Chapter 23

115K 2.8K 132
                                    


Parang si Dylan.

Ang lapit-lapit namin sa isa't isa pero ang totoo ay sobrang layo niya. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya at ang hirap niyang abutin. O baka naman, natatakot lang akong abutin.

Hay. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagkagusto sa kanya kung kailan sila na ni Mei. Pero kahit naman dati ko pa malaman, wala pa rin akong laban. They've known each other for nine years and he likes her ever since they were young.

"Huy!"

"Ay kabayo!"

Napahawak ako sa railings dahil sa gulat kaya tinignan ko nang masama si James habang pinipigilan ang pagtawa niya. Magkaibigan nga talaga sila ni Dylan dahil pareho silang may saltik sa utak. Balak ba nilang patayin ako sa gulat ngayong araw?!

"Kabayo? Ako?" sabay turo niya sa mukha niya.

"Ewan ko sa'yo."

"Bakit kasi ang seryoso ng tingin mo sa langit? Huwag mong sabihing iniisip mo si Dylan?"

Balak ko sanang itanggi pero hindi ako nakapagsalita agad. Ngumiti siya nang nakakaloko at umiwas naman ako ng tingin.

"Iniisip mo nga," sabay gulo niya sa buhok ko.

"Hindi na."

Sumandal naman ako sa railings at tumingin nang seryoso kay James. Hindi pa naman gano'n kalalim ang nararamdaman ko kaya pwede ko nang pigilan ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Ayaw kong masaktan kaya mas mabuting itigil ko na 'to habang maaga pa. Pero si James, paano naman siya?

"Ayos lang ba talaga sa'yo na mapunta si Mei kay Dylan?" tanong ko at bakas sa mukha niya ang lungkot kahit nakangiti.

"Mahal ni Dylan si Mei simula noong mga bata pa kami."

"Pero mahal mo rin siya."

Pagkasabi ko no'n ay hindi siya nakasagot at tumingin din siya sa langit kaya gano'n din ang ginawa ko.

"Oo pero marami nang nangyari. Ayoko nang guluhin kung anuman ang sitwasyon ngayon. They're together and it they're happy, then I should also be happy for them."

Tinignan ko ulit siya pero this time, para sabihin sa kanya kung ano ang mali niya.


***

JAMES' POV


"Do you think they're really happy?" Lyka suddenly asked, her eyes focused on me. Hindi agad ako nakasagot kahit na alam kong alam naming pareho ang totoo.

"They are trying."

"How can they be truly happy if both of them are thinking about you? Si Mei, sigurado ako na ikaw pa rin ang mahal niya. She's just using Dylan for her to move on. Oo, may chance na matutunan niyang mahalin si Dylan pero hindi 'yon magiging madali lalo na't palagi pa rin kayong nagkikita. Si Dylan naman, alam niyang may gusto si Mei sa'yo at pakiramdam ko ay alam niya ring may gusto ka kay Mei. Maybe he's just risking everything for this chance pero siya ang pinakamasasaktan dito."

Nagulat naman ako nang biglang may tumulong luha sa pisngi niya.

"Lyka . . ." I called and she wiped off the tears. "Why are you crying?"

"I've seen people in pain for years, James. Simula nang mamatay ang parents namin, si Kuya na ang tumayong magulang ko. He was hurt and devastated but he couldn't show it because of me. And now, looking at the three of you reminds me of that time. You guys are trying to hide your pain but I can see through all of you."

Niyakap ko naman siya at nagtuluy-tuloy ang pag-iyak niya. Her words seemed harsh sometimes and her strength could make guys cry but beneath her tough image, there's a scarred girl who's trying to conceal her agony. We tried hiding our pain, she saw it, and it ended up hurting her.

"I'm sorry," bulong ko sa kanya.

"Nakakainis kayo."

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon. Humiwalay naman siya sa akin para bumaba at uminom ng tubig kaya sinundan ko siya pero nang pababa na siya ng hagdan ay hindi niya nakita ang huling baitang at nalaglag siya.

"Lyka!"

Tumakbo ako papunta sa kanya at nakita kong nagdudugo ang tuhod niya. Kanina pa siya nagpipigil ng iyak pero mukhang dahil sa pagkakadapa niya ay nagtuluy-tuloy na 'yon at pilit niyang sinasabi na masakit ang tuhod niya kahit na alam kong hindi naman 'yon ang totoong dahilan.

Binuhat ko siya papunta sa sala at agad kong kinuha ang first-aid kit. She sobbed while I tended her wound and after a few minutes, maybe because of exhaustion, she fell asleep on the couch. I sighed while looking at her troubled expression and I felt bad for not knowing her worries.

"Sorry ulit, Lyka," bulong ko habang hinahawi ang buhok sa mukha niya.

Tatayo na sana ako pero bigla namang may tumunog. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng jacket niya at pangalan ni Dylan ang nakalagay sa screen. Sinagot ko naman agad 'yon.

"Hoy, gabi na. 'Di ka pa ba uuwi? Inaantok na ako! Bakit mo kasi iniwan ang susi mo?"

"Dylan, ako 'to," sabi ko at napatigil naman siya sa pagsasalita.

"James? Nasaan si Lyka?" seryoso naman niyang tanong.

"Dito muna siya ngayong gabi."

"Teka, bakit?"

"She fell asleep."

"Tsk. Bakit ba lagi na lang siyang nakakatulog kung saan-saan?" mahina niyang sabi. "Sige, susunduin ko na lang—"

"Huwag na. Gabi na. Isa pa, mukhang ayaw ka niyang makita ngayon," sabi ko naman at mukhang dapat ay hindi ko na sinabi 'yon.

"Bakit?"

Manhid ba ang isang 'to?

"You better ask yourself why. Bye." 


***

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon