Chapter 3

196K 4.4K 272
                                    


"Oh my God, no way!"

"Ayaw ko rin namang maging classmate ka, kaya wag kang mag 'no way, no way' diyan," sabi niya at talagang ginaya niya pa 'yung boses ko. "At pwede ba, bitiwan mo 'yung braso ko?"


Natakot ako sa tingin niya kaya napabitaw ako ng 'di oras. Kainis na schedule 'to! Bakit ba classmate ko na naman siya? Ang malas-malas ko na simula nakita ko siya. Saka ko lang narealize na nasa tapat na kami ng room.


"O, akin na 'yung sukli ko."


Wala naman siyang sinabi at binigay lang sa akin 'yung pera tapos pumwesto doon sa pinakalikod. Pagtingin ko, 140 'yung nasa palad ko. So P4940 na lang ang utang ko sa kanya. Pero ang laki pa rin nun.


Gusto ko sana sa likod umupo kaso baka isipin ng taong ito na sinusundan ko siya. Hah! As if. Pero nakakainis dahil sa harapan na lang ang vacant seats. Ayoko pa naman sa harapan.


Buong araw ay puro orientation lang ang nangyari sa lahat ng subjects na pinasukan ko. Ang nakakainis lang...he's my super classmate! Almost, I mean. Buti at 'di ko siya kaklase sa Chemistry. Kaso, magkatabi lang kami ng classroom. Napakagandang panimula ng school year. Bwisit.


Pagkauwi ko sa bahay, naramdaman ko kaagad ang pagod kahit wala namang masyadong ginawa. Humilata agad ako sa kama at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako bandang 2:30 AM at hindi na ulit makatulog. 'Di pa rin talaga ako sanay sa apartment na 'to.


Nagbasa na lang ako ng mga sinulat kong requirements sa bawat subject at nagpalipas ng oras. Nag-prepare na rin ako ng breakfast ko tapos nag-ayos na rin. Nakapagdesisyon naman ako na maglakad-lakad na lang at hintayin ang una kong klase. Dumiretso ako doon sa may mga bench malapit sa Engineering Complex. Ang sarap pala ng simoy ng hangin dito kapag madaling araw. Pagtingin ko sa relo ko, 5 AM pa lang. Ang aga pa! Pinikit ko muna yung mata ko para ma-relax ang isip ko.


Pagdilat ko, saka ko na-realize na nakatulog pala ako. Tinignan ko kaagad 'yung relo ko dahil baka late na ako. Buti na lang at 6 AM pa lang. Pero in fairness, nakatulog ako ng isang oras dito.


"Hey, next time don't just sleep here."


Napaatras ako nang todo nung may narinig akong boses kaya nahulog ako sa bench. Pagtingin ko, may lalaking nakaupo doon sa bench. Tumayo siya bigla at tinulungan niya akong tumayo. Inalalayan niya ako sa pag-upo sa bench at nakita kong nakangiti siya. Nakakahiya! Feeling ko pinagtatawan niya ako deep inside!


Pero napansin ko ring parang foreigner siya. Mukhang may lahi ang isang 'to. Cute din dahil ang lalim ng dimples niya. Baka hindi 'to nakakaintindi ng Filipino dahil in-english niya ako kanina.


"Nakakaintindi ka ba ng Filipino?" Kumunot naman 'yung noo nya. Mukhang hindi nga! "Buti naman. Buti at 'di mo ko maiintindihan!" Lalong kumunot ang noo niya kaya naisipan ko siyang pagtripan. Aba minsan lang ako maka-encounter ng gwapong foreigner, lubus-lubusin na.

"Bakit ka pala nandito? Nakita mo ba akong natutulog? Binantayan mo ba ako? Hmm...pero ang cute mo ha. I mean ng dimples mo." Bigla naman siyang nagsmile. Oh my, baka naintindihan niya 'yung sinabi ko dahil sa cute at dimples!

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon