Chapter 30

113K 2.6K 115
                                    


Mei's POV


I already left that place. Sakto namang umulan nang malakas at mukhang nakikiramay ang panahon sa nararamdaman ko. Sa tingin ko naman ay tama ang naging desisyon ko . . .

. . . tamang hindi ako tumuloy.

Umalis ako sa waiting area kanina at pumunta sa C.R. dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko. I silently cried inside the cubicle and when I managed to calm myself, I heard Dylan's voice, yelling my name. Imbes na tumigil ang pag-iyak ko ay lalo lang 'yong lumala dahil sa mga narinig ko.

He really loves me to the point that I felt guilty for not being able to return that. Naaawa at nasasaktan ako para sa kanya pero wala naman akong magawa dahil iba ang mahal ko. I covered my mouth to keep myself from sobbing and every time he shouted my name, I mouthed 'sorry' for the trouble and pain I've brought to him.

Hindi ako ang babae para sa kanya. Alam kong hindi ko masusuklian ang binibigay niyang pagmamahal sa akin. I'm not worthy of his love. Alam kong may ibang babaeng makakapagpasaya sa kanya at 'yon ay ang taong kayakap ko ngayon.

We cried on each other's arms, and we both knew that we needed that. Kailangan naming ilabas lahat ng sakit at sama ng loob namin kahit na magmukha kaming tanga rito.

"Mei, ang sakit," she sobbed. "Akala ko kaya kong tiisin pero hindi pala. Ang sakit marinig mula sa kanya ang mga salitang 'yon."

"I know," sagot ko naman at kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha ko. "Masakit lalo na kung galing sa taong pinapahalagahan mo. Masakit at nakakapagod."

I just see you as a friend. A sister. Sorry.

Ang sakit pa rin ng mga salitang 'yon lalo na't galing sa kanya. Pero kahit paulit-ulit na akong nasasaktan, para bang hindi natututo ang puso ko. I should've left to forget all the pain but I chose to stay with it. The reason? Because I love him. It would always end up with that.

Minsan talaga nagiging tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. Hindi na pinapairal ang utak. Mas ginugustong masaktan. Mas ginugustong umiyak at lumaban.

"Ang tanga-tanga nila, ano?" pabiro kong sabi. "Pero mukhang mas tanga tayo."

Tumango naman siya at basang-basa na kami dahil sa lakas ng ulan. Mas maganda rin 'to dahil natatakpan ang mga luha ko. At least kahit papaano, hindi naman mahalatang umiiyak ako. Kami.

Maybe we really needed this. We needed each other's comfort and warmth.

After a few minutes, tumayo na kami dahil lalo pang lumakas ang ulan. Buti nga at may taxi pang tumanggap sa amin kahit basang-basa na kami. Nagdagdag na lang ako ng pambayad.

"M-Mei, pwede bang makituloy muna ako sa dorm ninyo?" mahina niyang sabi.

"Naku hindi pwede ro'n," sagot ko. "Nag-aaral ang dormmates ko. 'Di ba exam bukas? Dapat nag-aaral ka rin, ah?" biro ko at ngumiti naman siya kahit papaano.

"Hindi ka pwede sa dorm, pero pwede tayo sa bahay ng uncle ko. Malapit lang rin 'yon sa campus."

Pagkarating namin sa bagay ni Tito Sam, gulat niya kaming sinalubong dahil para kaming mga basang sisiw. Agad naman kaming naligo at habang hinihintay kong matapos si Lyka ay umupo muna ako sa kama habang nagpapatuyo ng buhok.

Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina. I thought James was going to stop me from leaving but he didn't. Kahit papaano kasi, kahit kaunti, umaasa pa rin ako. Kahit bilang best friend niya lang, pero hindi man lang siya nagpakita. Si Dylan ang nagpumilit na hanapin ako at dahil doon, nasaktan naman si Lyka.

Kailangan ko na talagang mag-move on. Pagod na akong maghabol sa taong hindi naman ako nakikita higit pa bilang kaibigan. Nakakasawang ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit na binabalewala niya lang 'yon. Oo, nakakapagod pero hindi ako nagsisising minahal ko siya. Kahit masakit, naging masaya naman ako kahit papaano.

Pinunasan ko naman ang luhang tumulo sa mga mata ko. Ni hindi ko man lang kaagad napansin na umiiyak na naman ako. Tama. Simula ngayon, dapat hindi na siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na malakas ako. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Siguro, hindi lang talaga siya ang lalaki para sa akin.

Nag-iwan na lang ako ng note sa table. Nilagay ko ro'n na nagpahangin lang ako sa labas dahil baka hanapin ako ni Lyka.

Lumabas ako sa bahay at naglakad papunta sa paborito kong lugar kapag malungkot ako. It was near a small lake and I accidentally discovered this place when I was crying because of him. I was walking towards it but I immediately halted and hid behind the tree when I saw his familiar back. Napatakip ako sa bibig ko at nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ko. Kakasabi ko lang kanina na hindi na ako iiyak, pero heto ako ngayon.

"Actually, the words you said earlier made my heart sunk," he said and for a second, I was confused.

D-don't tell me sinundan niya ako noong tumakbo ako mula sa coffee shop?

"Hindi mo lang alam kung gaano ako nahihirapan. Kahit gusto ko, hindi ko magawa."

I wanted to sob after hearing those words from her but I remained silent even if I couldn't breathe properly anymore.

"I finally got your favorite flower," he muttered while holding something and when I saw the bluish flower in his hands, I broke down. "Sasabihin ko na sana sa'yo lahat 'pag nakuha ko na 'to. Nakuha ko nga, ikaw naman ang nawala."

Nagtuluy-tuloy na ang luha ko nang maalala ko ang tungkol doon. I really like that flower ever since we were young but I couldn't get one because of its location. Nasa gilid kasi iyon ng lawa at 'pag nagkamali ka ng tapak ay malaki ang chance na mahulog ka ro'n.

"I'm a coward, aren't I?" he simpered. "I thought I could live without telling you my feelings. I thought I could protect our friendship despite hurting you but it was already too late when I realized what I have lost."

Para namang lumubog ang puso ko sa sinabi niya. Dahil doon ay unti-unti kong naunawaan ang side niya. He chose our friendship over our feelings and I realized I was selfish for pushing him too hard. Ni hindi ko inisip kung ano ang nararamdaman niya . . . kung ano ba talaga ako para sa kanya.

"Lumayo ako sa'yo, dahil simula palang, alam kong may gusto na sa'yo si Dylan. Ayokong masira ang pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa pagmamahal. Pero may taong nagpa-realize sa akin ng mga bagay-bagay. Si Lyka."

Si Lyka? Talaga?

"She made me realize a lot of things and thanks to her, I finally decided to be true to myself. Pero huli na ang lahat dahil wala ka na. Ni hindi ko alam kung babalik ka pa. Ang dami ko pang gustong sabihin sa'yo pero hindi ko na alam kung paano."

Natahimik siya at nakita ko ang pagtingala niya. I thought he was looking at the sky but when I heard his unstable voice, I realized he was trying to hold back his tears.

"Sorry, Mei," he said and that broke my heart even more. "Sorry for hurting you. Sorry for always rejecting you. Sorry for everything."

"I'm sorry, too, James," bulong ko habang pigil pa rin ang paghinga kahit ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko.

And as we both cried silently, we muttered the same words we desperately wanted to say to each other.

"I love you."


*** 

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon