"Kain na!" sigaw ni Kuya kaya naman pumunta kaming lahat do'n maliban kay Ate Catherine na pagkarating pa lang ay dumiretso na sa kusina.
Umupo naman agad kami at nasa magkabilang gilid ko sina Kuya at Dylan. Bigla naman niya akong sinipa sa ilalim ng mesa kaya tinignan ko siya.
"Huwag masyadong pahalata sa kilig," bulong niya habang nakangiti nang nakakaloko kaya pinandilatan ko siya at sinipa ko siya nang malakas. Tumama ang tuhod niya sa gilid ng lamesa pero napigilan niya ang pagsigaw dahil nasa kabilang gilid niya lang si Ate Catherine.
Hah! Buti nga!
"Huwag mo akong hinahamon, Kuya," bulong ko pabalik. "Baka gusto mong ikuwento ko kay Ate Cath ang nangyari noong second year high school ka."
Natawa naman ako bigla nang bigla niyang nilayo ang upuan niya at dumikit siya kay Ate Cath sabay bulong ng, "Cath, kahit anong mangyari, huwag kang maniniwala sa mga sasabihin ni Lyka tungkol a akin. Kahit ano."
Parang baliw, 'di ba? Bulong ba 'yon?
Nagsimula naman kaming kumain at nagulat ako dahil ang sarap ng luto ni Kuya. Bakit parang ngayon lang 'to? Bakit kapag kaming dalawa lang ay hindi naman ganito kasarap? Tss. Pa-impress masyado kay Ate Cath.
Halos mabulunan naman ako nang biglang hinawakan ni Dylan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Binigyan naman niya agad ako ng baso ng tubig gamit ang isa pa niyang kamay at pinanlakihan ko siya ng mata.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, Dylan?" tanong ni Mei sa kanya kaya kinabahan ako. Pinipilit kong tanggaling ang kamay niya nang hindi nahahalata pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak niya.
"Hm? Naabot ko na kasi 'yong pangarap ko," sabi niya at naubo ako nang marinig ko 'yon.
Sobrang init na ng mukha ko at nanatili akong nakayuko dahil baka makita ni Kuya ang itsura ko. Alam pa man din niya kapag kinikilig ako.
Nahirapan ako lalo dahil isang kamay lang ang magamit ko sa pagkain. Badtrip, bakit kasi ayaw niyang bitiwan? Hindi ba siya nahihirapan na kaliwang kamay ang gamit niya? Hindi niya rin ba alam na kanina pa ako nagwawala sa isip ko dahil sa pinaggagawa niya?
Naka-survive naman ako kahit papaano at nang tapos na kami ay binitiwan na niya ang kamay ko dahil tumayo si Kuya. Baka makita niya, eh. Pumunta na rin kami sa sala at naglaro kami ng iba't ibang card games. Pusoy dos ang nilaro namin at by pair kami.
"Bawal maduga," sabi ni Dylan kay Mei dahil akmang sisilip siya sa cards namin.
"Tss. Akala mo naman maganda ang baraha nila."
"Oo kaya," sagot ko naman kahit ang totoo wala kaming mabuo.
In the end, sina Kuya at Ate Cath ang nanalo. Ang duga kasi ni Kuya dahil nagtago siya ng card!
Pagkatapos no'n ay napagdesisyunan naming manood na lang ng movie pero habang nasa kalagitnaan ay tumayo si Dylan at pumunta sa kusina kung saan nagliligpit si Kuya ng pinagkainan namin. Sinundan ko siya ng tingin at bigla akong kinabahan dahil parang ngayon lang sila nag-usap.
Nakita ko namang tumango si Kuya tapos may binulong siya kay Dylan. Bigla namang tumingin si Dylan sa direksyon ko at nataranta ako kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa TV.
Ano kayang pinag-usapan ng dalawang 'yon?
***
"San ba tayo pupunta?" tanong ko habang hatak-hatak ako ni Dylan.
"Basta."
"Walang clue?"
"Wala."
"Damot."
Nandito kami ngayon sa kotseng dala nila ni Ate Cath at pinaandar naman niya 'yon kaya natakot ako. Tinanong ko kung may lisensya siya at sinabi niyang meron siyang student lisence pero kinabahan pa rin ako. Saan ba kami pupunta? Bakit hindi kasama sina Mei at James?
Dahil tikom talaga ang bibig niya ay hinayaan ko na lang siya at natulog na lang ako dahil mukhang mahaba-haba pa ang biyahe namin.
***
"Lyka. Lyka, gising na. Nandito na tayo."
Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad ang mukha niya na ilang pulgada lang ang layo mula sa akin. Ngumiti naman siya nang nakakaloko kaya nag-init ang mukha ko. Lagi na lang niya akong nabibiktima sa ganyan! Hindi ba siya kinakabahan? Ako lang ba?
Sabay naman kaming lumabas at huminga agad ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Namumuro na talaga 'tong Dylan na 'to, ha? Alam niya ba ang balak ko ngayon at grabe siya magpakilig?
Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ma-realize kung nasaan kami at napanganga ako dahil doon.
"Oh my God," bulong ko sa sarili ko.
"Let's go?" he said while holding my hand.
Napangiti naman ako bigla sa gestures niya at mukhang tama nga ang gagawin kong desisyon. Pumasok kami sa loob at ang weird ng pakiramdam lalo na't iba na ang tingin namin sa isa't isa ngayon.
"Dito nagsimula ang lahat," sabi niya habang lumilibot sa unit namin.
Yes. He brought me in our unit. Sa 7th unit.
"Dito ako unang nagluto ng pagkain para sa isang babae bukod kay Mei dahil lang sa house rules. Dito rin ako unang nag-alaga ng may sakit. Dito ako natutong magpahalaga ng mga kaibigan." Tumingin naman siya sa akin. "Natutong magmahal. Naranasang masaktan. Ang dami na palang nangyari, 'no? Itong bahay na 'to ang witness sa lahat ng pinagdaanan natin."
Hindi ko alam kung bakit pero habang sinasabi niya ang mga 'yon ay biglang bumagsak ang luha ko pero sigurado akong hindi dahil malungkot ako.
Tama siya. Masyado nang maraming nangyari sa unit na 'to. Kasama 'to sa mga lugar na hinding-hindi ko makakalimutan kasi dito ko rin naranasan lahat ng naranasan niya. Halos lahat yata ng emosyon ay naramdaman ko habang nakatira rito.
Lumapit naman ulit siya sa akin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
"Ngayon, gusto ko ring masaksihan ng lugar na 'to kung gaano kita pinahahalagahan," sabi niya sabay abot sa kamay ko. "Kung paano ko na-realize na minsan akong naging tanga dahil pinaniwala ko ang sarili kong si Mei pa rin ang mahal ko kahit na ang totoo, nahulog na ako sa'yo. Gusto kong mangako sa'yo at sa lugar na 'to na hinding-hindi na kita bibitiwan." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at nagtuluy-tuloy na ang luha ko. "Hinding-hindi kita sasaktan. At ngayon, umaasa akong sana, gano'n pa rin ang nararamdaman mo sa akin . . . tulad ng sinabi mo sa sulat mo kahit na ang dami kong ginawang mali sa'yo."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay humagulgol na ako at agad ko siyang niyakap. I was too happy that I couldn't control my tears anymore. I didn't know that a person could affect me like this.
Ilang minuto kaming magkayakap. He let me cry on him while carressing my hair and back. It felt like I was dreaming.
"I love you," I whispered and he suddenly stopped moving. After a few seconds, he broke our hug and looked at me with his shocked expression.
"H-ha? Pakiulit nga. Baka nagkamali ako ng rinig," sabi niya at napangiti naman ako dahil ang cute niya.
"Ayoko nga," sagot ko naman.
"Teka, ibig sabihin ba tama—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa labi nang mabilis. Pagtingin ko, para na siyang estatwa dahil hindi na siya nakagalaw.
"Okay na?" I teased and his cheeks and ears turned red.
"Lyka . . ."
"Hindi ko na uulit—"
This time, ako naman ang hindi nakapagsalita. Gumanti rin siya ng halik pero hindi tulad ng ginawa ko. He cupped my face and with our eyes closed, he kissed me slowly as we got lost in our feelings.
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...