hindi ko mawari kung ano ang expression niya. He gave me a quick smile but his eyes reflected sorrow.
"Right. Maybe I love her too much," he murmured, as if he was talking to himself.
Ouch.
I felt a lump in my throat and I had to breathe in and out to calm myself down. Hindi ko alam kung bakit ko ba 'yon tinanong at kung bakit nasa bingit ako ng pag-iyak. Gusto ko lang naman siya. Hindi ko pa naman siya mahal. Magkaiba naman 'yon, 'di ba? Pero bakit parang ang sakit?
"But she can't love me back," he said while flashing a weak smile.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at naalala ko ang sitwasyon nina James at Mei kanina. Bakit siya malungkot? Hindi ba pinili na siya ni Mei? Hindi ba balak na niyang kalimutan si James?
"Ang hirap no?" bigla kong nasabi at nagulat din ako sa sarili ko. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"Bakit? Ikaw rin? Teka, huwag mong sabihing in-love ka na rin, Lyka? Aba. Akalain mo 'yon? Malas naman ng lalaking 'yan," sabay tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigilan mo ako," pagtataray ko.
"Teka, seryoso ka ba ro'n?" tanong niya ulit. "You really like someone?"
Oo. Ikaw. Bwisit ka, sa isip ko. Bakit ba kasi kami ang magkasama sa ganitong sitwasyon?
"Teka, tama na nga 'to," sabi niya naman at nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan. "Halika na, mag-aral na tayo. Tama na muna ang usapang pag-ibig. Saka na pagkatapos ng exams."
Nagsimula naman siyang maglakad kaya napilitan din ako at pumasok kami sa kwarto. Nanunubig na ang mga mata ko at hindi ko rin alam kung bakit ang sensitive ko ngayon.
Ang ironic talaga ng buhay. Bakit sa lahat ng pwedeng dumamay sa akin, siya pa?
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...