Inabot na kami ng dilim sa bahay kaya nagpaalam na sa akin si James at makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Dylan.
At si Mei.
Hindi ko alam pero medyo hindi ko gusto ang set up na 'to. Wala namang ginawang masama sa akin si Mei pero naiinis ako sa mga kinikilos niya.
Sisilipin ko sana kung anong ginagawa at pinag-uusapan nila sa sala pero baka isipin nila ay tsismosa ako kaya nag-stay na lang ako sa kwarto.
Hay. Ewan. Ang weird ko ngayon.
Balak ko sanang magsulat sa post-it notes pero hindi ko 'yon natuloy dahil biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko, tumatawag pala si James.
"O, James! Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya.
"Wala―"
"Ha?"
Tinignan ko naman ang phone ko at pinakinggan ko ulit ang boses niya pero ang choppy talaga.
"Teka lang," sabi ko naman. "Lalabas lang ako. Choppy ka."
Bakit ba walang signal dito sa kwarto? Epal naman.
Tumayo ako at binuksan ko ang pinto para lumabas. No'ng nasa sala na ako, nakatingin silang dalawa sa akin.
What? May ginawa ba ako? May dumi sa mukha ko? Masama na bang dumaan dito?
Hindi ko na lang sila pinansin at tuluy-tuloy akong lumabas sa bahay para makipagkwentuhan kay James.
***
Mei's POV
Dylan invited me to his unit and he told me that he's living with Lyka. Syempre, nagulat ako dahil una, hindi niya kaagad sinabi sa akin at pangalawa, babae si Lyka. Kung hindi niya pa nga sinabi ay hindi ko rin talaga malalaman dahil hindi naman halata na nakatira sila sa iisang bahay.
Ang weird pa rin sa pakiramdam na kami na ni Dylan. Bwisit kasing James 'yan. Bakit ba kasi siya ang nagustuhan ko? At bakit kasi hindi niya ako gusto?
Hay. Okay, Mei. Tama na 'yan. I need to move on from him. I'm with Dylan now so I should do my best to make him happy.
Medyo naguilty lang ako dahil kami ang magkasama ngayon pero si James pa rin ang iniisip ko.
That James . . . Paasa! Manhid! Pa-fall!
Napailing na lang ako dahil gusto ko na siyang tanggalin sa isip ko. Buti na lang at nagkukwento si Dylan ng kung anu-ano kaya nada-divert sa iba ang isip ko.
Napatingin naman ako ro'n sa kwarto nila dahil may narinig akong kaluskos sa loob.
"Hey Dylan," tawag ko at tumingin naman siya. "Anong tingin mo kay Lyka?"
Napakunot naman ang noo niya pero mukhang napaisip din siya.
"She's a loner," he said. "Pero para siyang tigre at tuwing tulog lang siya nagiging babae. Bakit mo natanong?"
"Ah. Wala lang," I said while flashing a smile.
Napunta naman ang usapan namin sa cakes dahil tinanong niya kung ano ang favorite dessert ko pero nawala ang focus ko nang marinig ko ang boses ni Lyka.
"O, James! Bakit ka napatawag?"
Hindi ko tuloy alam kung malakas lang ang boses ni Lyka o biglang lumakas ang pandinig ko dahil si James ang kausap niya. Somehow, I was curious about their conversation and I felt a bit jealous. Sabagay, siya ang unang best friend ni James. Nauna siya sa buhay niya kaysa sa amin ni Dylan.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...