Kagigising ko lang at pagtingin ko sa orasan ay 8 PM na. Nag-stay si James dito hanggang 4 PM at noong umalis siya ay natulog lang ako. Bigla ko namang naalala ang usapan namin kanina at napatakip ako ng unan dahil sa hiya. Tama bang sinabi ko sa kanya 'yon? Paano kung asarin niya na ako lagi? Paano kung sabihin niya kay Dylan? Hala, kinikilabutan ako!
Kasi naman, ano bang problema ko? Bakit ba ako nagkagusto sa kanya? Well, sabi nga ni James, factor ang pagiging magkasama namin sa bahay. Siguro dahil na rin siya lang, bukod kay James, ang lalaking nakakausap ko. I couldn't get close to any of my classmates because I was scared.
Bumangon naman ako at kumuha ng post-it note.
Huwag nang umasa dahil walang mapapala, sulat ko at dinikit ko katabi ng iba pang notes sa dingding. Napabuntong-hininga na lang ako at balak ko na lang sana ulit na matulog pero napatigil ako nang bigla akong may narinig na parang bumagsak sa labas.
H-hindi naman siguro multo 'yon 'di ba?
Nagtalukbong na lang ako at nagtago sa ilalim ng kumot. Bakit naman ngayon pa may mga ganyang tunog kung kailan mag-isa ako? Kung anu-ano na naman tuloy ang naiisip ko—
Isang malakas na tunog na naman.
Napabangon na ako at kinuha ko ang phone ko. I immediately dialed James' number and after two rings, the call got connected.
"James!" I wailed. "Balik ka rito, samahan mo muna ako!"
"Bakit? Akala ko ba—"
"Basta buma—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakarinig ako ng scratching sounds sa bintana. "Please bumalik ka, may multo! Natatakot na ako!"
Naiyak na ako dahil do'n at saglit akong sumilip sa bintana para i-check dahil baka tao naman pala 'yon pero walang kahit anong silhouette do'n. Nagtago ulit ako sa ilalim ng kumot habang pinipigilan ang pag-iyak.
"O, sige, papunta na ako. Calm down, okay? Huwag mong ibababa ang phone mo."
"Mmm. Dalian mo ha?"
Ilang segundong tumahimik ang paligid at lalo lang akong kinilabutan dahil do'n. Gusto ko na lang tumakbo palabas pero hindi na ako makaalis dito sa pwesto ko dahil nakakatakot. Iniisip ko na lang na malapit na si James pero halos napatigil ako sa paghinga nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"J-James? Ikaw na ba 'yan?" tanong ko sa kabilang linya.
"Nasa kanto pa lang ako. Bakit? Anong nangyayari?"
Nabitiwan ko ang phone ko at tumayo naman ako. Baka hindi multo, kundi magnanakaw ang pumasok. Malabo ring si Dylan dahil kakaalis niya lang kaninang umaga para umuwi sa kanila. Pwede ring hindi na-lock ni James ang pinto kanina kaya nabuksan ng kung sino. Kung tao 'yon, wala akong dahilan para matakot. Huminga ako nang malalim, hinahanda ang sarili para lumabas sa kwarto. I could use my judo skills to subdue the thief.
Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko habang dahan-dahan na binubuksan ang pinto sa kwarto at pagbukas ko ay hindi ako nakahinga. There was a white lady floating in front of the room.
Hindi ko alam kung sumigaw ba ako, nagwala o umiyak pero ang alam ko lang ay sinubukan kong isaradong muli ang pinto at may humawak sa braso ko. I tried resisting but I was too afraid with what I just saw and my mind was replaying that image.
"P-please . . ." I sobbed but I was surprised when I heard a familiar voice.
"Are you really that scared, Lyka?"
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko 'yon. Dahan-dahan akong tumingin sa lalaking nakahawak pa rin sa braso ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin nang seryoso.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...