"Nahihibang ka na ba?!"
"Bahala ka. Ikaw rin, wala kang matutuluyan."
Matapos ang mahaba-haba naming sagutan at sigawan, nagtapos kami sa madugong pagpayag ko at hindi ko alam kung bakit. Dahil wala na akong lakas para makipagsagutan ulit ay napabuntung-hininga na lang ako habang siya ay tumakbo sa unit niya para kunin ang mga gamit niya. Nagulat ako nung paglabas niya ay may dala-dala na siyang maleta at ilang karton. Akalain mong nakapag-impake na 'to? Talagang ready siya sa pag-iinvade sa unit ko ha? Sinasabi ko na nga ba, pinag-isipan niya 'to!
"Hoy, tandaan mo isang buwan ka lang dito." Pagkasabi ko nun ay bigla naman siyang nagkibit-balikat.
Bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko ay dumiretso muna ako sa kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas ay sumunod siya at nilagay niya ang mga gamit niya sa isang side. Saka ko narealize na isa lang pala ang kwarto ng apartment na 'to at ibig sabihin, dito rin siya matutulog. Napatayo ako bigla at kumuha ako ng papel at ballpen.
"Labas," sabi ko at sumunod naman agad siya. Nilapag ko ang papel sa mesa at nung nakita niya 'yun ay kumunot ang noo niya.
"Anong meron?"
"House rules."
"Oh. Okay."
Naging seryoso rin ang itsura niya at lihim akong nagpasalamat dahil hindi lang pala puro kalokohan ang alam ng isang 'to.
"House rule #1," biglang sabi niya kaya naging alert ako. "Privacy."
Napatango naman ako. Tama. 'Yun dapat ang unang-una. Kahit na araw-araw kaming nagkikita ay hindi pa rin naman kami ganun kaclose para malaman ang mga bagay-bagay sa buhay namin.
"House rule #2." This time, ako naman ang nagsuggest. "Since isa lang ang kwarto, dito ka sa sala matutulog." Tatango na sana siya pero napatigil siya nung nagsink-in sa kanya ang sinabi ko.
"Teka bakit? Tandaan mo, mas malaki sa bayad ng rent ang utang mo sa akin. Dapat nga ako sa kwarto at ikaw sa sala."
Ang kapal! Ako pa ang papatulugin niya sa sala? Jusko wala man lang dugo ng pagka-gentleman!
"No way! Ikaw sa sala—"
"Ganito na lang. Doon na lang tayo pareho sa kwarto."
Hindi ako nakapagreact agad dahil akala ko ay mali ang dinig ko. Pero nung nagsink-in sa akin ang sinabi niya ay halos kilabutan ako.
"What?!"
"Hindi naman kita aanuhin. Kahit maglagay ka pa ng malaking harang kung gusto mo para divided 'yung kwarto."
Ang dami pa niyang arguments na sinabi para lang mag-agree ako na doon din siya sa kwarto matulog at in the end, nanalo siya. Sinulat ko sa papel ang sinabi niya.
"House rule #3: Walang dapat makaalam ng sitwasyon natin ngayon," dagdag niya. At tama 'yun kaya sinulat ko na rin sa papel. Baka kung anong isipin ng mga tao kapag nalaman nilang nakatira lang kami sa iisang unit.
"House rule #4: Ako ang magluluto, ikaw ang maglilinis at maghuhugas."
"That's not fair!"
Fair-fair-in ko mukha nito eh! Lagi na lang may objection kapag ako ang nagbibigay ng house rules! Kanina pa siya reklamo nang reklamo!
"Ano na namang problema mo? Patas 'yun no!"
"Asa! Ang dali lang kayang magluto. Ang hirap maghugas at maglinis ha!"
"O anong gusto mo? Ako gagawa lahat? Asa ka rin!"
"Sige ganito. Pag Monday, ako ang maglilinis at ikaw ang magluluto at maghuhugas. Next day, ako naman ang magluluto at maghuhugas at ikaw ang maglilinis. Okay ba 'yun?"
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...