Nagpanic ako nung nakita ko si James pero ngumiti lang siya. Pero ang weird dahil after that ay sabay na kaming umorder ng food at siya pa ang nagbayad ng sa akin. Sabay na rin kaming kumain at nag-usap kami about acads. Medyo awkward pero nakakahiya naman kasing umalis at lumipat ng table dahil nilibre niya ako.
"Anong next class mo?" tanong niya.
"Ahm...ano...history."
"Wow. You know what, I like history but I suck at memorization."
"G-ganun ba? Ayos lang 'yun, 'di lang naman puro kabisaduhan dun eh."
Crap. Ano bang pinagsasabi ko? Super walang kwenta!
"I-ikaw? Anong next subject mo?"
"English"
"Ah."
Tinuloy na lang namin ang pagkain since wala na kaming mapag-usapan. Sabagay, di naman kami magkakilala talaga at nagkakilala lang naman kami dahil sa katangahan ko nung umagang 'yun pati na rin doon sa carinderia.
Nagulat naman ako nung may tumama sa paa ko. Pagtingin ko, ballpen lang pala.
"Sorry, that's mine!" Napaangat naman ang ulo ko nung may narinig akong boses ng babae. Nasa gilid ko na siya kaya naman inabot ko sa kanya 'yung ballpen.
"Eto, o."
"Thank you!"
Nung napatitig ako sa kanya, parang familiar ang mukha niya. Wait, classmate ko ba siya sa isang subject? Pero parang hindi, eh. Saan ko nga ba nakita ang babaeng 'to?
"Wait. You're Lyka, right?" sabay turo niya sa akin. "Thank you!"
"Uhm, kilala mo ako?" tanong ko naman dahil nagulat ako na alam niya ang name ko. That means, kilala ko nga siya pero hindi ko alam kung sino siya.
"Of course. Pinakilala ka sa akin ni Dylan, 'di ba? I'm Mei."
"Ah! Oo nga pala." Naalala ko bigla 'yung babae na na-encounter namin ni Dylan before nung kumakain din kami rito. Naalala ko rin na ang sabi niya, kababata niya ang Mei na 'to.
Napansin ko naman na mapatingin siya kay James, tapos nawala ang ngiti niya. Pagtingin ko kay James, seryoso rin ang expression niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng high level of awkwardness and yes, mas malala pa kanina.
"Hi James. It's been a long time."
"Yeah, how are you?"
"I'm fine. And you?"
"I'm good."
After that, biglang tumayo si James at tumingin sa akin.
"Sige nga pala Lyka, may class pa ako. Thanks for the time. Bye, Mei."
"Uhm, sure."
Nung nakaalis na sa cafeteria si James ay napaupo si Mei sa upuan ni James at narinig ko siyang nagbuntung-hininga.
"M-may problema ba?" medyo awkward kong tanong dahil parang nakakabastos kung 'di ko siya kakausapin after ng nangyari.
"Wala naman. Matagal ko lang na hindi nakita 'yung childhood friend namin ni Dylan. Sige nga pala, alis na rin ako. Bye Lyka!" tapos tumakbo na siya.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, childhood friends silang tatlo? Wow. So sila pala 'yung sinasabi ni Dylan na dalawang kaibigan niya? Wow.
***
Pumunta na ako sa next class ko after nung nangyari kanina at baka ma-late pa ako. Buti at nakaabot ako sa quiz namin sa history. At naperfect ko 'yun!
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...