"What? Ang bilis naman ng oras," reklamo ni Dylan. Halos tatlong oras na kaming nag-aaral at isinantabi ko muna ang pagdadrama ko para sa finals. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil may topics akong hindi pa rin ma-gets.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang sitwasyon nina James at Mei dahil nabasa ko ang pangalang James Watson sa Bio 1 notes ko. Nag-alala na naman tuloy ako sa dalawang 'yon. Kumusta na kaya sila? Nakapag-usap kaya ulit sila? Ano kayang naging desisyon ni James?
Ugh! Nawala tuloy ako sa concentration.
Ang weird kasi ng atmosphere sa pagitan nila. Ano kaya ang pinag-usapan nila sa coffee shop? Bakit tumakbo palayo si Mei habang umiiyak? Sinundan siya ni James pero wala namang ginawa ang lalaking 'yon. Parang ang bigat ng sitwasyon kanina kaya hindi ako nakialam pero ngayon, kinakabahan na ako.
Sakto namang nag-vibrate ang phone ko at mula kay James ang message kaya agad ko 'yong binuksan.
You're right, Lyka. I should've said my feelings to her. Now it's too late. She's leaving.
Bigla naman akong napatayo nang mabasa ko 'yon kaya tumingin sa akin si Dylan.
"O, ano, pagod ka na?" tanong niya habang nakatingala sa akin.
Nakahiga ako kanina habang nag-rereview. Inalis na muna namin ang harang sa kwarto tapos naglatag kami sa gitna. Nakahiga ako samantalang siya ay nakadapa sa gilid. Kumunot ulit ang noo niya sa akin dahil hindi ako mapakali.
"Nasi-CR ka ba?" tanong niya kaya sinipa ko siya. "Aray! Inaano kita? Seryosong tanong 'yon!"
"Ewan ko sa'yo," sabay punta ko sa cabinet at kumuha ako ng jacket.
"Teka, lalabas ka na naman? Saan ka pupunta? Gabi na—"
Hindi ko na siya pinatapos at hinatak ko na rin siya. Mukha namang hindi niya 'yon in-expect dahil natahimik siya pero makalipas ang ilang segundo ay napatigil ako dahil huminto siya.
"Anong meron? Tapos ka na ba mag-review? Hindi pa ako tapos," reklamo niya naman.
"Anong nakain mo at GC ka yata ngayon?" tanong ko dahil dati naman ay wala siyang pakialam kung mababa o mataas ang makuha niya sa quizzes at exams basta raw pasado.
"Finals na kaya dapat magseryoso," sagot naman niya at hindi ko na lang siya pinansin.
Pinagpatuloy ko ang paghila sa kanya kahit na ang lakas niya. Buti na lang ay alam ko kung saan ang critical parts ng katawan kaya nagagawa ko siyang pasunurin kapag binabalak niyang tumakas.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya habang hila-hila ko siya palabas ng taxi. Andito na kasi kami sa airport at madilim na!
"Quarter to eight. Teka saan ba tayo pupunta? Hoy bata pa ako!"
I grimaced at him and I almost hit him when he covered his upper body with his hands. Ang kapal ng mukha.
Sakto namang may dumaang taxi kaya pinara ko 'yon at tinulak ko si Dylan papasok sa loob. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong tawagan si James pero hindi naman siya sumasagot.
"Try mo nga ulit tawagan si Mei," sabi ko kay Dylan at naging seryoso naman ang mukha niya.
"Bakit? Ano bang meron?"
"Basta!" I exclaimed.
Sinunod naman niya ang sinabi ko at tinawagan niya ang number ni Mei pero tulad kanina ay unattended din siya. Tumingin ulit sa akin si Dylan at medyo natakot ako dahil parang iba ang pagka-seryoso niya ngayon.
"Tell me the truth," he demanded. "Anong nangyayari, Lyka?"
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya at ayaw ko rin 'yong makita.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Roman pour AdolescentsLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...