Sa wakas ay tapos na rin ang midterm exams namin! Ilang gabi rin akong nagpuyat para sa exams kaya naman sobrang pagod ko ngayon. Balak ko sanang umuwi sa Manila dahil sabado naman pero sabi ni Kuya ay huwag muna dahil wala siya ro'n for one week dahil sa work niya. Nakahilata lang tuloy ako ngayon dito sa kama ko.
Si Dylan naman, umuwi sa kanila kaya ako lang mag-isa rito. Okay lang naman dahil sanay akong mag-isa pero nakakapanibago dahil walang maingay.
Naalala ko naman bigla si Mei at ang balak niyang bigyan ng chance si Dylan. Medyo naawa ako sa kanya dahil mukhang magiging rebound lang siya. Ayoko namang sabihin sa kanya dahil baka kung ano pa ang mangyari. Ayaw ko namang pakialaman ang lovelife nila.
Ilang oras akong nakahiga lang at dahil medyo nabo-bore na ako ay bumangon ako. Nag-isip ako ng pwedeng gawin na hindi nakakatamad o nakakapagod. Sakto namang nakita ko ang post-it notes na dinikit ko sa pader noong nakaraan. Hmm . . . madagdagan nga.
I hope he won't get hurt. Nakakaawa.
Dinikit ko 'yon at kumuha ulit ako ng isa.
Guess what? My best friend is back! Great, right?
Bigla na namang sumagi sa isip ko si Dylan at nakakainis lang dahil concerned ako sa kanya kahit lagi niya akong inaaway.
Please don't be selfish. He genuinely loves you.
Tinignan ko naman ang tatlong post-it notes na nadagdag at nilabas ko na lang ang sketchpad ko. Nag-drawing na lang ako ng kung anu-ano para magpalipas ng oras pero after one hour ay tinamad na rin ako.
"Nakakatamad!" sigaw ko saka ako nag-inat. Dahil namamanhid na ang paa ko ay naglakad-lakad muna ako pero napatigil ako sa partition ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako sa side ng kwarto ni Dylan. Second time ko pa lang makapunta rito at dahil wala naman siya ay nagtingin-tingin ako sa kwarto niya.
Balak ko sanang maghanap ng pang-blackmail in case na awayin na naman niya ako pero napatigil ako nang may nalaglag na kung ano mula sa lumang notebook sa box niya. Pinulot ko naman agad 'yon at binuksan ko ang papel saka ko binasa ang nakasulat.
I've been in love with her for the last nine years but her eyes were only looking at him. Sabagay, kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin. Hanggang doon lang. Should I give up? Hell yeah. She won't love me back anyway.
Pagkabasa ko no'n ay napaupo na lang ako sa kama dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kawawa naman ang lalaking 'to. Ang tagal na palang in love kay Mei. Ibig sabihin, simula bata pa lang sila ay may gusto na siya sa kanya at nagawa niya pa ring itago 'yon hanggang ngayon. Bilib na ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko kinuha ang papel at bumalik ako sa side ko. Tinago ko 'yon dahil pwede kong magamit for future purposes.
Napangiti naman ako dahil hindi ko akalaing may ganitong side pala si Dylan. Akala ko puro pantitrip at kalokohan lang ang alam niyang gawin.
Napaisip naman ako at narealize ko na wala akong masyadong alam tungkol sa kanya maliban sa unrequited feelings niya para kay Mei at pagiging magkaibigan nila ni James. Sabagay, wala rin naman siyang masyadong alam tungkol sa akin. Mahigit two months na kaming magkasama pero limited lang talaga ang alam namin tungkol sa isa't isa.
Pagkatapos no'n ay nagluto na lang ako para sa sarili ko at tuluyan nang nagpahinga.
***
Monday.
Hay, heto na naman. Wala na ba 'tong katapusan?
"Dylan, gumising ka na! May pasok pa tayo!"
"Mmm . . ."
"Ayaw mo ha?"
Dahil kanina pa ako pabalik-balik sa paggising sa kanya ay binalot ko sa kanya ang kumot niya at saka ko siya tinulak nang malakas. Nalaglag siya sa kama niya at sumakit naman ang braso ko dahil ang bigat niya. Bigla siyang napabalikwas at sinamaan niya ako ng tingin.
"What the hell?"
See? Effective. Nagising siya.
Nang tuluyan nang nagising ang diwa niya ay sabay na kaming kumain at sabay na rin kaming pumasok. Hindi ko nga alam kung bakit nagsabay kami kahit na madalas ay nauuna ang isa sa amin.
Medyo na-conscious naman ako dahil may ilang tumitingin sa amin at saka ko na-realize na 'couple' nga pala kami dahil sa palabas ng lalaking 'to sa cafeteria dati.
"Kasalanan mo 'to, eh," sabi ko sa kanya at ngumisi naman siya.
"Bakit ko nga ba kasi sinabing girlfriend kita?" saka siya tumawa. Aba!
Matapos ko siyang irapan ay tahimik na ulit kaming naglakad. Napansin ko namang hawak niya ang phone niya at mukhang may ka-text siya. Nang makarating kami sa Math building ay dumiretso kami sa room at pagdating ng prof namin ay hawak niya ang test papers. Halos lahat ng kaklase ko ay nagpapanic na pero ako ay kampante naman sa mga sagot ko sa exam. After all, Math is my forte.
"Asuncion," tawag ng prof namin at kinuha ko naman kaagad ang paper ko. Pagbalik ko sa upuan ay sinilip ko ang score ko at hindi ko napigilan ang pagngiti ko.
I got 96 out of 100.
Balak ko sanang asarin si Dylan pero nakita ko ang exam niya dahil nakapatong lang desk niya at nagulat ako sa nakuha niya.
"W-wh—99?!"
Napatingin siya sa akin at nginitian niya ako nang nakakaloko kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Angal?"
Hah! May pa-'I hate math' pa siyang nalalaman, tapos ganito ang score niya? Bastos!
Balak ko pa sanang itanong kung ano ang mali niya pero naka-glue na naman ang mga mata niya sa phone niya kaya pinabayaan ko na lang. Mamaya magyabang pa siya sa score niya, eh.
Sa ibang class naman, mataas din ang nakuha kong scores sa ilan at pasado naman ang iba. Gano'n din si Dylan. After ng morning class namin ay pumunta kami sa cafeteria dahil tinext kami ni James na sabay-sabay na raw kaming kumain.
"Here!" sigaw niya at agad naman kaming pumunta kung saan siya nakapwesto pero napatigil ako nang makita ko si Mei ro'n.
"Hi, Lyka," bati niya at nag-hi rin ako sa kanya.
Umupo naman ako sa tapat ni James at tinignan ko ang reaksyon ni Dylan. Nagtaka naman ako dahil mukhang masaya ang loko at may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Nagtitigan pa sila ni Mei nang makaupo siya sa tapat niya.
"Ano sa'yo, Lyka, libre kita ngayon," sabi naman ni James at halos mag-twinkle ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga? Sabi mo 'yan ha!"
Natawa naman siya sa akin at pumunta silang dalawa ni Dylan sa counter para umorder ng lunch namin. Naiwan kami ni Mei sa table at nakita kong tumingin siya sa akin.
"Lyka, thank you," sabi niya kaya nagtaka ako.
"For what?"
"Wala lang. Basta," sabay ngiti niya.
"Oh. Uhm. Okay?"
Lalo lang akong nagtaka sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang dahil mukhang masaya naman siya ngayon. Pagdating ng dalawa ay nagsimula na rin kaming kumain pero makalipas ang ilang minuto ay tumigil si Mei sa pagkain.
"Bakit, Mei?" tanong ni James.
"I have something to tell you," sabay ngiti niya sa aming dalawa ni James. Tumingin naman siya kay Dylan at kita ko sa reaksyon niya ang hiya. "Well, Dylan and I are officially together. Sinagot ko na siya."
Pagkasabi niya no'n ay halos sabay kaming nabulunan ni James at hindi ko alam kung bakit pero imbes na maging masaya ako ay nakaramdam ako ng awa.
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...