Anong gagawin ko?! Wala akong dalang pera! Nagastos ko na!
"Siya po," sabay turo sa akin. What the heck? Ngayon tinuro niya pa ako? Pahamak talaga 'tong lalaking 'to! At aba, nagbelat pa ang walanghiya! Nakakasar!
"Miss, you have to pay this. Dahil isang set ang nabasag mo, 4700 ang babayaran mo." Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang presyong sinabi nung babae.
"P-po? P-pero po wala akong dalang pera ngayon."
"Oh paano 'yan? Kailangan mo 'tong bayaran ngayon. Kung hindi, magsasabi kami sa pulis na hindi ka nagbayad." Naglakad siya papunta sa may cashier at kinausap niya 'yung staffs doon.
Naramdaman ko naman na malapit nang pumatak ang luha ko. Paano 'to? Nasa bahay 'yung pera ko at hindi ko alam kung kasya 'yun. Anong gagawin ko? Nakakainis naman kasi eh! Pinagtitinginan na kami ng mga tao na kumakain at bumibili doon. Bwisit kasi tong lalaking 'to eh!
"Nakakainis ka!" sabay tingin ko nang masama sa kanya.
"Ako ba may kasalanan? Ikaw humarap sa akin dyan eh!"
Bigla naman akong napatigil sa pagpatay sa kanya sa utak ko. May naisip akong paraan pero...ugh! C'mon, Lyka, kailangan mong gawin 'to! Isantabi mo muna ang pride mo. Kaya ko 'to!
"PAUTANG NGA!"
"Haharap pa kas—ANO?!" Mukhang hindi siya makapaniwala dahil wala siyang masabi after that. Kaya naman inulit ko sa kanya ang sinabi ko.
"Sabi ko pautang!"
"Ayoko nga. Bahala ka na nga dyan! Alis na 'ko."
Ahh! Di pwede 'to! Hinatak ko ang braso niya at pinigilan siya sa pag-alis.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako!"
"Pautang na kasi!"
"Ayoko nga sabi!"
"Sige na! Please?"
"Close ba tayo ha? Bahala ka na nga dyan!"
Dahil nafufrustrate na talaga ako sa nangyayari ay naiyak na lang ako at hindi lang basta iyak, humikbi na ako at medyo hindi na makahinga dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko namang makulong at ayokong makarating pa 'to kay Kuya.
"Ano ba 'yan? Nagpapaiyak ng girlfriend? Anong klaseng lalaki 'yan?"
"Bakit kaya sya umiiyak? Nakakainis naman 'yung lalaki, mukhang inaway. Wala talagang kwenta mga lalaki eh. Kahit kailan."
Napatigil ako nung narinig ko ang usapan ng dalawang babae na kakapasok lang sa store kaya may naisip na naman ako. Nilakasan ko ang pag-iyak ko habang hinahatak-hatak ko ang braso niya at nagmamakaawa na pautangin niya ako kahit ang sakit-sakit na sa pride ko.
"Shh, wag ka na ngang umiyak! Ako napapahamak dahil sa'yo eh!" Agad akong tumigil sa pag-iyak nung narinig ko 'yun.
"P-papautangin m-mo na ako?" Pinunasan ko ang luha ko at humarap ako sa kanya.
"Oo na! Nakakainis ka!"
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...