Chapter 32

114K 3K 256
                                    

4am.

Katatapos ko lang mag-impake at excited na akong umuwi. Simula na rin kasi ng sembreak kaya naman makakauwi na rin ako sa wakas. Nami-miss ko na rin ang bahay at si Kuya.

Naglabas naman ako ng kumot at kinumutan ko si Dylan na nakatulog na sa lamesa. Tatlong bote ng alak ang nainom niya simula kagabi kaya paniguradong mamaya pa 'to magigising. Nagluto na lang din ako ng sopas para naman may makain at mainitan ang tiyan niya. Pagkatapos no'n ay nag-iwan na lang ako ng note at saka tuluyang umalis.

Ayaw ko na nang ganitong pakiramdam. Gusto kong ibalik 'yong dating ako at mangyayari lang 'yon kung aalis ako sa unit na 'to . . . malayo sa kanya. Kahit isang sem lang kaming nagsama ay ang daming nangyari at hindi ko rin inasahan na magkakagusto ako sa kanya. Dapat kasi, simula pa lang, hindi ko na siya hinayaang makituloy rito. Eh 'di sana, tahimik pa rin ang mundo ko ngayon. Sana, masaya ako ngayon.

Bumalik naman ako sa pwesto ni Dylan at tinitigan siya habang tulog. Ilang beses ko nang nakita ang mukha niya kapag natutulog pero ngayon lang naging ganito kalungkot ang expression niya.

"Last naman na 'to, eh," bulong ko habang nakangiti sa kanya. "Sorry. Sana maging masaya ka rin," I said and I kissed his cheek.

Nagmadali ako sa paglalakad dahil baka magbago pa ang isip ko. Pagdating ko sa labas ay agad akong sumakay ng jeep papunta sa terminal ng bus. Itutulog ko na lang ang lahat ng 'to sa biyahe.


***

"Kuya! Nandito na ako!" sigaw ko at niyakap ko naman siya nang mahigpit. Mukhang nagulat siya dahil hindi naman ako ganito ka-clingy sa kanya pero kailangan ko talaga ng mahigpit na yakap ngayon. Hindi naman siya umimik pero alam kong napansin niyang kakaiba ang kilos ko ngayon.

"Nasaan na ang pasalubong?" tanong niya at thankful ako dahil hindi siya nagtanong kung anuman ang problema ko.

"Oops. Nakalimutan ko," sagot ko at tumakbo ako papuntang kwarto pero aba naabutan ako ng loko! "Kuya kasi, labas na!"

"Pasalubong muna."

"Wala nga kasi! Nakalimutan ko!"

"Sus, mga dahilan mo."

Dahil hindi ko na siya mapaalis sa kwarto ay umupo na lang kami pareho sa kama at bigla namang naging seryoso ang atmosphere sa pagitan namin.

"Sabi ni James, nawala ka raw."

Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam na may contact sila ni James.

"Teka, nag-uusap kayo ni James?!"

"Ay, hindi. Kaya nga alam ko, eh," sagot niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Jusko, may tigasumbong pala ako kay Kuya! Kainis na James 'yon. "Bakit? Itatanong ko ba ang bigo mong love life kung hindi ko alam?"

Bull's eye. Badtrip.

"Ewan ko sa'yo. Shoo!" sabay taboy ko sa kanya. "Labas na Adrian! Hindi kita kailangan dito."

"Kawawa naman ang batang 'to, brokenhearted," pang-aasar niya kaya tinulak ko siya nang malakas.

"Gusto mong ma-arm throw?" pananakot ko dahil hindi siya marunong mag-judo at mas malakas ako pagdating sa techniques kaya para siyang nakakita ng multo sa sinabi ko.

"Joke lang naman kasi. Kawawa naman ang baby, sino ba 'yang hinayupak na lalaking 'yan ha? Tara, resbakan natin. Magdadala ako ng walis tambo."

"Walis tingting para mas masakit," sakay ko naman.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon