Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" sabay tingin niya sa kabilang side. "Dapat 'di ko na lang sinabi eh," bulong niya pa pero naririnig ko naman.
"Okay lang 'yan," sabi ko. "Buti ka nga meron eh." Bigla naman siyang tumingin sa akin na para bang naguguluhan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ako nga isa lang eh." Napatigil ako dahil naaalala ko na naman siya. "Nawala pa," I mumbled.
"Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagjojoke?" tapos sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo."
Aba talaga naman! Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang isang 'to? Tsk. Dahil sa utang ko sa kanya napipilitan akong sumama at makipag-usap.
"Anyway, P4840 na lang ang utang ko sa'yo. Sige," sabay tayo ko at kinuha ko na ang gamit ko.
Dumiretso ako sa next class ko, which is Philosophy, kaso nga lang may 30 minutes pa before magstart ang class. Umupo ako doon sa mga upuan sa gilid ng lobby at napagtripan ko ang mga halaman. Pinupunit ko 'yung mga dahon hanggang sa mabore na ako at 'yung ballpen ko na lang ang pinaglaruan ko.
Nung 10 minutes na lang before the time ay umakyat na ako sa 3rd floor kung saan ang room namin. Pagdating ko, nandoon na si Dylan at hindi ko man lang siya nakita na umakyat kanina. Siguro dahil busy ako sa pagkalbo sa mga halaman at ngayon ay naguiguilty na ako.
Umupo ako sa likuran niya dahil doon ang upuan ko. Pinagsulat naman kami ng prof namin ng essay. Ayoko pa namang nagsusulat ng essay dahil hirap akong i-express ang opinions ko sa certain topics namin. Lalo pa akong nainis dahil nang-aasar 'tong Dylan na 'to. Paano ba naman ay nagsulat siya sa isang papel ng P4840 at hinulog sa harap ko. Kapag talaga ako nagkapera, ihahampas ko sa kanya 'yung utang ko.
Matapos ang isang buong araw ay umuwi ako kaagad. Naglalakad ako papunta sa apartment nung may napansin akong kanina pa nakasunod sa likuran ko. Paglingon ko, si Dylan pala. Huminto ako at hinarap ko siya.
"Ano bang problema mo, ha?"
"Ha? Pinagsasabi mo?" sabay kunot niya sa noo niya.
"Bakit ka sumusunod?"
"Bakit kita susundan? Pauwi na ako at dito ang bahay ko." Bigla niya akong nilagpasan at pumasok sa gate ng apartment.
Oh no. Don't tell me...
Nagmadali rin akong pumasok sa gate at tumakbo ako paakyat sa hagdan hanggang sa maabutan ko siya.
"T-teka...dito ka nakatira?!"
"Oo. Sa 8th unit. Bakit ba?"
"No way." Napasandal ako sa pader habang hinihintay na magsink-in ang sinabi niya. Putek. Sa lahat ng apartment, bakit dito pa? At sa lahat ng unit, bakit dito pa?!
"Teka, h'wag mong sabihing..." sabay turo niya sa katabing pinto.
"Ugh!"
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...