Chapter 14

136K 3.4K 435
                                    


"Ang tahimik mo yata, Ms. Trashtalker?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Manahimik ka d'yan, Mr. Torpe," sabi ko naman at tumingin rin siya sa akin nang masama.

As usual, nagbangayan na naman kami bago pumasok sa klase at hindi ko alam kung saan namin napulot ang nickname namin sa isa't isa. Ako pa ang trashtalker, ha? Sino kaya ang laging may sinasabing kung anu-ano? Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin pero napatingin na naman ako sa kalendaryo. That day of the year again . . . pero wait, midterm exams na pala next week! Ang bilis!

"Tss. Exams lang pinoproblema pa," sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Dun? Exams 'yon! Di lang 'yon quiz, 'no!"

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break namin. Ewan ko ba kung bakit magkasama kami ngayon. Sa katunayan, nagsasawa na nga ako sa mukha niya dahil mas marami pa 'yong oras na nakikita ko siya kaysa hindi.

"Di 'ba sila 'yong nag-kiss kahapon?"

"Ahh, sila na kaya?"

"Siguro. Dylan kissed her. Ando'n nga rin sina James at Mei, sa pagkakaalam ko."

Napatigil naman ako sa pagkain nang narinig 'yon at hindi ko alam kung ano ang nagawa kong expression dahil do'n. Bigla ko tuloy naalala 'yon at hindi ko sigurado kung ano ang dapat kong maramdaman, pero nangibabaw ang pangingilabot.

"Badtrip," bulong ko.

"Tss. Ikaw lang ba badtrip?" mahina naman niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino bang may kasalanan? May nalalaman ka pang ganon-ganon. 'Di na lang kasi umamin. Torpe talaga."

"Bakit naman ako aamin sa gano'ng sitwasyon? Ano ako, tanga?"

"Oo. Torpeng tanga."

Para na kaming sira ro'n dahil kahit nagbabangayan kami ay pabulong lang. Baka kasi may marinig na naman 'tong mga tsismosang 'to. But wait, isn't that a good thing for me? I mean, malalaman nila na naipit lang ako sa sitwasyon.

Sa kakaisip ko kung paano makakatakas sa tsismis ay lalo lang akong na-stress to the point na gusto ko nang sapakin 'tong Dylan na 'to.

"Hot topic tuloy tayo sa campus. Nakakairita."

"Ayaw mo no'n? Sikat ka na rin?"

"Duh? Ayokong maging kagaya n'yo. 'Di ako mahilig sa mga tao."

"Anong tawag mo sa'kin? Diyos?"

"Hayop."

As usual, nauwi na naman sa walang katapusang asaran ang pag-uusap namin pero napahinto ako dahil sa nakita ko. Oh, no. This is not good.

Kinalabit ko si Dylan pero hindi ako pinapansin ng loko dahil sa pang-aasar ko kanina.

"Dylan, Dylan, Dylan!"

"What?!" bulyaw niya dahil sa sunud-sunod kong pangangalabit. Pasimple ko namang tinuro 'yong tatlong babaeng palapit.

Yes. Those girls who trespassed in our unit before.

"Dylan!" bati ng isang froglet pero nawala ang ngiti niya nang nakita niya ako. "Oh, kasama mo rin pala 'tong flirt na 'to."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko pero hindi agad ako nakapagreact dahil sa dami ng taong nakatingin na sa amin. Bakit ba lagi na lang akong naiipit sa ganitong sitwasyon?!

"Pwede ba? Umalis nalang kayo?" iritadong sagot ni Dylan pero hindi pa rin natinag ang tatlo at sa akin pa rin sila nakatingin.

"'Di ka pa nakuntento sa bahay niya ha? Sumunod ka pa hanggang canteen."

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon