Lyka's POV
"Do you like me?"
Napatigil kami ni Dylan dahil sa tanong ni Mei at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Mas lalo lang akong kinabahan dahil ang dami nang nagtitinginan sa direksyon namin. Eh paano ba naman, nandito 'yung dalawang heartthrobs "daw" ng campus.
Tinignan ko si Dylan at halatang cornerned siya. Napatingin siya kay James at nag-peace sign naman siya kay Dylan. Okay, ano bang nangyayari rito? Para tuloy akong sira roon na epal at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pero bakit ko ba sila inaalala? May sarili rin pala akong problema. God. Kanina pa ako nahihilo. Ano bang problema ng katawan ko ngayon?
"Dylan. Answer me," mariing sabi ni Mei. Bakit pa ba niya tinatanong 'yun? Hindi pa ba obvious?
Nakita ko namang huminga nang malalim si Dylan. Oh my God. Don't tell me magcoconfess siya sa kanya sa harap ng maraming tao? Gumagawa ba sila ng movie?!
"Mei, wala akong gusto sa'yo..." Sabi na nga ba. Napakatorpe ng lalaking 'to! Napakunot naman ang noo ko nung bigla niyang binaling ang tingin niya sa akin. "...pero sa kanya, meron," bigla niyang sabi at saka niya ako hinatak. The next thing he did made me dizzy and frozen.
He kissed me on my forehead.
WHAT THE HECK?!
Matapos ng ginawa niya ay hinatak niya ako palabas ng canteen. Hindi ko alam kung bakit o paano pero nagawa ko pang lumingon sa kanila at nakita ko si Mei na nakatulala, habang si James naman ay pinapaupo siya. Nang makalabas kami ay tumingin ako nang masama kay Dylan at hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Ano bang drama mo?! Ang sak—"
"Shut up!"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsigaw niya. Mukhang galit na galit siya. Aba, hindi ba ako ang dapat magalit? Anong karapatan niya para halikan ako?! At isa pa, ang sakit na ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak niya. Ang malala, 'yung sa bandang sugat ko pa ang hawak niya ngayon. Gusto kong magreklamo pero nakakatakot siya ngayon.
Nagsimula ulit siyang maglakad at hindi niya binitiwan ang kamay ko. Napapagod na ako at lalo lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Nagugutom na rin ako. Ni hindi man lang ako nakakain dahil sa nangyari sa canteen. Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na rin siya sa paglalakad. Sa wakas!
Pagkabitiw niya sa kamay ko ay napaupo ako sa damuhan. Ngayon ko lang narealize na nasa open field pala kami. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako sa bilis ng paglalakad niya. Ang hirap huminga.
Nakita ko namang humarap si Dylan sa puno pero halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sumunod niyang ginawa.
"Fvck!" sigaw niya sabay suntok doon sa puno.
That was the last straw. Tinignan ko ulit siya nang masama dahil sa mga pinaggagawa niya.
"May balak ka bang patayin ako, ha, Dylan?!" Nakuha ko naman ang atensyon niya. "Bwisit ka!" sigaw ko at kita ko naman ang iritasyon sa mukha niya.
"Pwede ba Lyka—!"
Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit 'yun at nagsimula nang umikot ang paningin ko. Doon ko lang napansin na napatigil din siya sa pagsigaw niya. Hinawakan ko nang mahigpit 'yung damo sa harapan ko dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako.
"W-what's happening? Teka, dumudugo yung sugat mo!" sigaw niya at lumuhod naman siya para maging kalevel ko. Ni hindi ko namalayang may dugo na sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...