"Lyka! Saan ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Mei at mabilis lang akong lumingon.
"CR," sabay pilit kong ngumiti at tumakbo na ako papunta sa ladies' room. Narinig ko pa ang pagtawag ulit sa akin ni Mei at Dylan pero hindi na ako lumingon hanggang sa makapasok ako sa CR.
"It's me. Sorry for leaving you, Lyka."
His words rang in my ears and I started to cry. Bwisit. Bwisit na mga luha 'to. Ang tagal na nung huli kong makita si James na best friend ko at hindi ko na inasahan pang makikita ko ulit siya after all these years, pero ngayon, nasa tabi ko lang pala siya. At ang nakakainis pa, alam niyang ako 'yun. Alam niyang ako ang best friend niya dati pero nagkunwari siyang walang alam. Ni hindi man lang niya sinabi sa akin nung una kaming nagkita. Tapos biglang sasabihin niya ngayon na siya si James? Magsosorry siya dahil doon?
Buti na lang talaga at walang tao ngayon sa CR dahil mukha na akong yagit. Pulang-pula ang mga mata ko at tuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago kumalma at saka ako lumabas doon. Dumaan ako sa pinto na nasa kabilang side ng cafeteria para hindi nila ako makitang umalis at after that ay tumakbo ako papunta sa next class ko kahit na halos thirty minutes pa ang hihintayin ko.
***
Pumasok ako sa natitira kong classes at tahimik lang akong nakikinig sa mga prof. Sa katunayan, medyo hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nila dahil iba ang nasa isip ko. Kaya nga natuwa ako nung natapos na ang last class ko.
Umuwi agad ako sa bahay at pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Dylan na nakaupo sa sala. Napatingin siya sa akin at nung nakita niya ako ay bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. Pero dahil ayokong makipag-away sa kanya ngayon ay hindi ko na lang siya pinansin at gusto ko ring matulog nang maaga.
"James pala ha." Pagkarinig ko nun ay napahinto ako. Lumingon ako sa kanya at tinignan ko siya nang masama. "Siya 'yung nakwento mo dating best friend mo 'di ba?" tapos nag-feeling matalino pa. Hmp!
Teka, pano niya nalaman? Kinwento nya sa kanila?!
"Paano mo nalaman?" Pagkasabi ko nun ay napatayo siya at gulat ang expression niya.
"Tama ang hula ko? Shit! Ang galing ko!"
Ilang segundo akong napatigil at halos hindi maprocess ng utak ko ang sinabi niya pero after that ay gusto kong sapakin ang sarili ko pati na rin siya. Konti na lang talaga at mabubugbog ko na siya! Akala ko pa naman talaga alam niya! Ngayon, alam na niya talaga!
"Kaya pala para kang sira na banggit nang banggit ng pangalan ni James dati."
Papasok na sana ako sa kwarto ko pero napatigil ulit ako sa sinabi niya. Ano raw? Kailan ko 'yun ginawa? Nag-iimbento na naman ba 'to?
"Ewan ko sa'yo." Napakawalang kwentang kausap ng lalaking 'to.
"May gusto ko sa kanya 'no?"
"HA?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit, wala ba? Halata kaya!" pagpupumilit niya pa. Nababadtrip na ako sa kanya ha. Dapat dito ginagantihan eh.
"Alam mo, best friend lang ang tingin ko sa kanya. Di tulad ng iba diyan na more than best friend ang tingin sa best friend niya."
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...