Lyka's POV
Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero wala na agad akong magawa. Nabo-bore ako rito sa bahay at wala naman akong mapagtripan dahil nasa trabaho pa si Kuya.
Kumusta na kaya sina Mei at James? Sana naman nagkaayos at nagkaintindihan na ang dalawang 'yon. Ang dami pa kasi nilang pagliko, sila rin naman ang end game at mahal nila ang isa't isa.
Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at napagdesisyunan kong maligo nang maaga. Tinext ko na lang si Kuya na baka hindi niya ako maabutan sa bahay dahil gagala ako. Nakakatamad na kasi talaga rito sa bahay.
Nagpunta ako sa mall at feeling ko ay first time ko ulit makapasok dito. Ang tagal na rin kasi simula noong huli akong gumala, lalo na't puro campus at unit lang ang napupuntahan ko noong nakaraang sem. Ang layo rin kasi ng mga mall doon kaya nakakatamad.
Pagpasok ko ay nag-window shopping lang ako. Wala rin naman akong pera para bumili dahil naubos ang allowance ko at hindi na ako binigyan ni Kuya dahil sembreak naman daw. Pumunta ako sa clothing shops at nagtingin-tingin ng magagandang damit pero 'pag nakikita ko ang presyo ay binibitiwan ko kaagad. Jusko, sobrang mamahal, eh parang pareho lang naman ng tela sa mga binebenta sa tiyangge.
Dahil wala naman akong mabibiling damit sa perang dala ko ay pumunta na lang ako sa McDo. Bumili ako ng McFloat, burger at fries pagkatapos ay dumiretso sa pinakadulong table at sa dalawahan lang para maliit ang chance na may makiupo. Kumakain na ako nang napalingon ako ro'n sa malapit na table dahil kamukha ni Kuya 'yong lalaki at—wait, hindi ba si Kuya talaga 'yon?!
Naubo ako dahil nalunok ko 'yong yelo kaya napatingin sa akin si Kuya at nanlaki rin ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahang makita ako rito.
"Lyka!" Tumakbo siya papunta sa akin at pinalu-palo ang likod ko.
Sa kabuting-palad ay lumabas ang yelo sa lalamunan ko. Akala ko talaga mamamatay na ako kanina. Nakakahiya kung gano'n pa ang paraan ng pagkamatay ko.
"Ano, baka may yelo pa?" sabay taas niya ng kamay niya para paluin ulit ang likod ko pero sinamaan ko kaagad siya ng tingin kaya tumigil ang loko.
"Ang sakit no'n, ha?!" Hinawakan ko naman ang likod ko dahil feeling ko namumula na 'yon.
"Ikaw na nga 'tong tinulungan," sagot niya pa kaya tumayo ako para takutin siya pero napatingin naman ako bigla sa babaeng nasa likuran niya.
"Uhm . . ."
Mukhang nakalimutan din ni Kuya na may kasama siya at gusto kong tawanan ang pagmumukha niya. Lumapit siya ro'n sa babae at ibinaba ko naman ang kamay ko. Nahiya tuloy ako bigla. Mukha kaming mga bata kanina.
"Oo nga pala, Lyka, this is Catherine . . . girlfriend ko. Cath, this is Lyka, my younger sister."
W-wait . . . what?!
Napanganga ako nang marinig ko 'yon dahil hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang girlfriend niya. Ayaw niya pa ngang ipakilala sa akin dati kasi raw baka awayin ko at laiitin. So, saan banda ang kalait-lait sa kanya? At ang pinakamalaki kong tanong, paano nabingwit ni Kuya ang isang 'to? Ginayuma niya ba si itong si Ate Catherine? Bakit siya nagkagusto kay Kuya? Seryoso ba siya?
"Hi, Lyka," bati niya habang nakangiti at nag-blush naman ako. Ang ganda niya talaga. Nakakahiyang tumabi sa kanya.
Pinaupo naman nila ako sa table nila at sabay-sabay na kaming kumain. Habang nag-uusap sila ay napapatingin na lang ako kay Kuya dahil lagi siyang nakangiti. He never had the chance to date when he was still studying because of me. He had to take care of me by being a working student and seeing him happy with someone gave me some reassurance.
"Lyka, gusto mong mag-shopping?" biglang tanong ni Ate Catherine at hindi ko napigilan ang expression ko pero agad din 'yong nagbago dahil naalala kong wala akong pera.
"Ah, kasi po—"
"Don't worry, my treat," sabay ngiti niya.
"Are you bribing her?" tanong ni Kuya sa kanya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kind of. Effective naman, eh. 'No, Lyka?"
In fairness, ang bait niya at magaan ang loob ko sa kanya. Mukhang hindi na kailangang kabahan ni Kuya dahil hindi ko naman aawayin si Ate Catherine. Boto na ako sa kanya!
Pagkatapos naming kumain ay naglibot kami sa mall at pinilian ako ni Ate Catherine ng mga damit. Pinipigilan ko naman agad siya 'pag masyadong mahal 'yong mga pinagkukuha niya dahil nakakahiya. Pagtingin ko naman sa likuran ay binelatan ko si Kuya dahil hindi niya masolo si Ate. Pfft. Akala mo ha?
"Ikaw ba, Lyka, may boyfriend ka na?" tanong niya habang namimili siya ng dress at naubo naman ako. Ang nakakainis, biglang tumawa nang malakas si Kuya sa likuran namin kaya tinignan ko siya nang sobrang sama.
"Naku, Cath, brokenhearted 'yan ngayon," dagdag niya pa. Yari talaga 'to sa akin pag-uwi. I-a-arm throw ko siya!
"Oh, sorry. Hala."
"Okay lang, Ate. Huwag mong pansinin 'yang Adrian na 'yan. OA lang makakwento."
"Gano'n ba? May ipapakilala ako sa'yo, gusto mo?"
Ngumiti naman siya sa akin at hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin. Ayaw ko namang makipagkilala sa lalaking wala naman akong alam at isa pa, hindi ko naman kailangan. Pwede naman akong magmove-on sa lalaking 'yon nang walang ibang taong involved.
"Ah, Ate, hindi na po—"
"Please?" she pleaded. "Kahit meet lang kayo once. Mabait naman 'yon at gwapo pa. Actually, second degree cousin ko siya."
"Pero po—"
"Malungkot din kasi ang isang 'yon ngayon. Ayaw lumabas ng bahay. Hindi namin alam kung anong nangyari dahil hindi naman nagkukwento. Sabi ko, baka kailangan lang ng ibang makakausap ni Andy."
"Andy?"
"Name niya," saka siya ngumiti.
Habang nagsha-shopping kami ay nagkwento pa si Ate Cath tungkol kay Andy at kahit papaano ay nagiging interesting ang tingin ko sa kanya. Naging tagabitbit din namin si Kuya kaya tinatawanan ko siya 'pag nagkakatinginan kami.
Pagkatapos no'n ay hindi ko na alam kung paano napunta sa meet-up namin ang usapan at bigla na lang siyang nag-set ng date. Ang alam ko lang, magkikita kami sa isang araw. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napapayag ni Ate Cath. Masyado akong nadala sa mga kwento niya. Pero, okay na rin siguro 'to. Baka kailangan ko rin ng ibang makakausap, 'yong walang koneksyon sa akin, para ilabas lahat ng sama ng loob ko.
I hope he can help me. Andy, huh?
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...