James...
After that incident, napalingon ako sa likuran at napatakbo agad ako sa loob ng canteen dahil mukhang papatay ang itsura ni Dylan.
"Lyka! Dylan! Dito tayo!" sigaw ni Mei na nasa bandang kanan kaya naman lumapit agad ako sa kanya. Nagpresinta na ako na magbabantay ng gamit namin kaya naman pumila na siya kaagad, pero pagdating ni Dylan sa table ay naramdaman ko kaagad ang masamang aura niya kaya naman napatayo na rin ako at sa kanya ko na lang iniwan ang mga gamit.
Pagkatapos naming umorder, saka ko lang napansin na ako lang ang naka-rice meal habang silang dalawa ay macaroni spaghetti lang. Diet?
"Wala ka na bang break, Lyka? Bakit rice meal ang inorder mo?" tanong sa akin ni Mei.
"Wala na, eh."
"Di ba may break ka after Biology?" sabi ni Dylan habang kinakain niya 'yung spaghetti. Epal talaga 'to.
"May gagawin kasi ako."
"Weh?"
Huminga na lang ako nang malalim at hindi ko na siya sinagot dahil nakakahiya namang mag-away kami sa harapan ni Mei. And speaking of nakakahiya, napayuko ako dahil sa tinanong ko kanina. Kaya naman habang busy si Dylan sa pagcheck ng phone niya at pagkain ay kinalabit ko sa hita si Mei at napatingin siya sa akin.
"Sorry ulit," mahina kong sabi at ngumiti naman siya.
"Okay lang. First time kong may mapagsabihang babae tungkol sa crush ko."
Bigla naman akong nacurious sa sinabi niya. Hindi kaya magkatulad kami? Pero nakakahiya nang magtanong after nung kawalanghiyaan ko kanina.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa. Nag-uusap lang sila tungkol sa kung anu-ano pero halatang-halata mo na super close sila. Bigla tuloy akong may naalala. Nakakamiss lang na magkaroon ng best friend.
"James..."
Nagulat ako nung bigla kong nasabi ang pangalan na 'yun kaya napatakip ako ng bibig. Dahil nakatingin sa akin si Mei na para bang nagtatanong ay napilitan akong sabihin kung bakit ko nasabi 'yun.
"S-sorry. James kasi 'yung pangalan ng best friend ko," sabay napayuko ako at mahinang sabi ng, "dati."
"Ah, kaya pala. That explains your expression a while ago. Napansin ko kasing medyo nagulat ka nung sinabi ko ang pangalang James." Ngumiti na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot.
Nagulat naman ako nung bigla siyang nag-giggle. Nacurious ako kung bakit pero nahihiya na akong magtanong, pero bigla naman siyang nagsalita.
"You know what? Ngayon lang ako nakipagkwentuhan ng ganito sa isang babae."
"H-Ha?" Bigla naman siyang natawa habang ako ay 'di makapaniwala.
"Yup. Paano kasi, dalawang guys ang best friends ko. Plus, malalakas pa ang appeal," sabay tingin niya kay Dylan at nagpa-cool naman ang loko. Wow. Feel na feel. As if! "So maraming naiinggit na girls sa akin at minsan ay inaaway nila ako. Kaya wala rin akong makausap na girls dahil sa kanilang dalawa, pero enough na ang company nina James at Dylan para sa akin."
"Wait. James?"
"Yeah. He's also my best friend." Wow. May crush siya sa best friend niya at very vocal siya about doon? Strong.
"That must be tough."
"True. Pero ayos din kasi para silang knights in shining armor kapag kailangan ko ng tulong."
BINABASA MO ANG
7th Unit
Fiksi RemajaLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...