Bigla akong nagising sa hindi ko malamang kadahilanan at doon ko lang narealize na nakatulog ako. Inalala ko ang huling nangyari at bumalik ang inis ko nung naalala kong nakakulong ako sa banyo. Pero wait...bakit nasa kwarto na ako? Paano?!
Bumangon agad ako pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa braso ko at pagtingin ko ay may benda doon. What the heck? Anong nangyari? Sa pagkakaalala ko, nakatulog ako sa banyo. Nalaglag ba ako? Nagasgas ba ang kamay ko?
So...si Dylan ba ang naglagay nito? Well, kasalanan niya naman in the first place!
Dahil nakaramdam na ako ng matinding gutom ay tuluyan na akong bumangon. Pero bago ako lumabas ng kwarto ay sinilip ko pa si Dylan sa kama niya at tulog na tulog na ang loko. Tss. Pagpunta ko ng kusina ay kumain ako kaagad pero ang nakakainis ay medyo wala na akong gana. Siguro dahil nalipasan na ako ng gutom.
After kong kumain ay bumalik agad ako sa kwarto at sinilip ko siya ulit. In fairness, hindi siya mukhang sutil kapag tulog. Sana lagi na lang siyang tulog. At least cute siya-ay wait! Kelan ko pa natutunang pagsamahin ang cute at Dylan? Yuck!
Feeling ko dahil nahihilo lang ako. Gusto ko na ulit matulog kahit halos kagigising ko lang.
"Ang sakit talaga ng braso ko," bulong ko habang pahiga na at napatigil ako nung narinig ko ang boses ko. Hala ka ang pangit! Ano ba 'yan bakit ako sinisipon? Dahil ba natulog ako sa banyo?
Hayaan na nga. Matutulog na ako.
***
JAMES' POV
Tumambay ako sa open field dahil ang aga kong nagising at 7 AM pa ang klase ko. Umupo ako at sumandal sa puno. Naalala ko tuloy si Lyka. Galit kaya siya sa akin? Dapat ba sinabi ko na sa kanya nung una kaming nagkita na ako ang dating best friend niya?
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga nangyari. Naalala ko bigla ang kabataan namin.
Siya lang ang kaibigan ko sa apartment complex na tinutuluyan dati ng pamilya ko dahil kami lang ang magka-edad doon. Masaya kaming dalawa kahit na kami lang ang magkaibigan sa lugar na 'yun. Pero nung 9th birthday ko, nagulat na lang ako nung nakaimpake na lahat ng gamit namin at doon ko lang nalaman na lilipat na pala kami. Ni wala man lang sinabi sina Mommy sa akin at umagang-umaga ay sinabi niyang aalis na kami sa lugar na 'yun. Dahil bata pa ako nun ay wala akong nagawa. Gusto kong puntahan si Lyka noon pero kailangan na naming umalis kaya naman umiyak lang ako nang umiyak nung nasa bagong bahay na namin kami. Ilang linggo ko ring hindi kinausap si Mommy dahil sa ginawa niya pero pagkatapos nun ay nakilala ko doon sa subdivision sina Mei at Dylan, at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin na umabot hanggang ngayon.
"James!"
Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan nung narinig ko ang boses ni Mei. Pagtingin ko, palapit na siya rito sa ilalim ng punong tinatambayan ko ngayon.
"Mei," sabay ngiti ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko.
Tahimik lang kami doon habang naghihintay sa kanya-kanya naming klase dahil ang aga ko na namang pumasok ngayon. Mamaya pang 7 AM ang klase ko at may 30 minutes pa akong hihintayin.
"James?" Nilingon ko naman si Mei at nakita kong seryoso ang itsura niya.
"Hm?"
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...