Lyka's POV
Midterms na at puyat na puyat na ako kaaaral ng iba't ibang subjects pero kaya ko pa naman. Nakasalalay rito ang grades ko at dapat line of 1 ang makuha ko.
Biology ang first exam ko at medyo madali lang 'to para sa akin dahil more on memorization. Pagkatapos ng exam ay nabawasan ang inaalala ko at buti na lang ay alam ko halos lahat ng lumabas sa exam. Pagkalabas namin ng room ni Dylan, yeah kaklase ko siya, ay mukhang antok na siya dahil naglalakad siya nang nakapikit. Hinatak ko na naman siya bigla dahil muntik na silang magkabungguan ng babae.
"Huwag ka ngang pumikit habang naglalakad," sabi ko naman dahil ako ang naiistorbo.
"Ha? May sinasabi ka ba?" he said in a dazed expression.
Nakita ko namang pinagtitinginan kami ng iba naming classmates na lumalabas din sa room at mukhang alam ko na kung ano ang pinag-uusapan nila. Kalat na kasi sa campus ang nangyari sa cafeteria last time at ang perception nila ay kami na. Langya, akala ko pagkain lang ang pwedeng maging instant, pati pala boyfriend pwede rin.
"Halika na, male-late na tayo sa Philo exam," he suddenly said while rubbing his eyes. Hinatak niya naman ang kamay ko at tumakbo na kami papunta sa College of Letters kahit na pareho kaming antok.
Hay, kung bakit ba naman kasi nagsabay-sabay ang subjects na 'to. Nakakastress!
After one and a half hour, we both finished the exam and we decided to stay in the open field. Buti na lang at mamaya pang alas-tres ang last exam namin kaya may pahinga pa kami. Grabe, feeling ko pigang-piga na ang utak ko. Sumandal naman ako sa puno at gusto ko sanang matulog pero hindi nakikipag-cooperate ang utak ko.
Bigla ko namang naalala si James kaya napangiti ako. We spent that whole night catching up with each other and I felt happy knowing that my long lost best friend was finally back. Akala ko nga itatanong niya sa akin kung anong nangyari sa amin ni Dylan dahil una sa lahat, magkasama kami sa iisang unit at pangalawa ay 'yong nangyari sa cafeteria pero mukhang alam niya ang totoo. Maybe Dylan told him the truth. However, Mei had no idea about it.
Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan dahil bigla na lang humiga si Dylan sa damuhan at akala ko ay nahimatay o nabagok na ang ulo niya sa sobrang antok.
"Matutulog ka d'yan?" I asked.
"Obvious ba?" sagot naman niya habang nakapikit. Wow. Nagsungit pa talaga ha?
"Hindi. Malay ko ba kung trip mo lang humiga d'yan?"
"Tsk. Ingay naman."
"Wow ha? Maingay ka kagabi habang nagrereview, nagreklamo ba ako?"
"What a nagger."
"At least, honest. 'Di tulad mo."
Napadilat naman siya sa sinabi ko at tinaasan ko siya ng kilay. May sasabihin na sana siya pero pareho kaming napalingon nang narinig namin ang mga pangalan namin.
"Dylan! Lyka!"
We saw James walking toward us and that made me smile.
"Bakit ka nakasimangot d'yan?" tanong naman niya nang makita niya si Dylan.
"Napikon lang 'yan," sabi ko naman. "Sorry na nga."
"Biglang bait ka ngayon, ha? Tss."
Natawa naman bigla si James sa amin kaya pareho kaming napatingin sa kanya.
"Bakit ba lagi kayong nag-aaway?" he asked with a smile and both Dylan and I pointed at each other. "Anyway, Dylan, frisbee? I'm bored, too."
Napaupo naman si Dylan at mukhang nabuhayan siya ng dugo. Sabay na rin silang tumayo at mukhang balak nga nilang maglaro. Teka, iiwan nila ako rito? Pero sabagay, hindi naman ako marunong maglaro no'n. Hindi ko rin alam kung bakit pero na-imagine ko bigla sila as dogs dahil sa frisbee. Mabuti nang hindi ko sabihin 'yon sa kanila.
Dahil wala naman akong magawa rito ay kinuha ko na lang ang notes ko sa Hist 2 at nag-aral. Ilang pages pa lang ang nababasa ko ay may tumawag na naman sa pangalan ko at pagtingin ko ay papunta na rito si Mei.
"Oh, Mei. Long time no see," sabi ko naman dahil hindi ko na siya nakikita these past few days.
Umupo siya sa tabi ko at pinanood niya sina Dylan at James habang naglalaro ng frisbee. When I looked at her, he was just smiling while watching them.
"Ang cool nila 'no? Ang lakas pa ng hatak," sabay tawa niya. Pagtingin ko sa paligid ay ang dami nang nanonood sa kanila. Whoa. Iba talaga ang hatak ng dalawang 'to.
Nawala naman ang ngiti ni Mei at napalitan 'yon ng seryosong expression kaya nagtaka ako.
"M-may problema ba?" I asked, a bit wary because she might see me as a nosy person.
"I heard from James na ikaw ang best friend niya noong bata pa kayo. Kumusta naman?"
Sa tono niya ay mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to. Isa pa, he's in love with James.
"Y-yeah but we're just best friends. Don't worry, he's not my type," sabi ko naman at nakita kong ngumiti siya pero halatang pilit.
"Gano'n ba? Okay lang, 'no. I already gave him up since it's obvious that he just sees me as a friend. Ayoko namang masira ang friendship namin dahil do'n." Tumingin ulit siya sa akin. "Narinig ko rin na kayo na raw ni Dylan. Is that true?"
Natahimik naman ako at napatingin ako ro'n sa dalawa. Naisip ko naman na kaibigan niya rin ang dalawa at siguro ay tama lang na sabihin ko sa kanya ang totoo.
"Actually, that's not true."
"What?"
"It's a long story but I'm not his girlfriend. Ni hindi nga kami magkasundo sa mga bagay-bagay at saka ikaw ang gus—"
OH MY GOD. Buti na lang at napigilan ko ang bibig ko pero mukhang hindi pa rin maganda dahil nakakunot na ang noo ni Mei.
"What? Anong meron sa akin?"
"Ahh. Ha-ha. W-wala naman."
Lalo namang naging suspicious ang tingin niya sa akin at hindi rin naman kasi ako magaling magsinungaling. Bakit ba kasi napunta ro'n ang usapan? Wala na ba akong lusot?
"Lyka . . ."
"Fine, I'll tell you."
Crap. Lagot talaga ako kay Dylan 'pag nalaman niya 'to.
"Ano ba kasi 'yon?"
"W-well . . . you know . . . D-Dylan is in love with you," I whispered and I was expecting a surprised reaction from her but she gave me a timid smile instead.
"I already know that."
Mukhang ako pa ang nagulat sa aming dalawa dahil hindi ko ine-expect na alam niya 'yon. Seryoso ba?
"How did you know?"
"When I asked him if he likes me. Remember?"
Bigla ko namang naalala ang nangyari noong araw na 'yon at kinilabutan ako nang maalala kong hinalikan ako ni Dylan sa noo.
"He's my best friend and I know when he's lying."
Natahimik ulit kaming dalawa at napaisip naman ako kung ano ang magiging reaction ni Dylan kapag nalaman niyang alam ni Mei na may gusto siya sa kanya.
"Actually . . ." Napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita.
"Hmm?"
"I'm planning on giving him a chance. Dylan, I mean," she said. "Sige, alis na ako."
Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya at parang kakaiba ang naramdaman ko. She's going to give Dylan a chance? I know that would make Dylan happy but somehow, I felt bad for him.
Ayoko siyang maging rebound lang. Ayoko siyang masaktan.
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...