Nakatulala lang ako doon sa salamin sa banyo at unconsciously ay napatingin ako sa lips ko. Naalala ko na naman ang nangyari kaya nagpapadyak ako doon.
"Yuck! Ugh! Kainis!"
Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, bakit 'yun pa?! Nakakairita talaga! Nagtoothbrush tuloy ako nang wala sa oras pero mas kinuskos ko ang labi ko. Halos mamanhid na nga sa sobrang kuskos ko, eh.
"Hoy, Lyka! Matagal ka pa ba dyan? Dalian mo maliligo pa ako!" Kita mo 'to. Parang walang nangyari! Teka, bakit ba parang ako lang ang affected dito?!
"Gabi na maliligo ka pa? Matagal pa ako dito!"
"Paki mo ba? Naiinitan ako eh! Dalian mo!"
Kumatok pa siya nang malakas to the point na parang mawawasak na 'yung pinto. Kulit nito ah! Kitang may tao pa rito sa loob!
"Eh 'di tumapat ka sa electric fan! Dun ka na nga! Istorbo ka eh!" Bigla namang kumalabog 'yung pinto at hindi ko alam kung sinuntok niya ba 'yun o sinipa. Tss.
Kainis! Lalo lang akong hindi makapagmove on sa nangyari! First kiss ko 'yun. First. Kiss. Nasayang lang dahil sa kanya!
Hoo! Lyka, kalma. Okay, ganito na lang. Past is past. Wala na. As in nangyari na. Move on na, Lyka. Okay, I'm fine.
Lumabas na ako ng banyo at natapos na ang counselling ko sa sarili ko. Kumalam ang sikmura ko at naisipan kong kumain na lang para mabawasan ang stress ko. Nagsandok ako ng kanin at kumuha na rin ng ulam. Akmang susubo na ako nung biglang...
...may humawak sa binti ko.
"Lyka!"
"Pak-yu!"
Muntik na akong tumumba sa upuan ko dahil sa nangyari. At ang nakakainis pa, tumawa lang nang tumawa si Dylan habang lumalabas siya sa ilalim ng lamesa.
"Walanghiya ka! Papatayin mo ba ako?!"
"Gumaganti lang. Ayaw mong lumabas sa banyo, eh. Pero makakaligo na pala ako. Sige!" tapos tumakbo siya papasok sa banyo.
Nakakainis yun! Napaka-isip bata! Sinong matinong tao ang magtatago sa ilalim ng lamesa at biglang hahawakan ang paa mo para lang gumanti sa hindi ko paglabas sa banyo? Jusko buti wala akong sakit sa puso. Napamura tuloy ako nang di-oras.
Binilisan ko naman ang pagkain ko at gusto ko nang matulog dahil nababadtrip ako sa mga nangyari at maaga pa ang klase ko bukas. Kaya naman na niya sigurong kumain ng mag-isa 'di ba?
Pagpasok ko sa kwarto ay humilata agad ako sa kama at agad akong nakatulog.
***
Nagising ako dahil bigla akong nilamig. Pagtingin ko sa oras ay 4:30 AM pa lang. Kahit masyado pang maagad ay bumangon na ako at naligo para magising ang diwa ko. After that, magluluto na sana ako ng kakainin ko pero naalala kong si Dylan pala ang nakatoka para sa pagluluto ngayon.
Sinilip ko siya sa kwarto at tignan mo nga naman ang kumag na 'to, ang sarap pa ng tulog. Napaka-tulog mantika talaga. Lalapit na sana ako para gisingin siya pero bigla kong naalala ang nangyari kahapon kaya napaatras ako at napahawak sa lips ko.
Oh my God, erase! Huwag mo nang alalahanin 'yun, Lyka!
Lumabas ako sa kwarto at kinuha ko ang walis-tambo para ipanggising sa kanya. Pumasok ulit ako sa kwarto at pumosisyon sa gilid niya.
"Hoy señorito, bumangon ka na po!"
"Gumising ka na, magluluto ka pa!" This time, 'yung tambo na ang kinuskos ko sa katawan niya pero lintek, ayaw pa ring bumangon. Tadyak-tadyakan ko kaya 'to? Tignan ko lang kung hindi pa siya magising.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...